CHAPTER 13
Chased🐾
KYZN'S P.O.V.
Nang narinig ko yung sinabi ng doctor, parang nawalan ng gana yung mga paa ko to the point na muntikan na akong mapaupo sa sahig pero may sumalo sa akin.
"Ky," nag-aalalang tawag sa akin ni ate Xel. Tinignan ko siya at napansin ang mugto niyang mga mata habang may mga luha na dunadaloy sa kanyang pisngi.
Why am I being selfish, thinking na ako lang ang apektado sa nangyari where in fact, lahat kami rito ay nag-aabang para kay Yvon.
"Umuwi ka na muna," striktong sabi ni kuya sa akin at tinulungan akong makatayo ng maayos by supporting my back and shoulder.
Tinignan ko siya at mababakas sa mukha niya ang pagkaseryoso kaya binaling ko ang tingin ko sa sahig dahil nakakatakot siyang titigan.
Umiling ako habang pinipigilan ang aking mga luha na malapit ng tumulo.
"I can't," sagot ko.
"Iniisip mo nanaman ba na kasalanan mo? Ilang beses ba namin kailangang sabihin na hindi mo kasalanan?" galit na sabi ni kuya kaya tumahimik nalang ako.
"Xander, si Yvon," umiiyak na sambit ni Xel and this made me more guilty.
Napatingin naman kaming lahat sa nurse na natatarantang tumakbo palabas ng operating room tyaka kinalabit yung doctor."Doc, buhay pa siya. Nag malfunction lang yung ECG," natatakot na sabi niya.
Agad namang tumakbo yung doctor pabalik sa loob ng operating room.
It seems like time stopped. Wala ni isa sa aming ang gumalaw nung narinig namin yung sinabi ng nurse.
Everyone is like, 'Huh?'
"Buhay pa yung mokong na yun," rinig kong sabi ni kuya sa tabi ko.
Napabaling ako sa kanya at nakita siyang parang tangang nakangiti. I noticed some movements sa tabi ko at nakita si Xel na nakahawak sa puso niya.
"Ate.." bulong ko. Hindi ko kayang lakasan yung boses ko dahil nanghihina ako. I was about to grab kuyas shirt pero nagsalita siya.
"Umupo muna tayo habang naghihintay," sabi ni kuya.
"Kailan ka pa nandyan?" tanong ni kuya sa kanya habang inaalalayan niya akong umupo sa bench.
"Ngayon lang," sagot niya at bumuntong huminga. I felt relieved nang nakita ko si Ashton na papalapit sa kinaruruonan namin.
"Buti naman at napakalma mo siya," sabi ni kuya at nagtinginan si Ino at Ashton.
"Ay syempre, ako si All Mighty kaya napasuno- Aray!"
"Tumahimik ka nalang jan," sabi ni Ashton sa kanya matapos niya itong sampalin sa balikat.
"Mukhang kailangan nating iuwi kaagad si Yvon," seryosong sabi ni kuya sa dalawa.
Naguguluhang tinignan ni Xel si kuya. "Bakit?"
BINABASA MO ANG
Parallel Universe
Novela JuvenilAyon sa kwento ng mga matatanda, iilan lang ang nakakaalam na may isang mundo kung saan ito ay walang pagkakaiba sa ating sariling mundong ginagalawan. Dagdag nila na may isang taong nakapunta na dun at tuluyang hindi na bumalik pa. Pagkagising ni K...