NGITI

2 1 0
                                    

Pagtulo ng dugo, pagkalas sa pagmamahal mo;
Pagbitaw sa noon - haharapin ang ngayon.
Pagsisisi sa hiling mula sa kahapon -
'Di itatanggi ang totoo.

Kakayanin, pipilitin,
Susubukan, magtitiwala.

Dagta ng rosas, tinta ng puso ko.
Kung totoong mahal ay magpaparaya ako;
Kung sadyang masaya ka na sa kan'ya,
Hiling ay dasal - iluom ang problema.

Kakayanin, pipilitin,
Susubukan, magtitiwala.

Pangako sa'yo'y ibibigay mahal ko;
Sasamahan ka sa paglalakbay,
Kahit may iba nang laman ang puso.
Tatalon sa tulay ng mga pangako -
Na kahit walang sasalo,
Makita lamang ang ngiti mo.

HigugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon