CHAPTER 2

262 24 5
                                        

Kulang ang salitang gimbal sa  nararamdaman niya ngayon. Anong ginagawa ng kanyang kapatid sa hotel room ni Thylane?  Wala siyang sinayang na sandali at inilang hakbang lamang ang pintong kinaroroonan nito. Nakalimutan na niyang may kasama pala siya sa labas. Tuloy-tuloy ang kanyang  pagpasok sa loob.
Siya ring paglabas ni Thylane mula sa kwarto at gimbal na napatingin sa kanila partikular sa kanyang likuran.

"Ate Willow? Kuya Aegus? H-how did... Bakit kayo nandito?"

Tiim bagang na hinarap niya ang kapatid? Ang kanina'y gulat na  anyo nito ay napalitan ng ngisi. This is not so him. May galit na naaaninag sa mga mata nito.

"What's with the face Ate? Yes, we f*cked! We've been hooking up."

"Ruairi!" gimbal na saad niya sa inasta ng kapatid.

"You son of a b*tch!" Galit na wika ng lalaki mula sa kanyang likuran. Pareho silang gimbal ni Thylane nang bigla nitong sunggaban ang kanyang kapatid at kinuwelyohan. Hindi man lang natakot ang huli, bagkus nakipaglabanan ito ng galit na titig kay Aegus. At alam niya kung saan nanggaling ang galit na iyon.

"Just try to hurt my brother and I will smash this crystal ball in your head Aegus",aniya sabay sambit sa crystal ball na may lamang artificial na maliliit na bato na nakalagay sa maliit na center table. "Thylane, get out. Hintayin mo ako sa coffee shop sa baba. Mama is on her way."

Nagdadalawang isip pa kung iiwan silang ganoon ang sitwasyon. Matigas niya itong inutusan na umalis na. Kaya wala itong nagawa kun'di sundin siya.

"Let go of my brother, Aegus", malamig na utos niya. "Ako ang kakausap sa kanya at hindi ikaw."

Padaskol nitong binitawan si Ruairi at hinarap siya. "So, you have now a brother, huh? As far as I remember you were an orphan. Or maybe just a lie to get close to me."

Gusto niyang magalit sa inasal nito. But she chose not to. Maakusahan na naman siyang bitter 'pag nagkataon. Pinili niyang ignorahin ang galit pa ring lalaki at hinarap ang kapatid.

"You. Mag uusap tayo mamaya sa bahay", may diin niyang sabi. "Fix yourself and go home."

Parang may gusto pa itong sabihin ngunit piniling itikom ang bibig at kinuyom ang kamao. Si Aegus ang huling taong gusto nilang makita. Kung may galit  pa siya sa lalaki ay hindi niya matukoy. Ang tanging alam lang niya ay galit na galit dito si Ruairi. 

Naging tahimik bigla ang paligid. Nang makapag-ayos ang kapatid ay sasabay na sana siya dito palabas ngunit maagap na napigilan ni Aegus ang kanyang braso.

"We have to talk."

"We have nothing to talk about, Aegus", matigas niyang saad. "The only person that we have to explain about this are Thylane's parents."

"I want to talk about everything Willow", tiim bagang na wika nito na nagpatawa sa kanya ng pagak.

"I am really sorry. I don't have everything to talk to. Please excuse me, may mga bagay akong dapat unahin kesa makipag-usap sa'yo."
Tukoy niya ay ang sitwasyonng kinasasangkutan ng kapatid. Wala siyang panahon para makipag reminisce ng nakaraan sa lalaki. Wala nga ba, o sadyang may hinanakit pa rin siya rito? Pait na lamang siyang ngumiti at saka mabilis ang hakbang na lumabas sa silid na iyon para sumunod kay Ruairi.

"How did that bastard knew we're here?" Inis na tanong nito agad nang magkaagapay sila sa paglalakad. Nasa mukha nito ang akusasyon sa kanya. "And how did you even find me?"

"I don't know", mabilis niyang sagot. "I don't even know na ikaw pala ang kasama ni Thylane sa hotel room na iyon. Of all women, si Thylane pa ang kasama mo. Pumunta ako doon para kay Thylane because Mama asked me to."

Love And RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon