Chapter 3

16 0 0
                                    

"Nasaan ba... yung phone ko..."

Kinapa ko nang kinapa ang side table ko hanggang sa makuha ko ang phone. Anong oras na ba bakit parang may fiesta sa salas, lakas ng tugtog.


It is now 7 am in the morning, mamaya pang tanghali ang class ko pero hindi ko ineexpect na ganito ako kaaga gigising. Wala akong sa mood tumayo at binuksan ang pinto para silipin 'yung nangyayari sa labas.

Bumungad sa akin ang nakatalikod na katawan ni Cali, buhat-buhat ang dalawang dumble sa mag-kabilang kamay.

He was doing some squats, while his phone playing a rock song. Tinawag ko siya pero hindi niya ako nilingon, hindi niya ata ako narinig. "Cali." Ulit ko pero nilakas ko nang kaunti.

"Cali!" Sigaw ko na sabay palo nang malakas sa pinto na katabi ko.

Naestawa siya sa posisyon niya at humarap sa akin. Sa sobrang lakas ng tugtog ay para bang wala siyang kasamang natutulog.

"Biyernes na biyernes nag-didiwang ka sa loob ng apartment!" Inis na inis kong sigaw.

Nakatingin lang siya sa akin, hindi alam ano ang sasabihin. Binaba niya iyong hawak niya at pinatay din ang speaker na nakaconnect sa phone niya.

"Ah... Sorry, ano kase-"

"Hindi mo ba naalala na may kasama ka rito sa apartment, ha?! Ang aga-aga, Cali! 7 am pa lang, jusko! Hindi ko man na-enjoy ang beauty rest ko!" Sigaw ko ulit sa kaniya and this time na sa harapan na niya ako. Napayuko nalang siya hindi makatingin sa akin.

Bakas sa mukha niya ang pagkamula, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa workout niya o sa kaba na nararamdaman niya. "Tumingin ka sa akin." Utos ko. Inangat niya ang ulo niya at tinignan akong maigi.

"Sorry..." Iyon lang ang nasabi niya sa akin.

Pawis na pawis siya pero hindi siya amoy mabaho. Actually, amoy Johnson's baby powder nga siya. Pero hindi 'yon ang dapat kong tuonan nang pansin. Nag-patugtog siya at ginising niya ako!

"Sa susunod uso mag-patugtog na hindi gumagamit ng speaker. Uso rin mag-earphones. Hindi mo ba madama ang workout mo nang hindi ganoon kalakas ang tugtog?" Mediyo hininaan ko na ang boses. Sapat na marinig niya.

Tumalikod na ako at dumiretso sa bathroom. Ngayon lang ako nag-hilamos na may sama nang loob. Umagang-umaga wala na ako sa mood!

Pagkatapos ko mag-toothbrush lumabas na rin ako, pero pagkabukas ko pa lang ng pinto bumungad na sa akin ang nakasimangot na mukha ni Cali.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Oh, bakit?" Supladang sabi ko.

"R-ready na iyong breakfast... Kain na... tayo." Utal-utal na nakayukong sabi niya.

Inirapan ko siya at pumunta na sa kitchen. Nakahanda na sa lamesa iyong bacon, egg, ham and garlic rice. Kumuha muna ako ng tubig mula sa ref at uminom. Pagkatapos, kinuha na ko rin ang pineapple juice, at inilagay sa table.

Umupo na ako at sumandok na rin ng kanin at ulam. Kumain lang ako nang tahimik, hindi iniimik si Cali na umupo na rin sa harapan ko, sinisimulan kumain.

"Ano oras klase mo?" Biglang tanong niya. Nag-angat ako nang tingin at tinaasan siya ng kilay. "Tanong lang. Okay lang kah-"

"1 pm." I said. Tumango rin siya, hindi na balak mag-salita pa.

Mabilis lang ako natapos dahil hindi ako marami kumain kapag umaga. Inalagay ko sa sink ang plato ko at akmang huhugasan na ngunit nag-salita ulit si Cali sa likod ko.

Barriers of DreamsWhere stories live. Discover now