"Tell him, I'm not here!" naiirita niyang wika kay Charlene. Isa sa mga empleyado niya. Marahil alam na ng binata na siya ang may-ari sa coffee shop na katabi lang ng hotel nito. Ilang araw na itong pabalik-balik at ni isang beses ay hindi niya ito sinipot. Tinanong niya ang Mama Roqeya niya ngunit wala siyang nakuhang sagot mula ginang.
"Pero maam, alam po niyang nandito kayo. Ayaw po tumigil", parang naiiyak na sabi ng babae. Napakamot pa ito ng batok at hindi alam ang gagawin.
Malakas siyang bumuntung-hininga. Ilang beses na humugot ng malalim na hininga para kumalma. Aegus is starting to get into her nerves. Hindi niya alam ang gusto nitong marinig sa kanya at gusto pa siyang kausapin. Sana lang, hindi nito malalaman ang tungkol sa mga anak niya. Dahil tiyak, problema na naman lalo na kapag nalaman ng pamilya nito.
Kung alam lang talaga niyang pagmamay ari nito ang hotel sa katabi njya ay gumawa na siya ng paraan para hindi gawin ang pinapakiusap ng kanyang Mama.
"Let him in!" Galit niyang wika. Ilang araw nang ganoon ang eksena niya at nauubos na ang pasensya niya.
"Anong bang problema mo?!" Agad niyang bungad nang pagkapasok pa lamang nito.
"Oh, seems you're not in the good mood."
"You never miss a thing", puno ng iritasyong wika niya. "Ano ba talaga kasi ang kailangan mo Aegus? You are terrorizing my employees!"
"Yan ba ang sabi nila sayo?"
"No. Yun ang nkikita ko",Saka tinuro ang salaming dingding. Nakikita lahat ng galaw ng tao sa labas.
"Alam mo naman palang nasa labas ako pero ang sabi ng mga empleyado mo ay wala ka", akusa nito.
"Wala kang pakialam", ang kalmanteng anyo niya noong una nilang kita ay hindi na niya nagawa ngayon. Pinakita na talaga niya ang inis sa presensya nito.
"Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin, at nang makaalis ka na", pasuplada niyang wika sabay tayo at tuluyang hinarap ito.
"So you own this", sabay libot ng tingin nito sa paligid.
"Pumunta ka lang dito para sabihin yan?"
Humugot ito ng malalim na hininga at seryoso siyang hinarap. Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang kailangan nito sa kanya.
"I know what I did was unforgivable. And I am not going ask you to forgive me Willow. Nandito ako para malaman kung anong naging buhay mo noon at ngayon. I am an asshole, I know that."
Pasimple niyang naikuyom ang kamao. "First, my life before and now doesn't concern you anymore. Alam mo naman palang hindi kapata-patawad ang ginawa mo, what are you doing here, then? Because, honestly Aegus, I don't want to talk to you nor even see you. I don't want you to be a part of my life any more!"
Natahimik ito at nakamatang nakatitig lang sa kanya. Ilang segundo, umikot ito at ikinumpas ang kamay sa harap ng kanyang coffee shop na may pinapagawang establismento.
"Do you see that?" Napasunod ang tingin niya doon. "That's supposed to be a petshop. But it failed, so I bought it. It will be a coffee shop soon."
Malakas siyang napasinghap sa huling sinabi nito. Hindi agad siya nakahuma at saglit na nablangko ang kanyang isip. Lumingon ito at hinarap siya ulit.
"What do you think?"
"And what's that supposed to mean?" Triggered na tanong niya. Sinong hindi agad aalpas ang galit. Aegus known as a Tycoon. Kahit tinanggalan ito ng tatay nito ng karapatan sa kompanya ay hindi iyon kawalan dito. At pagdating sa negosyo, wala siyang panama sa lalaki. Isipin pa lamang niyang may kakompetensya ang kanyang coffee shop ay parang nahirapan agad siyang mag-isip. "Naghihirap ka na ba at pati Coffee shop ay gusto mong patusin? Talagang pumunta ka talaga dito para sirain ang araw ko, noh? At hindi lang yata araw ko ang balak mong sirain, pati na naman yata ang buhay ko. Tell me Aegus, kulang pa ba? Hindi ka ba matatahimik hangga't nakikita pa akong humihinga?"

BINABASA MO ANG
Love And Regrets
Fiksi UmumWARNING||MATURE CONTENTS The worst nightmare a woman can have is when her groom did not shown up on her wedding day. No one wants for that kind of misfortune. You imagined your life ahead with the person you love the most. You surrendered. Not just...