HIWAGA NG PAG-IBIG

2 1 0
                                    

Ang pag-ibig na ninanais
Walang galit o hinagpis.
Tila isang bungang matamis,
Na sa puno'y nakabigkis.

Pag-ibig nga'y sadyang bulag -
Matapang at hindi duwag.
Hahamakin ang magdamag,
Mapaibig lang ang dilag.

Pag-ibig ay mapaghangad -
Ito'y tapat at 'di huwad.
Ngunit ito'y mapang-angkin,
Kapahamaka'y susuungin.

Kaya't kung ika'y iibig din,
Maghanda't ika'y susuong rin;
Kahit pader gigibain -
Masunod lang ang hangarin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HigugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon