AKALA

5 1 0
                                    

Paanong naging akala,
Ang ibigang pinagpala?
Na sa t'wina'y nakatala
Sa palad at puso nila?

Bit'win na ang nagsasabi - 
Bathala ang humihikbi;
Ba't kay daling isantabi,
Pag-iibigang hinabi?

Puso't isipan ang laban
Ngunit ba't pag-iisipan?
Bakit utak ang kalaban?
'Di ba't puso ng usapan?

Mga tanong ni kupido -
Na marahil gulong-gulo
Kung ba't ang puso'y sarado,
Ba't kailangang may matalo?

Hindi g'yera ang pag-ibig,
Na kailangang manlupig.
'Di madadala sa bibig,
At lalong 'di malulupig.

HigugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon