Nag-lalakad na kami dito sa loob ng grocery. Si Cali 'yung may dala ng cart at ako ay na sa gilid niya. Kumuha ako ng mga cereals, milk, yakult at iba pang snacks.
"Ano ba mga ulam na kinakain mo? Gulat, kumakain ka? E fruits?" Tanong niya nang malapit na kami sa fruits and vegetables section.
"Uh, yes. Lahat naman, except sa dinuguan and okra." P'wede naman ako sa dinuguan kaya lang ayaw ko lang talaga siyang kainin. Sa okra naman, nawiweirduhan ako kasi may texture na nakakadiri.
"Ano ba favorite mo? Chef naman 'tong kausap mo kaya, don't be shy." Pagyayabang niya.
Bilib na bilib sa sarili. Kapag hindi masarap luto niya, kokotongan ko talaga 'to.
"Really, huh." Tumawa ako nang kaunti, "Kare-kare is my favorite. Lalo na if maraming nuts kasi mas malasa. Tapos kapag karne at tuwalya ng baka 'yung mismong sahog, grabe sobrang yummy no'n!" Malaki ang ngiti ko habang nag-iimagine.
"Tsk. Mas yummy ako. Try mo.." tumawa siya at kinindatan pa ako.
Ang dumi naman mag-isip nito! Nakakadiri talaga itong lalaki na ito. Murong-muro na siya sa akin, sobra!
Kumuha siya ng mga ingredients at inilagay sa cart. Marami rin kami nabili, for one month grocery ata. Hati kami sa bill kaya hindi mabigat sa bulsa. May allowance naman daw siya every month kaya keri naman.
Siya 'yung nag-dalawa ng karton. Doon inilagay iyong pinamili namin. Pinabuhat naman niya sa akin iyong mga magagaan na paper bag. Hindi kami nakapag-dala ng eco bag at saka hindi rin na kami nakabili kanina.
Nandito na kami sa parking at sabi niyang mag-drive thru nalang raw kami kasi mahaba pila sa mga fast food kanina. Late na kasi kaya need na raw kumain. Nilagay niya sa backseat iyong mga pinamili dahil kas'ya naman.
"Sealbelt po ulit, madam." At siya rin nag-lalagay ng seatbelt.
While he was driving, I decided to ask him some questions about earlier. "Uh, can I ask?"
Tumingin siya sa akin saglit at humarap ulit sa kalsada. "Q and A ba 'to? Wait hindi pa ako nakapag-ready." He was obviously playing around.
His right hand was on the steering wheel while the other was playing with his lips.
"Hindi ako nakikipagbiruan. Just answer my questions." I rolled my eyes and crossed my arms over my chest.
"Okay, 'wag na galit. Ano ba 'yon?"
Huminga ako nang malalim bago mag-salita. Inaayos ang mga tanong na halo-halo na sa utak ko.
"Bakit ka ba talaga pinapunta ni tita? Bakit hindi ko alam na ipapadala ka niya? Saan ka ba galing?" Sunod na sunod na tanong ko.
"Kalmahan mo lang. Isa lang ako, isa-isa lang-"
"So, why are you here?" Umirap at tumitig sa kaniya.
He sighed. "Ganito kasi 'yon. Inoferan ako ng tita mo ng scholarship. Kapalit iyon ng pagbabantay ko sa'yo madam. Taga-Pampanga ako, ' yong nanay ko kasi kaibigan niya ang tita mo. Hindi kaya nila mama na pag-aralin ako kaya ayun pumayag nalang ako. Pagkatapos ko naman sa pag-aaral, aalis na ako, oy."
"Okay lang sa'yo na kasama ako? I mean, babae ako. Baka ano pa isipin nila." Malumanay na sabi ko.
"Huh? E ano naman kung babae ka? Wala naman ako o tayong gagawin na ano..." Tinaasan ko siya ng kilay, "Na ano?" Sabi ko.

YOU ARE READING
Barriers of Dreams
RomanceIsha is an architect student who lives by herself until she met Cali who will change her life.