Chapter 54

591 38 2
                                    

I tried calling the unknown number but it just kept on ringing. Padabog akong tumayo sa pagkakaupo at saka tinanggal ang IV na nakatusok pa sa kamay ko. Dumugo lang ito ng kaunti pero hindi ko na ininda. I am on a rush right now.

Sobrang sakit ng buong katawan ko pero wala akong panahong isipin 'yun.

"Ma'am!" Gulat na bungad ng sampung body guards na siyang kasama ko ngayon. Sila rin 'yung nakabantay sa labas. Mukhang natakot na si Kuya Algy na may gumalaw sa kapatid niya.


Pero paanong nakalusot si Ashley sa bahay?


I know that the twins are well guarded on our mansion. I'm sure that they will be safe but I was wrong because here I am, panicking because their life is at stake.

"Ma'am, bawal po kayong—"



"Walang sinabi si Kuya. Ang utos niya ay bantayan ako. Ngayon mamili kayo, aalis ako ng mag-isa o sasamahan niyo ako?" Nagkatinginan silang lahat pero hindi ko na sila hinintay makasagot dahil tumakbo na ako palabas ng hospital.


Kaagad akong pumasok sa malapit na tindahan at saka bumili ng shorts at isang white na v-neck shirt. Sinamahan ko na rin ng white na cap at rubber shoes. Taka akong tiningnan ng tindera dahil naka-hospital gown pa ako pero hindi na rin siya nagtanong at hinayaan akong magpalit sa loob ng bathroom nila. Mukhang natakot yata sa mga bodyguards na kasama ko.


"Keep the change," sambit ko at saka naglakad palabas.


"Saan po ba tayo pupunta Ma'am?" Tanong ng isang bodyguard pa pero wala na akong panahon para sumagot. Hindi ko rin alam kung saan pero kung tama ang hinala ko ay sa abandonadong bahay ulit sila pupunta.

"May van kayong dala?" Tanong ko habang busy sa pagtawag sa unknown number.

"Ma'am... Baka po kasi mapagalitan kami ni Sir Algy—"

"Kung ayaw niyo, sige aalis na ako." Sagot ko at akmang aalis na pero agad niyang nautusan 'yung Gaspar na kumuha ng sasakyan sa parking lot ng hospital.

"Ma'am, mukhang matatagalan si Gaspar dahil maraming nakaharang. Umupo po muna kayo." Offer ulit ng bodyguard na laging sumasagot sa akin. Umiling ako at saka muling tumingin sa cellphone.


"Ashley papatayin talaga kita kapag nakita kita!" Frustrated na sambit ko at halos maupod na ang screen ng cellphone sa sobrang diin ng pagpindot ko. Nakita kong gulat na tumingin sa akin ang mga bodyguard pero hindi na rin sila nagsalita.

Maya-maya ay may humintong van sa harap namin. Walang pakundangan akong pumunta sa driver's seat bago binuksan ang pinto. Taka nila akong tiningnan.

"Ma'am?" Naguguluhang tanong ni Gaspar sa akin pero wala akong panahong mag-explain.


"Labas, ako ang magda-drive!" Utos ko pa pero hindi siya natinag. "Bilis!" Naiinis na saad ko kaya agad siyang bumaba at lumipat sa passengers seat. Agad nagsisakayan 'yung iba. Mabuti na lang at pang-twelve na tao ang kayang i-accomodate nito. 'Yun nga lang, sa sobrang laki ng katawan nila ay parang siksikan pa rin.


I connected JCs phone on the car and tried calling and calling the unknown number but it's still out of reach kaya tumawag na lang ako sa isang kakilala.


"Yeah, badly need your help." Sagot ko bago pinatay ang tawag.


Bumabyahe kami papunta sa gitna ng traffic na kalsada nang bigla akong makatanggap ng tawag. Kaagad ko 'yung ini-accept.


"Ashley saan mo dinala ang kambal. Sinasabi ko sa'yo, kapag may nakita ako kahit isang galos, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!" Banta ko pero humalakhak lang siya na parang isang malaking joke ang sinasabi ko.


Josh Cullen's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon