Chapter 25

1.1K 27 2
                                    

Chapter 25



"Everything will be okay." sabi ni Suzein at hinaplos yung likod ko.



Tulala ako habang nakatingin sa labas ng bintana, dito sa condo niya. Nandito kameng apat. Wala si Airam dahil bawal gabihin. Umiling ako at kinuha yung bote nang alak at ininom. Tulog na sila Karel. Hindi uminom si Suzein dahil binabantayan ako dahil baka ano pa 'raw yung magawa ko sa sarili ko. Naramdaman kong niyakap niya ako sa gilid kaya uminit ulit yung gilid nang mata ko ng maalala yung nangyare kanina.



Kalat na sa social media yung mukha namin ng nanay ko. Nalaman narin ng buong school. Kinuha ni Karel yung cellphone ko dahil marami ng masasamang salita yung binibitaw sa 'kin at sa nanay ko. Hindi ko alam kung anong mangyayare sa 'kin bukas. Hindi ako umuwi sa apartment dahil baka nando'n yung lalakeng sumira ng lahat. Kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko siya kayang makita. Tanging galit lang yung namumuo sa puso ko ngayon para sakaniya.




"H-Hindi na siguro magiging okay lahat.." bulong ko.





"Hey, don't say that.." sabi niya. Tumingin ako sakaniya na gusto ng umiyak. Pinunasan ko yung luha ko at uminom na lang.





Gabi na at hindi ko alam kung anong mangyayare bukas. May pasok pa naman. Hindi ko kayang harapin. Lahat. Wala na akong mukhang ihaharap dahil kay Nixon. Galit na galit ako sakaniya na kaya ko na lang kalimutan lahat ng meron kame para maibalik lang ang lahat.. pati si mama. If I could just do it. I will do it with no regret.





Kinabukas ay hindi na ako pumunta muna sa school. Wala naman siguro kameng gagawin ngayon. Ayokong pagpyestahan do'n. Hindi na ako makakatanggi pa dahil alam na nila. Ang dami pang mga pictures na nakakalat sa social media. Aaminin ko na natatakot ako at malamang ipapahiya ako sa school pero mas takot ako na mawala si mama sa 'min ni Ella. Ayokong maranasan 'yon ng kapatid ko kaya kakayanin ko lahat.




"Sabihin mo lang sa 'kin kung may nangaaway sayo. Sasabunutan ko." sabi ni Karel kaya tumawa na lang ako ng mahina.




Dito parin ako nakastay sa condo ni Suzein. Pumunta sila dito dahil sabay na 'raw kameng papasok. Kinakabahan parin ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin nila sa 'kin. Sa pamilya namin. Nakuyom ko yung kamao ko ng maalala ko si Nixon. Sana hindi ko siya makita. Ayoko na siyang makita. Masasaktan lang ako.





Tumingin ako kay Suzein ng may ibigay siyang mask. Umiling ako. "Kaya ko," pagkukumbinsi ko sakanila.



Malalaman at malalaman parin naman nila kaya wala ng silbi pa yung pagsuot ko nang mask. Sinuot ko na lang yung hoodie ni Suzein. Dahil nilalamigan ako. Nilalagnat rin ako ng konti ngayon.





"You sure?" Tumango ako kaya sabay na kameng lumabas sa condo niya. Sumakay na kame sa kotse niya papunta sa university.






"Mauna na kayo," sabi ko at hindi tumingin sa labas ng bintana.






Agad silang bumaling sa 'kin at kinuotan ako ng noo. "Ano? Gusto mo bang kuyugin ka ng mga estudyante dito?" banta ni Karel.




"Ayoko lang madamay kayo." mahina kong sabi.






"Matagal na kameng damay, Maya." sabi ni Beatrice.




Umiling ako. "Kung ayaw niyong mauna. Ako na lang. Intindihin niyo na lang ako." pakiusap ko.




Wala silang nagawa nung buksan ko na yung pintuan ng kotse ni Suzein. Pagkalabas ko pa lang ay nagbulungan na agad yung mga estudyante habang nakatingin sa 'kin. Bumaba yung tingin ko sa paa ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad.




𝗪𝗮𝗹𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗲𝘁𝘄𝗲𝗲𝗻 𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 (ALLURING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon