CHAPTER 2
Familiar yet Unfamiliar🐾
KYZN'S P.O.V.
Feel ko nasa space ako kasi parang lumulutang yung katawan ko tas yung kapaligiran na nakikita ko, its a blank space.
Teka, papunta na ba ako ng langit? O kaya naman ay sa impyerno?
"Nice to meet you,"
Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat nang marinig ko yung sarili kong boses kahit na hindi naman ako mismo yung nagsalita.
Then, bigla nalang nasitaasan yung balahibo ko nang dumilim bigla yung kapaligiran.
"Sino ka?" tanong ko sa hangin pero wala akong narinig na sagot kundi mababang tawa.
Hindi ko kayang pigilan yung takot ko kaya napaupo ako sa sahig at niyakap ang sarili ko.
What kind of place is this? Gusto ko nang umalis, gusto ko nang umuwi.
"Then fucking wake up," sagot ng boses ko.
Shit, I think she can hear my thoughts.
"Loud and clear actually," sagot niya at tumawa muli.
I tried to look around pero wala akong makita na kahit anino man lang.
Tumigil siya sa pagtawa tyaka bumuntong huminga. "Hindi mo ako makikita because I'm you. Just imagine na nasa loob ka ng sarili mo,"
My inner self?
"Am I dreaming?" nagtatakang tanong ko at dahan-dahang tumayo pero napaupo muli ako dahil naduduling yung mata ko.
"That is for you to find out. Dapat mag effort ka rin," sabi niya.
"You're going to be trapped here. Unless, you'll find a way out," dugtong niya.
Agad kong dinilat ang mga mata ko and sighed in relief nang napagtanto ko na panaginip lang talaga ang lahat ng yun.
Pinakalma ko na muna ang aking puso bago bumangon. Medjo blurred pa yung paningin ko so I tried to squint them, hoping na mag clear na siya pero malabo pa rin talaga. Parang yung relationship niyo.
Char.
Hindi ko matantya kung saang lugar ako ngayon at kung sino yung nasa tabi ko. All I can see is their silhouette. Then biglang sumakit yung ulo ko kaya napahawak ako dito pero agad ko ring tinanggal dahil may nasagi akong masakit.
"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ng tao na nasa tabi ko.
"Nasa langit na ba talaga ako?" bulong ko dahil parang mala anghel yung boses na narinig ko dahil umaalingawngaw ito.
I looked around at tanging kulay puti lamang ang nakikita ko. Ang lambot pa ng pinaghihigaan ko, yung feeling ng parang nasa ulap.
Then, biglang may sumapak sa balikat ko.
"Aray, sakit non ha!" singhal ko at hinawakan yung banda kung saan niya ako sinapak.
Grabe, ang sakit kaya. Parang isang galon yata ng tubig yung kamay niya.
"Ano ba naman kasi yang pinag sasasabi mo Ky. Gusto mo bang ihulog kita jan sa kama?" sabi ng isang pamilyar na boses.
Napakapit ako sa kama at mahinang nagsabi ng hindi tas sinapak niya yung pwet ko.
"Flat na nga lang yung pwet ko mas palalalahin mo pa," reklamo ko at unti-unti na ring luminaw ang paningin ko.
Sa wakas!
BINABASA MO ANG
Parallel Universe
Novela JuvenilAyon sa kwento ng mga matatanda, iilan lang ang nakakaalam na may isang mundo kung saan ito ay walang pagkakaiba sa ating sariling mundong ginagalawan. Dagdag nila na may isang taong nakapunta na dun at tuluyang hindi na bumalik pa. Pagkagising ni K...