CHAPTER 6: Someone's
watchingDisclaimer: You might
encounter grammatical
errors ahead***
Isang linggo ang nakalipas nang magtransfer sa Shinpi High si Sai at ang mga kaibigan nya. Hindi naging madali ang pag-aaral nya dahil nararamdaman nyang ayaw nila sakanya pati sa mga kaibigan nya. Matapos din ang nangyaring pagtatanggol ni Chen kay Sai ay araw araw ng nilalapitan ni chen sila sai dahil gusto nitong makipagkaibigan. Matapos ang nangyaring insidente ay hindi na ito naulit pa at naibalik ang kapayapaan. Inakala ni Sai na yun na ang huling pagkakataon na mapapahamak sya. Ngunit ang hindi nya alam, iyon na pala ang simula ng kapahamakang nag-aabang sakanya.
***
SAI
Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain. Kakatapos lang ng class namin at dumiretso agad kami dito. Kasama namin ngayon si Chen at si Rhea dahil gusto daw nilang sumabay sa amin. Hindi ako sanay na may kasabay kami dahil noon ay palaging kaming lima lang nila luna ang magkasama tuwing pumupunta kami sa cafeteria ng dati naming school.
They insisted na dapat isabay namin sila dahil KAIBIGAN daw namin sila. Hindi nga ako na-inform na kaibigan na pala namin sila. Pumayag nalang ako dahil wala din namang masama kung sumabay sila samin.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay napatigil ako dahil bigla kong naramdaman na parang may nakatitig sakin kaya iginala ko ang paningin ko sa paligid pero wala akong nakitang nakatingin sa akin. Lahat sila ay busy sa pagkain at pagchichismisan kaya nagtaka ako
"Sai? Okay ka lang?" rinig kong saad ni luna kaya napatingin ako sakanya
Napatingin naman sila sakin na may pagtatakang tingin
"Ang weird lang, pakiramdam ko kasi ay parang may nakatingin sakin kahit wala naman" pag-amin ko. Wala din namang saysay kung ililihim ko dahil alam kong mapapansin nila ang paglinga-linga ko
"Hmm, i thought i was the only one who felt it. I feel like someone's watching us from a far" rinig ko namang saad ni kera na katabi ni rhea na katapat ko lang
Kinilabutan naman ako sa sinabi nya. Naramdaman din pala nya? Akala ko ako lang.
"Hoy! Wag nga kayong manakot dalawa, kinikilabutan nako dito!" pagrereklamo ni luna kaya napailing nalang ako
"Huwag nyo ng pansinin. Ipagpatuloy nyo lang yung pagkain nyo" saad naman ni chen kaya pinagpatuloy nalang namin ang pagkain namin
Pagkatapos kumain ay napagdesisyunan naming bumalik na ka-agad sa room. Humiwalay naman samin si rhea dahil sa kabilang building ang room nya.
Habang naglalakad kami ay bigla ko na namang naramdaman ang pakiramdam na may mga matang nakatitig sa akin kaya bahagya akong luminga linga. Napatigil ang mga mata ko sa isang madilim na sulok dahil parang may namataan akong isang pares ng mga mata na parang nakatingin sakin. Hindi ko mamukhaan ang mukha nya dahil tanging mata lamang ang nakikita ko
Napabaling ako kay vera ng magsalita sya. Binalik ko ang paningin ko sa sulok na tiningnan ko kanina pero nagtaka ako dahil wala na akong makitang pares ng mga mata. Biglang nawala. Sino yon? Kaninong mga mata iyon?
Hindi ko nalang inisip pa iyon dahil nakarating na kami sa room. Katahimikan ang bumungad sa amin. Ang mga mata nila ay diretsomg nakatingin sa amin. They were giving us a death glare
"You really won't listen to us, chen?" biglang saad nung Elijah. Yung lalaking nakasalamin
"Elijah. Please lang. Wag kang magsimula ng gulo" malamig na saad ni chen at sinenyasan kaming umupo na
Hindi pa man kami nakakaupo ay biglang nagsalita ulit si Elijah. "You really want danger to embrace you, huh? Binabalaan kita chen. Ikaw lang din ang mapapahamak sa ginagawa mo"
"Tama si elijah, chen. Baka mamaya nagbabait-baitan lang yan tapos nasa loob pala ang kulo"
"Hoy ikaw na asungot ka! Noong isang araw pa ko nagtitimpi sayo! Kapag hindi mo pa pinatahimik yang bibig mo, masusuntok talaga kita!"
Agad kong inawat si luna dahil sinubukan nyang lumapit kay dale
"Bitawan mo ko sai, kailangang makatikim ng suntok ang lalaking yan para matauhan!" saad ni luna kay dale pero nginisihan lang sya nito
Magsasalita na sana yung elijah pero hindi na sya nakapagsalita dahil may nagsalita sa may pinto kaya lahat kami ay napatingin doon at nakita namin si kuya oliver kasama yung felix at kairus na nakatayo sa labas ng pinto
"What's happening in here?" walang emosyong tanong ni kuya sa amin
Magsasalita na sana si luna pero inunahan ko na sya. "Wala kuya, may kaunting hindi pagkakaintindihan lang kami pero maaayos naman namin to" saad ko pero parang hindi sya nakumbinse
"I will get straight to the point, oliver. We don't want your sister and her friends to be in this school, and i know most of the students don't want them to be in this school either"
Nagulat ako dahil sa sinabi ni Elijah. Nakita ko namang biglang nagsalubong ang mga kilay ni kuya
"And who are you to give me order, Mr. Salvestre?"
"I just want to protect the school, oliver."
"Protect the school? It's not your job, elijah. It's ours"
"It's your job? Then why you cannot protect this school before?"
And because of what elijah said, i saw kuya oliver clenched his fist. Before he could attack and punch elijah on the face i already interrupted their little fight
"K-kuya, ano nga palang ginagawa mo dito?" saad ko. Huminga naman ng malalim si kuya at pinakalma ang sarili bago ako hinarap
"I was just checking on you. Mom said you were not answering her calls and replying to her texts so she called me and asked if you were still on school and he asked me to check on you so i called you but you're not answering my calls either. So i went here" mahabang saad nya
Awkward naman akong ngumiti at ipinakita sakanya ang lowbat kong cellphone
Tumango naman sya at nagpaalam na. Pagka-alis ni kuya ay umupo na kami sa kanya kanya naming upuan dahil baka biglang dumating ang teacher namin at maabutan pa kami na nagkakagulo
Napalunok ako ng maramamdaman ko na naman na parang may nakatingin sa akin kaya iginala ko ang paningin ko at tumigil ang mga mata ko kay elijah na nakatingin pala sakin. He was glaring at me. Nginitian ko nalang sya pero inirapan lang nya ako
Aba! Nginitian ko na nga sya pero inirapan lang ako?!
Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa ibang direksyon pero biglang nagtama ang mga mata namin ni chen. "I'm sorry" she mouthed and i just smiled at her
Seeing them being always mad makes me more curious about the reason behind their anger. Pakiramdam ko ay may malaking dahilan sila kung bakit ayaw nila sa amin. They don't like transferees, i feel like they hate transferees like us. I wonder....why?
***
Shinpi High
YOU ARE READING
Who Is The Killer(Completed)
Mystery / ThrillerStatus: Completed [Prompt] Who made them trust no one but theirselves? A tragic and traumatizing past that changes their lives. Who is the mastermind? Who is the killer? Everything's unknown, unclear, and unthinkable. But one thing's for sure, they...