Just a glimpse of seconds. Nasilayan ko nanaman ang babaeng yun. The reason why I am holding myself back to this place. Ayaw ko ng bumalik dito dahil sa kanya.
Just the coincidence, tss akalain mo nga naman. Shaun, kamusta ka na?
I smiled, walang magbabago. Hindi nya malalaman na ako to. Na ako si Caspien. Tinitigan ko sya, bawat detalye sa mukha nya na dati ko pa nakabisa. Mas lalo syang gumanda.
Pero katulad ng sinabi ko kanina, walang dapat magbago, hindi na dapat pang malaman ng lahat na nagbalik na ko.
Tatalikod na sana ko dahil mukhang matatagalan ang halikan nila. One more minute at baka masuntok ko pa ang kaibigan ko, mas malaking gulo yon pag nagkataon.
Pero nagulat ako nung biglang sinampal ni Shaun si Arkin, pumakat yung kamay nya sa pisngi ni Arkin. Kasali ba yan sa script?
"CUT! CUT!"
I Saw how devastated their director is, kulang nalang ay kainin nya ng buhay si Arkin at Shaun sa tingin nya.
Ngumisi si Arkin kay Shaun pero sinuklian lang sya ng irap nito. What a silly girl tsk.
"Ano ka ba naman Shaun? Andun na eh, matatapos na tapos mag-iinarte ka pa?"
"At ikaw naman Arkin! Masyado bang magulo ang script para mapagkamalan mong kiss ang hug?"
Pinilit nyang pakalmahin yung sarili nya at nagpapaypay dun sa Marie na nasa tabi nya.
I looked at Shaun, balewala lang sa kanya ang sinabi ng direktor at nag-ikot lang ng mata.
"Syempre, direk. Gusto ko lang na mas mafeel ko yung scene."
Hay. Magpapalusot na ngalang, may sira talaga ang ugok na to. Yung mga ibang nanonood hindi alam kung paanong makikiusyoso. Buti na lang walang nakapag video ng nangyari.
Arkin saw me here kaya bigla syang kumaway. Ipapahamak pa ata ako nito, instead of looking back. Umiwas lang ako ng tingin kahit napatingin yung ibang tao sa aken.
I don't have a face to save anyways, naka mask and hoodie naman ako.
"Whatever, I'll go. Bukas nalang yung mga scenes ko."
Biglang nagsalita si Shaun, pinigilan naman sya ng director and staffs nya through words but the girl would never listen.
Dire-diretso lang yung lakad nya papunta sa kulay pulang kotse na nakapark malayo lang ng konti sa 7/11 at pinaharurot na ito ng mabilis.
I can't help but to laugh silently behind this mask. Pasaway paren.
Pagkaalis ni Shaun ay kinausap narin ng direktor si Arkin. And few minutes later bigla nalang syang sumulpot sa harapan ko.
"Pare, nakita mo na?"
"What?"
"Yung eksena! Ang ganda talaga ni Shaun."
Huminga ako ng malalim, baka mamaya mabatukan ko pa to. Kahit kaylan, babaero paren.
"Cas, bakit pala ganyan ang suot mo? Tyaka isa pa, bakit andito ka ulit sa Pilipinas? Akala ko ba hindi ka na babalik?"
Ang daming tanong ng mokong, wala mang kamustahan. Parang pinapalayas na nga ako agad.
"Trip."
I can't formulate any reasons right now. Arkin is a guy with a curious mind, yet most of the time sya yung pinakaclueless.
"Trip mo lang? Gosh, alam na ba to ni Monique?"
Nanlaki bigla yung mga mata ko sa sinabi nya. "Nope, and never tell her!" I sounded like I am almost warning him. I gave him that wag-ka-ng-magtatanong look. Subukan mo lang, sasapakin kita.
"Okay, fine. Chill lang. Since birthday mo ngayon and akala mo nakalimutan ko. Aha! Mag bar nalang tayo."
Um-oo nalang ako sa sinabi nya. Though, ako mismo sa sarili ko alam kong hindi ito katulad ng sa states. I don't expect much here.
Pumasok kami sa isang sikat na bar dito sa Pampanga. Sa labas palang kitang-kita na yung mga ilaw na tumatakas mula sa loob pati narin yung amoy ng alak at yung tugtog na magpapatangay sayo.
Okay, this may not be America. But this is not that bad.
I am a party guy, bar hopping is almost my life kaya naman parang nabubuhayan nanaman ako ng dugo sa tuwing may ganitong atmosphere.
"Arkin do you have any clothes there?"
"Bakit ka pa magdadamit?"
I look at him annoyed dahil sa sinabi nya. Isang dakilang may saltik. Agad naman syang napeace sign tapos tinuro yung plastic sa likod ng kotse.
Isang summer polo at shorts. This will do. Pero bago ko pa makalimutan ay tinignan ko si Arkin.
"Artista ka, baka makalimutan mo" I reminded him and gave him a sharp look. I don't care that much actually but I know how hard it is that Arkin worked to gain his career. From elementary, pangarap nya na yan eh.
"Don't worry, it's a private bar for artists and riches." Sabi nya at bumaba na ng kotse. I never thought something like this exists in the Philippines. Mukhang mag eenjoy pala ko dito.
Pumasok kami sa loob and there napukaw halos lahat ng tingin ng mga tao especially ng mga babae samen. Two hot men on the move this night.
I wore a shade na kinuha ko rin sa plastic na pinaglagyan ng damit na suot ko ngayon.
Honestly, I noticed na kay Arkin ang tingin ng mga babae. Nakangisi kasi ito agad sa lahat ng madadaanan nya. Sanay na sanay rin.
As I stroke my hair and remove my shade. All of their attention was moved into me.
"Shit Cas, I am enjoying the stares. Inaagawan mo ko ng eksena." Bulong sa akin ni Arkin.
Ngumiti ako lalo. Sorry Arkin, I am the king of the bars.
Kinagat ko ang gilid ng labi ko at pinasadahan ang mga magandang babaeng matipuhan ko.
"Now you'll see how I changed. I became an animal in this colorful cage."