8 : Emergency

25 8 0
                                    

CHAPTER 8
Emergency

🐾

KYZN'S P.O.V

"How did you know Dad?" naguguluhang tanong ni Ashton sa kanya.

"We have someone who knows his identity," tito explained tyaka tinignan ako.

"Ky, you need to stay lowkey for a while dahil ikaw ang pinupunterya nila. Seems like may nag-leak ng information niya kaya lets expect na marami tayong makakalaban sa mga paparating na araw," seryosong sabi niya.

"Paano na yung pag-aaral niya?" tanong ni kuya na sinagot naman ni tito.

"Mag-aatend pa rin siya pero make sure na hindi siya maiiwan mag-isa niya,"

"Tito, masususpend po ba kami?" pag-iiba ni Ino sa topic at tumango naman si tito Asten. Napansin ko na lahat sila ay nalungkot sa narinig nila.

"Please wait for a second, sasagutin ko lang to," sabi ni tito habang nakaturo sa phone niya tyaka agad na umalis.

"Alas talaga, minsan napapaisip nalang ako kung saan na napadpad yung utak mo," naiinis na sabi ni Ino.

Tinignan siya ng masama ni Ashton tyaka tumayo sa kinauupuan niya at lumapit kay Ino.

"Anong ginawa ko?" tanong niya while fiercely looking at Ino.

"Sumugod ka ng mag-isa mo– Hoy, bitawan mo ako," natatarantang sabi ni Ino nung hinawakan ni Ashton yung collar ng damit niya.

"Hoy ano yan," sita ni kuya sa kanila and gently pushed Ashton para makalayo kay Ino.

"Atleast may action akong ginawa. Kaysa naman sayo na puro salita lang ang ambag," naiinis na sabi ni Ashton sa kanya.

"Grabe ka naman sa akin," malungkot na sabi ni Ino tyaka humalukipkip pero walang paki-alam si Ashton.

"Ashton, huwag nang makipag-away," suway ko sa kanya at sumunod naman ito by going back to his seat.

Pagkatapos ng sagutan nilang dalawa, tahimik na nakaupo ang lahat, nag-aalala kung anong posibleng mangyari.

Kuya groaned. "Ano ba ang pakay ng mga taong to kay Kyzn?"

"Baka naman nalaman nila na kasama natin siya," seryosong sagot ni Ino.

"Yun rin ang hinala ko nung nililigtas natin sila Ky," sabi ni Kuya at nag-aalalang tumingin sa akin tyaka bumuntong huminga.

"Ky, I think kailangan mo nang tumira kay ate mo,"

Pagkasabi niya dun, lahat sila ay sabay-sabay na nagsalita. "Hindi ka ba nag iisip?"

"Ano?" naguguluhang sabi ni Kuya.

"Tanga ka ba. Kapag paalisin mo si Ky dito, mas madaling mapapahamak si Ky," nag-aalalang sabi ni Haydon.

"Also, pwede ring madagdag si Xandra sa kapahamakan," dagdag ni Yvon sa sinabi ni Haydon.

Natahimik si kuya sa mga sinabi nila at napahawak sa ulo niya.

"Dont stress yourself too much. Meron rin naman kami rito sa tabi niya," sabi ni Yvon kay kuya while gently patting his back.

May nakapatong na flower vase dun sa lamesa at pansin ko na may design itong butterfly, same sa design ng necklace ko.

Nagtaka ako saglit pero agad na binaling ko ang attensyon ko kay tito nang nagsalita siya at napansin ko na iba na yung expression niya compared kanina bago niya sinagot yung tawag. 

Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon