11 : School Camping Trip (1)

30 7 0
                                    

CHAPTER 11
School Camping Trip (1)

🐾

KYZN'S P.O.V

Habang nagsasapatos ako, I saw my phone lit up. Tinignan ko ito and immediately answered the call.

"Bilisan mo jan. Andito na kaming lahat sa baba. Ikaw nalang ang hinihintay namin," sabi ni Yvon

"Oo, nag sasapatos na," sagot ko tyaka binaba yung tawag.

Before going out of my room with my big ass bag, tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin.

Ang ganda talaga ng taste ni Xel when it comes to clothes!

Inalala ko muna kung may naiwan ba ako bago lumabas ng kwarto at paika-ikang naglalakad dahil sa bag na bitbit ko.

"Pota, ano ba yung mga pinag lalalagay ko dito para maging dumbell tong bitbit ko," inis na bulong ko sa sarili ko.

I only have one hand to hold this freaking bag.

"Tulungan na kita," rinig kong sabi ni Ashton at kinuha yung bag ko without me saying anything.

Hinayaan ko nalang siya at nang nakababa na kami sa salas, napagtanto ko na nasa labas na yung mga kasama namin kasi wala akong naririnig na kahit anong ingay dito.

"Oh, tapos ka na pala. Nasa sasakyan na silang lahat," sabi ni Yvon at lumapit sa akin.

"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko kasi hindi ako na inform kung saan ang destinasyon namin.

"Hindi ko rin alam eh. Walang sinabi sa mga SSC Officers," sagot niya.

"Ganon ba," sabi ko nalang at nang nakalabas na kami, nakatayo silang lahat sa harapan ng sasakyan.

"Kaya mo bang mag-isa sa likod? Baka lasi masagi yung kamay mo," tanong ni Yvon.

Masayang tumango ako dahil makakahiga ako ng maayos sa likod.

Pinauna nila akong pumasok sa loob bago sila. Habang isa-isa silang pumapasok, tawa ako ng tawa dahil sa mga interactions nila sa isat isa.

"Huy urong ka dun," sabi ni Haydon kay Ino.

"Bahala ka jan," sabi ni Ino at nag act na natutulog.

The car ride was quiet kasi mostly sa kanila eh tulog. Ako at si Yvon lang yata yung gising eh.

Since malayo layo pa yung destination namin, nakinig nalang ako ng music hanggang sa makarating kami sa meeting place.

Nang nakarating na kami dun, marami nang mga studyante ang nagpakalat kalat dun.

I can see that some of them are very happy because of the way they smile. Yung iba, parang na bobored.

Both Ashton and I went to our respective class at sakto naman na nadatnan namin yung adviser namin na nag aannounce.

"Your seatmates in class will be your seating arrangement dito sa bus," sabi ng guro namin tyaka umalis.

"Guess my roadtrip wont be that bad," rinig kong sabi ni Ashton.

Tinignan ko siya ng masama tyaka pinaikot ang mga mata ko. "Aasarin mo nanaman ako ng walang tigil,"

He then pretended na parang hindi niya alam na yun ang gagawin niya. "Ows? Talaga ba?"

"Pre, tawag ka ni Ma'am," sabi ng isa naming kaklase at agad na umalis. Sinundan naman siya ni Ashton.

"Hindi pa ba kayo nag aayos sa bus niyo?" nagtatakang tanong ko kay Ino nang nakalapit siya sa akin.

Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon