THREE

38.8K 527 27
                                    



"Bakit ba halos araw-araw ka nandito ha?" Sita ni Eros sa kakapasok lang na kaibigan na si June. Naupo ito sa visitor chair na naroon sa opisina niya kahit wala pa siyang sinasabi na maupo ito. It's almost lunch time pero heto siya at busy pa sa tambak na papeles sa kanyang lamesa na kailangang basahin at pirmahan. Tapos darating pa itong istorbo na 'to.


"Namiss lang kita pare." Nakangiting sabi ni June. Galing pa siya ng Maynila at dito nga siya dumiretso sa munisipyo. He missed Angela so he want to invite her for lunch. Puro chat at video call lang ang nagawa nila habang wala siya dito sa San Juaquin. One week din kase siya naging busy sa Maynila.



"Ano nga kailangan mo? Tantanan mo ako Hunyo sa mga ngiti mong ganyan. Akala mo hindi ko alam ha. Tigilan mo ang sekreterya ko. "



"Magla-lunch lang kami ni Angela, magta-tanghali na din naman. Maawa ka naman sa sekretarya mo aba wag mo idamay sa pagka-workaholic mo. Saka wala naman akong gagawing masama sa kanya." Pagtatanggol ni June sa sarili.



"Kilala kita kaya tigil-tigilan mo si Angela, spare my secretary Hunyo kung hindi ako ang bubugbog sa 'yo." Dagdag pa ni Eros, nang pumasok naman si Angela sa loob ng opisina.



"B-boss lunch na po!" Nahihiyang sabi ko, nakatingin sa akin si June. Pagsasabihan ko nga ito mamaya, ayaw kong may isipin si Eros tungkol sa aming dalawa ng kaibigan niya. Alam ko kaseng nakakapansin na si Boss Mayor dahil lagi akong nakikita nito na kinakausap ni June.





"Go ahead Angela mamaya na ako kakain." Sabi ni Eros.



"Sige po. Bilhan ko na lang po kayo Boss Mayor ng lunch?" I used to call him boss or mayor at minsan naman boss mayor. Pero pag kaming dalawa lang mas gusto niyang tawagin ko itong kuya. "Ano pong gusto niyong kainin?"




"No I can manage, mauna ka ng kumain, hindi pa naman ako gutom." Eros gave her a signal so she can go out for her lunch. Tumayo naman na si June mula sa pagkakaupo.



"Sabay na ako sa 'yo Angela gutom na din ako eh." Hinimas-himas pa ni June kunwari ang tiyan.



"S-sige.." Nahihiyang sabi ko, baka mamaya kausapin na talaga ako ni Boss Mayor, siguradong lagot na talaga.



"Hunyo!" Tawag ni Eros sa pangalan ng kaibigan.



"Don't worry pare ako bahala kay Angela." At mabilis inakay ni June ang sekretarya nito palabas ng opisina ng kaibigan. Eros is really a serious type of person, sa kanilang magkakaibigan ito talaga ang ubod na seryoso kaya nga siguro hanggang ngayon single pa din ang loko.




"Loko-loko ka talaga mamaya baka kagalitan ako ni Mayor." I said to June after I sat inside of his car. Ililibre daw niya ako ng lunch.



"Don't mind him, hindi ka niya papagalitan saka gano'n talaga si Eros tumatanda na kase 'yon." Hinigit ng binata palapit sa kanya si Angela. Without saying any words he kissed her lips without her permission. Kanina niya pa ito gustong-gusto halikan kung hindi nga lang maraming empleyado ang makakakita. Seeing her wearing a mini skirt and a pink blouse makes him feel horny. Napakasimple lang nang ayos nito pero napakalakas naman ng dating. Tangina para talaga siyang tigang na tigang pag nakikita ang babaeng ito.



"J-June.." Mabilis kong pinigilan ang kamay niya na nasa may bandang hita ko na. "Hindi puwede." Awat ko sa kanya, kailangan ko wag mag-padarang sa kanya dahil baka kung saan kami abutin. June is a horny man, he's also touchy. Gusto niya na pag magkasama kami ay lagi kami magkahawak ng kamay.

"Why? I miss you so much." Then he claimed her lips again. Oh well they can do quickie  here on his car though. He knew hindi papayag ang dalaga sa gusto niya.



"B-baka may makakita sa atin saka nagugutom na ako." Saway ko sa kanya. Hindi kami puwedeng magpadalos-dalos lalo na at nakakahiya kung may makakita sa amin dito. Kanina nga lang pinagtitinginan na kami habang palabas ng munisipyo eh. Nagtataka marahil ang mga tao kung bakit kasama ko ang kaibigan ni Mayor Eros. Sino man lang ba ako diba kumpara sa kanya.





"Damn.. I can't go on your house tonight, we have family dinner at home. I miss you and I want to lay with you in bed and cuddle with me." His mom always prepare dinner for them and it's always held every wednesday night. At hindi niya alam kung bakit araw ng Miyerkules basta dapat lahat sila ay nasa bahay mamayang gabi. "Wait, let's go somewhere this weekend, overnight. My treat."



"Saan naman?" Mabuti at pinaandar na ni June ang sasakyan. Pero hawak pa din niya ang kamay ko.




"Basta surprise, magugustuhan mo doon." June said to Angela. Gusto niyang dalhin ang dalaga sa Lian Batangas. He bought a resort there one month ago at hindi alam "yon ng kahit sino even his friend. At gusto niyang si Angela ang unang dalhin niya doon.



"S-sige, sasama ako." Nginitian ko siya, minsan nagtataka na din ako at napapa-oo na lang ako ng binata sa mga sinasabi nito. Saan kaya kami pupunta? Magdadala ba ako ng swimsuit? Wahhhh nakaka-excite naman! Ilang beses pa lang kase ako nakalabas ng san Joaquin at ni hindi pa nga ako napadpad sa Maynila kahit kailan.


June is a happy go lucky guy kung baga lagi itong ready sa kahit na ano. Basta sige lang sige at hindi din naman lingid sa akin ang pagiging babaero nito at pagiging matinik sa babae pero heto at sumusugal pa din ako ng damdamin sa binata.



Sa isang dampa restaurant kami napadpad ni June at ang dami naming nakain na dalawa. Isa siguro na maipapag-mamalaki ng bayan ng San Joaquin ay ang mga fresh sea foods nito at iba pang lamang dagat. At hindi na nga namin namalayan ang oras dahil mag aalas dos na ng hapon kami nakabalik sa munisipyo. Abot-abot ang kaba na naramdaman ko lalo pa at unang beses ito nangyari. Siguradong hinahanap na ako ni Mayor!



"Sorry po Boss Mayor." Hingi ko agad ng paumanhin ng makita si Eros. Nakakahiya! 'Yong boss ko busy sa pagtatrabaho pero ako busy kanina makipag lunch date!



"I know it's not your fault, pero ayoko ng mauulit ito." Seryosong sabi ni Eros. "Go back to your table now Angela at marami pa tayong tatapusin." Agad namang  sumunod si Angela at pakiramdam niya ay kakausapin siya nito mamaya.




"Masama ka talagang impluwensyang gago ka eh." Baling ni Eros kay June. Sasabihan niya nga ang guard sa ibaba na wag na ito papasukin dito. "Saan kayo nagpunta?"



"Kumain nga lang kami, dapat kase sumama ka. Saka binalik ko naman si Angela ng buo."




"So utang na loob ko pa gano'n? Do'n ka sa opisina ni Gerald manggulo hindi dito Hunyo at uulitin ko ha? Tigil-tigilan mo si Angela hindi yan katulad ng mga babae mo." Kung di niya lang talaga kaibigan ito baka nasapak niya na ito. Angela is like a sister to him, dahil nga nasa Amerika ang kapatid niya na babae at wala naman na siyang ibang kapatid kaya gusto niyang tratuhin na parang kapatid si Angela. And she's not only a secretary for him, malaki ang utang na loob niya sa pumanaw na magulang ng dalaga. Sila ang tumulong para lumago ang banana plantation niya kaya nga laking lungkot niya ng magkasunod na pumanaw ang mga ito. Angela was on her third year in college that time, estudyante at wala pa alam mag banat ng buto kaya bilang pagsukli sa mga naitulong ng magulang ng dalaga ay siya ang tumulong sa pag-aaral nito hanggang makatapos ito ng kolehiyo. At heto na nga Angela graduated as a suma cum laude, her course is bachelors in business administration. Agad niya itong kinuha bilang sekretarya  pagka-graduate. Now she's working for him as a secretary for almost one year.




Kaya hangga't kaya niyang proteksyunan ang dalaga ay gagawin niya talaga kahit pa sa kaibigan niya. She is so naive plus the fact that she don't have any family and relatives that will guide her. Kung may isang taong tutulong at matatakbuhan si Angela ay siya 'yon at wala ng iba pa.




"Ligawan ko si Angela pare ha?" Habol ni June ng palabas na siya ng opisina. He just want to pissed his friend.




"Siraulo subukan mo lang! Malilintikan ka talaga sa akin." Eros said.


This story is completed on Dreame and Yugto apps. 2nd gen Leon Dela vega is also completed in Patreon and vip group. Just dm me on my fb page how to join!


#maribelatentastories

The Naive Secretary (Pay to Read On Dreame/yugto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon