CHAPTER 4

219 20 7
                                        

Maya't maya ang tingin niya sa unahan. Nasa waiting shed siya at hinihintay na matapos ang klase ng kambal. Maya't maya din ang tingin niya sa kanyang relo. May iilang mga nanny na nandoon at naghihintay.

Napansin niya ang pares ng sapatos sa kanyang tabi. Hindi niya pinagkaabalahang tingnan kung sino ang may ari niyon. Ngunit nagtaka siya at nagbubulung-bulungan ang mga babaeng nandoon at sa gawi niya nakatingin. At napansin din niya ang pamilyar na pabango na malapit lang sa kanya.
Pasimple niyang sinipat ang katabi para lamang manigas siya sa kinauupuan. Mabilis na hinarap ito.

"What are you doing here?"

"I don't know? It's seem like I miss a lot of things. I mean, a lot...."

Hindi na niya tinanong kung paano nito nalaman doon. Pag aari nito nag resort kung saan ginanap ang field trip. Gusto niyang magalit sa sitwasyon niya. Pagkakataon na ang gumagawa ng paraan para magtagpo ang landas nilang apat. Sa natuklasan nito kahapon ay inaasahan na niya itong hindi tatahimik. Hindi man nito sabihin, ramdam niyang ramdam nito na anak nito ang kambal. Ang mga bagay na kinatatakutan niya ay dumating na. Hindi man niya hangad na matulad sa kanya ang buhay ng dalawa, pero hindi pa siya handa. Hindi pa siya handang ibahagi dito ang kanyang mga anak. Marami siyang agam-agam at kinakatakutan. Takot para sa mga anak niya na baka hindi maibigay ni Aegus ang pagmamahal ng ama na hinahanap hanap ng dalawa.

"Hello Mom", si Liam.

"Hi sweetheart", agad na sagot niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kaya nagkunwari siyang nakalimutan ang presensya ng lalaki.

"Where's your---Willolina!" Napahiyaw siya sa gulat dahil sa bilis nitong tumakbo papunta sa kanila.
"Bakit kaba tumatakbo?"

"I just want to. Hi to you stranger from yesterday", bati nito sa lalaking wala yatang balak umalis doon.

"Hello to you, stubborn young lady, how's your day?"

"I'm doing great!" Masigla nitong sagot. Wala silang nagawa ni Liam kundi panoorin ang dalawa.

"Yeah? You did great in math today my twin right?" Singit bigla ni Liam. Alam na niya ang kasunod niyon. Mag aaway na naman ang dalawa dahil hindi matanggap ng babaeng anak niya na laging napapansin ng kambal nito ang mababang score nito sa klase palagi.
"Having three score out of ten is really great right?"

"Liam", saway niya sa anak. "Lilo can't be like your brain. But it doesn't mean she's not smart in other way."

Malumanay niyang wika. Hindi dapat nito ginaganon ang kapatid kahit na sobrang pasaway ng isa.

"Hindi kasi nakikinig kapag tinuturuan ko Mommy eh."

"You are so ungrateful Liam. I even fight for you because they're bullying you!"

"Nakikipag away ka na naman Lilo?"

"Because I heard that Paulo calling Liam a fatherless! Of course it hurts me too!"

Wala sa loob na napatingin siya kay Aegus na nooy nakatunghay lang sa dalawa na patuloy pa ring nagtatalo. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito. Ngunit isa lang ang masasabi niya, hindi nito gusto ang narinig mula kay Lilo.

"Do you want to play in the playground?" Nagawa niyang itanong sa dalawa. It looks like they really need to talk. Hindi man matapos sa araw na ito, at least mauumpisahan niyang magpaliwanag. Hindi ito ang unang beses na nakikipag away si Lilo dahil lang sa walang kinikilalang ama ang dalawa. At hindi niya alam kung bakit nagawa niya iyong padaanin lang sa kanyang pandinig.

Natigil sa pagtatalo ang mga ito. Nauna na si Lilo na tumakbo habang tahimik lang silang nakasunod dito.
"Go to your sister, Liam."

Nag aalangan itong tumingala at tumingin sa gawi ni Aegus.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love And RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon