Chapter 2

2K 55 0
                                    

Chapter 2



"Hoy, Mya! Ano? Titigan na lang ba kayo d'yan!" rinig kong sigaw ni Karel sa kabilang upuan at pinagtawanan kameng dalawa.






Nagpakurap-kurap ako bago bitawan yung kamay ko. Kumuha na lang ako nang beer sa mesa na parang walang nangyareng kahihiyan sa'kin. Nagtama ulit yung tingin namin ni Nixon kaya uminom na lang ako sa beer na hawak ko. Nakita kong tumawa pa siya bago uminom sa beer niya. Napansin ko rin na kame lang pala yung nandito sa upuan. Malayo yung iba sa'min.






"Oh, akala ko ba hindi ka iinom ngayon? Nyare? Change of plans?" natatawang sabi ni Karel kaya inirapan ko siya.






"Nagbago yung isip ko." sabi ko sakaniya at uminom habang nakatingin kay Nixon.






Ngayon ko lang siya nakita na hindi nakabandana ah? Malamang, dahil walang laro ngayon. So, basketball player siya. I wonder... play boy rin kaya siya? 'Di ba gan'yan yung mga basketball player. Hindi lang bola yung nilalaro nila. Babae rin.








Kung playboy siya. Then, quits lang kame. Hindi ako NBSB. Marami na akong naging jowa 'no. Si Karel ay maraming kalandian pero walang naging jowa. Paminsan binibilang pa nga naming dalawa yung mga nakalandian namin. Hindi naman namin sila pinupwersa. Kung gusto nila then game kame. Natigil lang ako dahil naging busy ako sa school. Ayokong bumagsak 'no!






"Matagal ka na ba 'don? Ngayon lang kita nakita sa university ah?" Pag-oopen ko ng topic sa'ming dalawa.





Sinandal niya yung likod niya sa upuan. "Oo naman. Do'n ako nagaaral, e. Hindi mo lang ako nakikita." natatawa niyang sabi.





Ngumiti ako. Dahil ganito talaga yung gusto ko! Pinasandahan niya ng kamay yung buhok niya bago uminom sa beer. Infairness, ang gwapo niya! Kaya pala ako napi-pipi kapag nagkikita kame sa isang lugar. Ngayon lang ako nagkalakas loob dahil kame lang yung nandito.







At, kung talagang nireto ako ni Karel sakaniya. Edi, game lang ako kapag game rin siya. Hindi ko siya pipilitin kung ayaw niya dahil sa ganda kong 'to? Kahit na gwapo siya wala akong pakealam sakaniya. Pero sa nakikita ko sa personality niya... mabait naman. Pero don't judge a book by it's cover nga, 'di ba? Kaya titignan ko muna.







"So..." sabi ko at tinanggal yung sigarilyo sa bibig ko. "Ako, nakikita mo na ako do'n dati pa?" tanong ko.






Tumango siya at ngumisi. "Oo. Ang dugyot niyong dalawa ni Karel."





"Paano mo nasabi?" tanong ko at ngumisi.




Nagbikit-balikat siya. "Wala, napapansin ko lang."




I nodded dahil totoo naman. Sumandal rin ako sa upuan ko. "May jowa ka ba or fling?" straight-forward ko ng tanong agad.






Napangisi ako sa kaloob-looban ko dahil mukhang nagulat siya sa tanong ko. Bakit siya nagulat? Dahil ba... personal na yung tinatanong ko? Wala akong pakealam. Gusto ko lang tanungin 'yon.






Kumunot yung noo niya. "Mhmmm?"






"Sige. Ieexplain ko sa 'yo dahil mahaba yung pasensya ko. Jowa like girlfriend or nilalandi mo ngayon?" pagbibigay ko ng clue sakaniya. Pero sa totoo lang ay hindi talaga mahaba yung pasensya ko. Ginawa ko lang para sakaniya.






Tumawa siya at umiling sa'kin. "Wala. Ayoko. Ikaw?" tanong niya sa'kin.






"Wala. Pero gusto ko magkaroon. Kahit kalandian lang gano'n." sabi ko at nag-open ulit nang beer. Hindi ko nga namalayan na naubos ko na pala yung isa.






𝗪𝗮𝗹𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗲𝘁𝘄𝗲𝗲𝗻 𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 (ALLURING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon