Chapter 8

7 1 0
                                    

We're bound to go back to condo after spending more hours after the heavy talk. Buti naman, pagkatapos noon ay iniwasan na nila itopic. They talked about careers, random things like car and houses, and even chicks.

Nakikitawa lang ako sa kanila pero hindi ako masyadong nagsasalita about sa sarili ko. Ayaw kong maghinala pa sila saken dahil wrong move na sinabi kong 'Cas' ang itawag nila saken.

Uwian na pero hindi ko alam kung paano ko lalapitan sa Arkin. Mukha namang nagkakatuwaan kanina at masaya naman sya but I don't know what he's thinking kaya noong kami nalang ang naiwan at naglakad na sya papuntang kotse ay hindi ko alam kung susunod ba 'ko.

Until he glance on me and gestured me to come. 'Di ko man aminin pero parang gumaan ang pakiramdam ko doon.

I didn't speak when I seated. So as he... Akala ko pupudpurin nya 'ko ng tanong pero tinignan nya lang ako saglit, umiling at dumiretso na ang tingin tyaka pinaandar ang makina ng sasakyan.

Not now Arkin, di ko pa kayang magsalita tungkol saken. Not now...

He glanced on me once again.

"Arkin--"

"You can't trust me. I get it" Sobrang lamig ng pagkakasabi nya. Hindi ko alam ang gagawin kaya iniwas nalang ako ng tingin at humarap sa may bintana.

We arrived at his condo. It was a quiet night and no one talked. He's not avoiding me but I feel like I'm a stranger.

Di ako makatulog dahil ayaw akong patulugin ng isip ko. Everything... Hearing how my friends suffered awhile ago, ang sakit isipin na wala along nagawa. I blame myself because Rey's mother died. I blame myself because I lost my partner in crime. Nawala ko rin yung taong tinuturing ko noon na para ko ng kapatid, si Monique. I lost the love Shaun has for me. I lost Joseph's trust. I lost their trust. I lost them all...

I didn't cried while thinking. But I know for sure, my heart is really breaking.

Nakatulog ako ng ganon hanggang sa magising ako sa malakas na tawag at yugyog sa akin ni Arkin.

"Shaun gising!"

I was panting. Ang lakas ng tibok ng puso ko at pawis na pawis ako. I'm familiar with this scene. It's been two years since I experienced this at mukhang babalik nanaman.

I harshly wiped my tears and looked away from his concerned face. Ayaw kong makita nya 'kong ganito.

"What's happening to you? Alam mo bang sobrang takot ko? You looked so pale!"

"I-I'm fine. Binangungot lang ako"

It's not a lie tho, pero nung tinanong nya kung anong napanaginipan ko, I can't tell him anything. With disappointment in his face, he once again shook his head and went outside.

Sinabunutan ko ang sarili kong buhok at lumabas na rin. Hahanap na ako ng sarili kong condo.

I just texted him na hahanap nga ako and he doesn't reply. Maybe he's really mad o kaya naman nagtatampo yon.

I found a condo 300 miles away from Arkin's. Hindi ito gaanong maliit at hindi rin gaanong malaki but it screams luxury. Ayos na rin ito. 

Lumabas ako ng nakasando lang na white may konting print sa gitna nakalagay 'Wild and free' at shorts na kaki para mamili ng mga gamit ko. I wore the shades again because it's hot outside.

Habang naglalakad ako, I caught people staring at me. Most likely babae pero may mga lalaki rin. Nginitian ko ang mga ito kahit naiilang ako.

It might be because of my physique. Mas nakikita ang bycep ko since naka sando lang. Malayong-malayo sa dati na parang walis ting-ting na naglalakad.

"Jerk"

Biglang may tumawag sa likod ko kaya naman nilingon ko sya. Napangisi agad ako, eto yung babae sa bar.

Tinaasan ko sya ng kilay, bakit ba palagi kaming nagkikita ng isang to?

"Stalker ba kita?" Naiirita nyang sabi at sinamaan ako ng tingin.

I just chuckled. "Nakita mo naman siguro na nauuna ako sa maglakad, baka ikaw ang stalker ko?"

Inismiran nya ko at nagpamaunang lumakad. What a woman. Kumuha sya ng pushcart kaya ginaya ko rin ang ginawa nya tyaka say sinabayan.

Para syang naiirita na ewan sa presensya ko kaya lumiko nalang ako kase bibili pa 'ko ng mga pagkain tyaka gamit. Bumili ako ng mga karne, gulay at iba pang pangsangkap. Pwede naman akong mag-order nalang sa mismong hotel pero di ko trip yon. Mas gusto kong ako mismo ang magluto.

Liliko nanaman sana ako pagkatapos noon pero nagulat ako kasi may biglang sumulpot rin mula sa kabila.

Muntik na kaming masubsob nung babae sa bar.

"Aish! Sulpot ng sulpot kahit saan!" Naiinis na sabi nya. I don't have any guts to yell at her too kaya sinimangutan ko nalang sya.

"Tss, mr. Casute" she murmured.

Ano namang klaseng pangalan yon? I turned back at her and gave her a questioning look.

"Cas na kabute"

Imbes na mainis ako sa sinabi nya, natawa nalang ako. "Okay, ms. Bar" I laughed and turned my back para pumunta na sa counter.

Sumunod naman sya habang tulak rin yung cart nya "ms. Bar talaga? Parang iba naiimagine ko sa sarili ko dyan ah"

Iba din mag-isip ang isang to

"Tawagin mo nalang akong Red" Sabi nya at kumuha ng isang fresh milk sa gilid.

Tumango-tango naman ako. Bagay nya naman yang pangalan nya. Dahil kung may kapansin-pansin man sa kanya, yun ay ang pula nyang labi. Akala mo naglipstick kahit hindi naman, kinakagat nya siguro yan palagi.

Pumila na 'ko pero di na sya sumunod kaya baka may bibilhin pa syang iba.

Nasa labas palang ako ng mismong grocery store nung biglang nag ring ang phone ko. It's a call from my dad.

Pero this time, hindi si dad ang sumagot kundi ang hinahangos na si Max.

"Caspien...you're dad has been kidnapped"

"What?!" Nataranta agad ako sa sinabi nya. Sino namang kikidnap kay dad?

"It's an underground agreement, your dad doesn't want you involved that's why he hid this to you. But I can't stay silent knowing he's in danger"

"I'll go back there" pirming sabi ko at binabaan na sya ng tawag. Ang lakas ng tibok ng puso ko at binabalot ako ng kaba para kay dad.

I already lost my mom... Please not my dad as well.

The Third ChanceWhere stories live. Discover now