DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. Some of the names of the characters, places, and events in this book are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story contains strong language, sensitive content, mature themes that are not suitable for young readers. Read at your own risk.
I am a new writer and I hope you enjoy this story.
This is Barriers of Dreams by MstrawberryBright.
--------
I'm on my way to my apartment when my phone rang. "Hello, tita?" I said.
[Isha! Welcome back! I miss you so much, my baby...] I chuckled. Si tita talaga, naging clingy na talaga simula nung umuwi siya sa Pilipinas, ako naiwan rito sa states.
After ko nag-take ng board exam and nakuha ang license ko, dumiretso na ako sa states. Dahil iyon naman ang talagang plano. Plinano ko rin na doon na ako tumira, pero ang daming nagbago. Nag-iba ang mga desisyon ko, para kasing may hinahanap ako... may hinahanap pa rin ako.
"Tita, kakakita lang natin two months ago ha? Masyado mo na talaga akong mahal." Pabirong sagot ko. Binisita ako ni tita roon dahil miss niya na raw ako at ngayon miss niya pa rin ako. Hindi ko naman siya masisi, kasi minsan talagang nakakamiss rin siya.
[Let's have dinner later! May pina-reserve akong resto,] Pumayag ako at tuwang-tuwa pa rin si tita nang binaba ang tawag. Huminga ako nang malalim at binaling ang tingin sa binta ng sasakiyan.
Marami akong nakikitang bago na wala naman noon, mas dumami ang mga buildings at billboards sa paligid. Naalala ko tuloy nung college days ko. Deretso kami minsan rito sa apartment kasama si Claire at ibang blockmates ko. Mga lalaking naging kaibigan ko na rin dahil kaibigan sila ni... Hay, nevermind! Ayokong maisip ulit 'yon, baka masira lang ang araw ko.
Nang huminto na ang taxi dahil nandito na kami ay binigay ko na iyong bayad sa driver at bumaba na. Dumiretso na ako sa apartment at hinalungkat ko sa bag ang susi nito. Pagkabukas ko palang ay bumungad na sa akin ang simple at tahimik na silid. Ang sofa, t.v., dining table, at yung mga ayos ng mga gamit ay walang pinagbago.
Inilagay ko ang mga bagahe sa kuwarto ko, pagkatapos ay dederetso na sana ako sa banyo ngunit napahinto ako... kaharap ko na ang naging kuwarto niya...
Nagdadalawang isip akong pumasok ngunit mas pinili kong huwag nalang. Wala rin naman sigurong laman 'yon? At baka puro alikabok na rin iyon.
Chineck ko ang banyo at binuksan ang tubig para sa balak na paglilinis ko. Pumunta rin ako sa kusina at para tignan ang kalagayan ng ref at iba pang appliances, kung may dapat bang palitan. Magrogrocery nalang siguro ako bukas para makapagpahinga pa ako kahit papaano.
Inihanda ko na rin ang mop at mga basahan. Balak ko lang naman may punas-punas ngayon para kahit papaano matanggal ang mga alikabok. Bukas ko nalang idideep cleaning ang apartment para maraming oras. Nakapagpalit na rin ako ng damit. Oversized shirt at dolphin shorts ang suot ko. Tinali ko ang buhok ko na rich brown with golden balayage highlights ang kulay nito.
YOU ARE READING
Barriers of Dreams
RomanceIsha is an architect student who lives by herself until she met Cali who will change her life.