BANTAS NG DAMDAMIN

2 1 0
                                    

Nag-umpisa sa isang salita -
Paunti-unting sumulat ng mga kataga.
Takot ngunit naniwala;
Lumalayo ngunit ibig kang lapitan.

Nakabuo ng parirala't 
Naghangad ng buong pahina;
Hanggang sa nagwakas -
Tuldok and bantas.

Paulit-ulit tutuldukan -
Kahit tumigil pa ang kabanata.
Kahit ang tuldok ay maging mga pananong;
Tubuan man ng padamdam ang puso.

HigugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon