Chapter 5

6 0 0
                                    

"Ano 'tong non-showbiz girlfriend ni Louie ah?! Grabe kana girl! Umaabot ka na sa T.V.!"



"Mag-tigil ka nga, fake news 'yan." Inis kong sagot kay Claire. Nag-lalakad kami ngayon sa Plaza Mayor habang siya hawak phone nya.


Simula kasi nung nag-kausap kami ni Louie sa party ng mommy ni Claire, naging friends na kami. If he has a free time he always text me if I can go with him. Minsan tumatanggi ako kasi hindi naman flexible schedule ko.



Almost 4 months na rin nung sa party ng mom ni Claire and mag-papaskuhan na rin. This is my first time going to the paskuhan as a thomasian. Mukambibig na nga ni Claire 'yon eh.



"Ang pogi kaya ni Louie! Ang dami nag-hahabol na girls diyan eh. At saka girl full packaged na siya!" Palong-palo na sabi ni Claire. Pinagtitinginan na nga kami ng mga estudyanteng nag-lalakad.



"Ano ba siya parcel from shopee?" Inirapan ko siya, "Tara na nga umuwi na tayo." Nauna na akong mag-lakad sa kaniya.



Dahil may driver si Claire, sa kaniya ma ulit ako sumabay. Kapag wala na masakiyan pumapayag na lang ako makisabay sa kanila.



Habang na sa biyahe kami daldal lang nang daldal si Claire, buti nga hindi naririndi driver niya sa kaniya eh. Kung ako 'yon mag-rereklamo na ako kahit amo ko pa siya.



Mabilis lang din na nakauwi na ako. Pumunta na ako sa pintuan ng apartment ko at sumilip muna sa bintana kung nandito na ba si Cali.



Wala naman akong nakita na kahit anong gamit sa salad kaya baka wala pa. Pumasok na rin ako pagkakuha ng susi.



Binuksan ko ang mga ilaw dahil mediyo padilim na rin. Nag-tanggal muna ako ng sapatos at inilapag sa sofa ang mga dala kong gamit.



Pagkatapos, dumiretso ako sa kusina, tumingin ng puwede kainin. Ramen lang ang naisip ko na madaling iluto kaya iyon nalang. Mag-pprito nalang din ako ng egg para pang-idagdag.



Niluluto ko na yung ramen at akmang ipriprito na ang itlog nang may kumalabit sa akin. Bigla ako napahinto sa ginagawa ko sa gulat!



"Hi." Sabay pacute niya pa. Shuta talaga Cali!



"Bakit hindi ko man narinig na pumasok ka ng bahay?!" Tinawanan niya lang ako, "Chill. Tahimik lang ako pumasok para pag-tripan ka."



Inirapan ko nalang siya at bumalik na sa ginagawa. Nilagyan ko rin ng cheese sa ibabaw ung ramen para masarap.



Nang maluto na ito ay sinalin ko na sa mangkok at nilagay ko ang itlog sa ibabaw nito. Isang pack lang naman niluto ko tama na sa akin.



Pumiwesto na ako sa dining, sinimulan na kumain. Kumain lang ako ng tahimik habang nag-phophone. Kinalaunan umupo rin bigla sa harapan ko si Cali. Nakatingin sa kinakain ko.


"Bakit?" Tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin at tinukoy yung pagkain ko. Kumunot naman ang ulo ko   at nilapag ko sa lamesa ang phone ko. Hindi niya tinatanggal ang mga mata niya sa pagkain ko. Mediyo nakakaawa na pabebe.



I decided to give my bowl to him kasi he looks like he wanna eat my food. His eyes immediately sparkled like a baby.


Mediyo nakalahati ko naman na 'yon and busog na ako kaya okay lang. Tumayo nalang din ako at pumunta na ng kuwarto ko para mag-bihis.



Gagawa ulit ng plate. Huling plate ko lang naman na 'to kaya tatapusin ko na.  Final touch nalang naman kaya makakapagpahinga na rin ako kaagad.


Barriers of DreamsWhere stories live. Discover now