IV.First Heartbreak

102 9 2
                                        

JM's POV

Hahaha! Nakakatawa talaga ang mukha niya! Hahaha! Grabeh! Laughtrip toh!

Akala siguro nya hahalikan ko siya. 

Pero ang totoo---

yun naman talaga ang intesyon ko. Nakakaakit kasi yung labi niya. Ang pupula. Hehehe!!

Kaso baka magalit siya.

Kaya dinaan ko na lang sa biro ang lahat.

"Tol! Grabeh ka! Pinaasa mo si Ms. Lampa. Tignan mo tuloy mukhang disappointed." Sabay nguso sa table nila Chanlie. Tinignan ko siya ng mabuti. Pinagmasdan lahat ng parte ng mukha niya.

Hay! Chanlie, Bakit mo bah ako ginaganito?

"Tol! Kailan mo ba talaga aaminin sa kaniya yung tunay mong nararamdaman?" Napa-isip ako bigla sa tanong ni Death. Matagal-tagal din pala akong naghintay.

Hay! Ang hirap kasi humanap ng tiyempo.

At alam ko naman na wala siyang gusto sa akin. Noon pa.

Kaya umaasa parin ako na balang araw magugustuhan niya rin ako.

"Boss, Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa isang tao kung hindi pa aaminin sa nararamdaman niya?" Seryosong tanong ni Rolt. 

"Hindi. Basta ang alam ko lang sa sarili ko na nag mahal lang ako ng isang babae na kahit noon pa hindi ako minahal." Makahulugan kung sabi sa kaniya.

"Yan yung sinasabi ko eh! Dapat hindi puro pagmamahal yung inuuna mo. Isipin mo nalang na, paano kung magkaboyfriend s-----"

"hindi yan mangyayari. Da---"

"Aish! Makinig ka nga sa akin. Hindi pa ako tapos! *ehem* Back to what I said awhile ago. Paano na lang kung magkaroon siya ng boyfriend bukas? Hindi lahat ng naghihintay, nakukuha ang gusto nila.. Dapat ka ding gumawa ng paraan para makuha mo ito. Kaya kahit maaga pa, Ilabas mo na--este iparamdam mo na. Hahaha!!" Gago talaga toh! Dumi ng utak. Sarap ipa-vaccum.

Pero may point siya.

"Seryoso. Dapat mo na talaga iparamdam sa kaniya bago mahuli ang lahat." Siguro tama siya.

Tama na ang panahon ang paghihintay ko sa kaniya. Siguro naman sapat na ang naipon kung lakas ng ilang taon. kaya'at sasabihin ko na ba kaniya?

Hindi ko na gusto na maulit pa yung nangyari noon.

********

Flashbacks

"Jake. Kailan mo bah sasabihin sa kaniya ha?"

"Bukas na, Siguro! Hindi pa ko handa. Nahihiya pa ako"

"Pare naman eh! Magpakalalaki ka, Malay mo bukas may kasama na siyang iba."

"tsss. Oo na. Mamaya. Pagkatapos ng klase. Isusurpresa ko siya."

Agad-agad din kaming nag plano para sa surpresa namin mamaya para kay Chanlie.

Simple lang naman siya,

May pa konting handa naman. Isang date lang naman ang gusto ko. Gusto ko lang naman siyang makausap at makinig sa sasabihin kung importante sa kaniya. Sana masabi ko na talaga lahat ng nararamdaman ko.

Fast forward

*krrrriiinggg*

Yes! Tapos na.

Sinet na namin ang lahat para mamaya. Sana maging successful yung preperation namin.

Hoo~ kinakabahan ako!

(Chanlie' POV)

*krrrriinnggg*

Hay salamat! Makaka-uwi na talaga ako. Gabi na din kasi.

Pero saan na ba siya?!

Kanina pako naghihintay dito eh.

Aish! Mag gagabi na kaya. Delikado kaya papunta sa amin pag ganitong oras na.

Saan ka na ba?

Tinext ko na siya, kaso hindi pala marunong mag-reply yun.

"booo!!!"

"waaahh! Letse! "

"hahahahaha!! Nakakatawa yung mukha mo, alam mo ba yun? Hahahaha---Aaray! Aray! Aray! Ano bah!! Joke lang naman eh! Aray!"

Peste siya! Muntik ng tumalon yung puso ko! Grabeh! Ano kaya ang nakakatawa dun!?

"Sira ka talaga alam mo yun!"

"haha! Sorry na. Ito naman hindi na mabiro. Tara uwi na tayo. Gabi na oh!"

"Ayaw ko! Hindi ako sasama sayo. Galit ako sayo! Pinaghintay mo ako ng matagal tapos gugulatin mo lang ako!"

"Ay sus! Gusto mo lang magpasuyo eh! Oo na. Sorry na. Please! Forgive me na. *pout* Sige ka! Kikilitiin kita. Ano?!!"

"Oo na! Uwi na tayo kanina pako hinahanap sa amin."

"Yehey! Salamat ! Tara lets go!"

Sabay akbay niya sa akin.

"hahaha! Tara!"

(JM's POV)

"Tol. Hinay-hinay lang. Nasisira na yung bulaklak oh! Maawa ka naman. Nasisira na nga yung kalikasan natin, tapos nag-aaksaya ka pa! Tsk tsk tsk!
Better luck next time na lang bro."

Hindi ko na alam kung ano ang pinagsasabi ng mokong nato. Basta lutang na lutang ako sa mga pangyayari.

HINDI!! bakit? Sino ba yung kasama niya? Boyfriend ba niya yun? 

Aaaahh!! Hindi pwede! 

Huli na ba ako? 

Verone~

Umiyak ako sa panahong nakita ko silang magkasama.

And I think.

that was my first heartbreak. In my entire life.

Flashbacks ends

**************

Hay! Ayaw ko ng maulit yung nangyari noon. Masyadong masakit para sa akin.

Sana sa gagawain kung toh.

Hindi na ako magkakamali. Ulit.


Chanlie, Please wait for me.


********************

A/N: hep! Bitin noh? Hahaha! Sorry kung natagalan yung update ko..

Kung magtatanong kayo kung sinu yung kasama ni Chanlie na friend nya... Its a secret..! Sa susunod na updates pa siya lalabas...

.♥♥Age_Doesnt14

Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon