Chapter 1

28 0 0
                                        

[Isha, I already enrolled you. Tapusin mo ang pag-aaral mo ha. Bumili ka na ng mga materials mo for school, you can use my card. Take care.]




"Opo, tita." Mahina kong sagot. Si tita Arie na 'yung nag-susustento sa akin simula nung nag-hiwalay ang parents ko, maliit pa ako noon pero dala-dala ko pa rin hanggang ngayon. Siguro rin ay may mga pamilya na sila, baka nga hindi na nila ako kilala, e.



[Hindi ko pa alam kung kailan ang bisita ko riyan, anak. Marami pa ako inaasikaso rito. 'Wag mo kakalimutan alagaan ang sarili mo. Magiging okay rin ang lahat.] pag-aalala niya pa.



Tumango ako kahit hindi niya nakikita, "Sige po tita, opo. Kayo rin po. Sige na po baka gabi na ho riyan." Binaba ko na rin ang tawag pagkatapos. 


Sa totoo lang, ang lungkot pa rin. Ang hirap. Si tita lang ang mayroon ako, kaso na sa states siya dahil nandoon ang napangasawa niya. Hindi rin ako marunong makipag-kaibigan, na-bully na ako dati kaya mediyo natatakot na ako. Baka kasi ma-ulit lang.. ma-ulit lang ang lahat.



"Tao po! May tao po ba rito? Tao po!"



Bwisit naman, napaka-ingay! Agad tuloy ako napa-upo sa kama kahit antok na antok pa ako. Napaka-aga at sobrang pangit ng bungad sa umaga! Dali-dali na ako lumabas ng kuwarto para buksan iyong pintuan sa sala dahil kung kumatok sa pinto akala mo mababali na ito. Wala na ako pakealam kung pagewang-gewang ako, ni hindi na nga ako nakapag-ayos.



Pag-bukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki na kung ngumiti ay parang wala ng bukas. Hanggang baba lang ata niya ako. Matipuno at may itsura. Kaso hindi ko type, e. Pero sino ba ito? Lakas ng boses, ang ingat pa!



"Ikaw ba si Mish? Ay mali, Maisha, kaso parang mali pa rin-" 



Ang daldal na nga, hindi naman alam paano sabihin ang name ko. "Isha nalang, Bakit? Ano kailangan mo? Sino ka ba? Kidnapper ka ba? O kaya holdapper ka 'no!"



Humawak siya bigla sa dibdib niya. Offend ka, ano? Pero ang laking lalaki para matakot sa ganoon.



"Wow! Ako na nga ang pinapunta dito at ako pa ang sinabihan ng masasamang salita? Kung pinapasok mo nalang ako kasi nakakagutom rin yung byinahe ko, hindi ba?"



Sinusubukan niya pa talagang pumasok sa loob, ah! Ang kapal talaga ng lalaking 'to, hindi ko nga alam kung sino ang nagpapunta sakaniya at ano ang pangalan niya, tapos papasok siya bigla rito? Who you siya! Sagad!



Tumigil ako nang mag-ring ang phone ko. Pumunta kaagad ako sa sa loob ng kuwarto dahil baka si tita iyon at para rin makapag-sumbong ako na may trespasser, rito!


09****

Calling...


Huh? Bakit number lang? Don't say na... totoong kidnapper 'yon at... pati number ko, nakuha! 



Kailangan ko makatakas rito, kailangan ko mag-isip ng paraan kung hindi... posibleng matigok na ako! Hindi nila ako makukuha, lalo na ang mga pinakamamahal kong mga organs! Mahal ako! Kinuha ko ang punda ng unan at binuksan ko kaagad ang closet ko para kumuha ng mga damit. Makakalabas ako rito, makakatakas ako!



"Tulunga-" Shuta! May tumakip na sa bibig ko!



Sinasabi ko na nga bang may kukuha sa akin, e! Sinipa ko patalikod 'yung paa niya at hiniwakan ang braso niya na malapit ko na baliin. 




Humarap ako kaagad para makita ko ang itsura ng kidnapper... at 'yung maingay na lalaki ang bumungad sa akin. Kidnapper ka nga, akala mo ah!



Barriers of DreamsWhere stories live. Discover now