• Introduction •

24 4 0
                                    

It was her eyes that used to paint her smiles, the one that travels from the East to the West. The contagious joy she carries contaminates everyone as she passes by. But not until the storms eyed on her. The one that used to be unshakable became fragile, at the walls of her trials, where her own eyes had witnessed everyone leave, one by one, each conquered by the scars made by the opinions of others—perhaps, she built weak foundations. But, "What will happen next?", "How will she heal?", questions swaddled my head as I tried to comprehend the mystery of her situation.

Dito umikot ang buhay ni Audrey Merril. Isang babaeng kilala sa kanyang tanyag na katalinuhan, at sa kanyang ipinaranas na kagandahang tumatagos mula sa labas patungo sa mga kalamnan ng kanyang puso. Isang dalagang lumaki sa isang bansang masagana sa ginto at pilak, at ang nag-iisang anak nila Mrs. Janett at Mr. Jeckson Merril. Hindi na nila balak pang sundan ng isa pang anak si Audrey, sapagkat kontento na sila sa pagpapalang kanilang natanggap mula sa kanya, at kung paano naging prinsesa na ito sa kanila. Dahil sa gawa ng kanilang takot, nahadlangan itong magkaroon ng kapatid. Ngunit, hindi naman nabahala si Audrey dito. Laging niya paring ni-respeto ang desisyon ng kanyang mga magulang at laging sumusuporta rito.
.
.
.
"Grabeee- nak! Kita mo ba si Audrey? 'Tamo, kaya sya pinagmamalaki ng inyong guro sa section niyo ay dahil, bukod sa pagiging matalino, ay napaka-galang niya sa lahat ng tao, lalo na sa kanyang mga magulang. Sana gahayin mo sya." Narinig ni Audrey ang sambit ng isang ina sa kanyang anak habang sumasagot ito ng pabalang. Ngunit, hindi nila alam, ang tila ba'y isang 'perpektong tao' sa mata ng marami, ay may itinatago sa kanyang puso. Kaya nang marinig niya, minsan pa, ang mga salitang iyon, hindi niya namalayan ang luhang unti-unting bumabagsak mula sa kanyang mga mata. "Mali ang akala nila." bulong niya sa kanyang sarili.
.
.
.

"Anak?" Narinig ni Audrey ang tinig ng kanyang ina, mula sa terasa ng kanyang silid, kasabay ng pinutang lumalangitngit habang sinubukan itong buksan. At sa oras ng pagpunas nya sa kanyang luha—

"Ma! Kumusta po kayo?" masabik na binati ni Audrey ang kanyang ina, sabay yakap rito, na para bang walang nangyari. Oo, takot syang malaman ito ng kanyang mga magulang. Pero, wala siyang ipinag-aalala rito, sapagkat matagal nya nang napaghandaan ito, resulta ng 2 taong pagsasanay. Kaya tiyak naman, matatago niya ang kanyang mga damdamin at sikreto ng walang bakas ng ebidensya mula rito. Sa mga salitang kanyang kinabisado, mga linyahang inaral niya upang masiguro niyang natural ang mga iskrip na kanyang sasabihin, at oo. Higit sa lahat, nagtagumpay naman ang siya sa kanyang pagpapagal, upang gawin niya ang lahat, mahadlangan lang ang kanyang takot.  

"Ako? Eto, pagod mula sa trabaho. Eh ikaw? Kumusta kamo ang grades mo sa school? Graduating kana this year, kaya magpapakain tayo. Tiwala naman akong ikaw ang makakakuha ng pinakamataas na ranggo, proud na proud ni mama sa iyo." sambit ni Mrs. Janett habang tulalang nakikinig si Audrey sa kanyang tabi.

1. 2. 3.

"-Ay opo ma... May naalala lang po ako. Salamat po, kain na po tayo." At lumisan ito.

•~Kinabukasan~•

Eto ang araw na hinihintay ng lahat. Lingon dito, may mga estudyanteng natatakot malaman ang kanilang marka sa eksam -- syempre, mas takot sila sa parusa ng kanilang mga magulang. Lingon doon, may mga estudyante namang chill lang, kampante, kahit di pumasa, sapagkat may pera naman sila para umulit ng kolehiyo. Ngunit eto si Audrey, nasa kalagitnaan ng 2 uri ng mga estudyante. "Siguro naman, maabot ko ang hinahangad nila mama at papa sa akin. Sigurado naman ako sa mga sinagot ko- naku! Bahala na!" ganito ang mga pumasok sa isipan ni Audrey, habang...

"Audrey Merril?" tinawag siya ng kanyang professor sa harapan ng klase. Lumapit ito at binulungan, "Nak, anong nangyari sayo? You were very good in class. Ikaw lagi ang may highest honor sa section ko. But you haven't done well lately. Nilalaro mo ba ang pag-aaral mo? Nagpabaya ka ba? Alam kong hindi ganyan ang kilala naming Audrey noon. Akala ko sa subjects ko lang, pero hindi. Well perhaps, I've raised my expectations too high." dismayado ang guro habang sinasambit ang mga salita sa kanya, sabay sa pag-abot nito ng kard.
.
.
.
"Oh anak, kumusta?" sabi ni Mr. Jeckson kay Audrey habang dire-diretsong ito pumunta sa kanyang silid.

Sa panahong ito, tanging ang mga unan lamang ni Audrey ang nakakasaksi ng kanyang mga luha. Mga damdaming buhat ng bigat ng mundo. Sa pagsubok kanyang pagdadaanan, mapuno nya lamang ang hangarin ng iba sa kanya. Ang mga inaasahan nya sa kanyang sarili ay mas mataas pa sa mga bundok ng realidad. Mga pamantayang hindi makatotohanan. "Paano ako makakalabas ng bahay nito?" Ito ang tanong na umikot sa kanyang isipan habang pinagninilayan niya ang posibleng opinyon ng mga tao tungkol sa kanya. Sira na ang integridad niya sa mga kaibigan niya dahil sabi nila ay, "hindi totoo ang kanyang talino." Sabi naman ng mga kapitbahay nila ay "Mukhang nawala ung kodigo nya habang nag-eeksam ah HAHAHA", pati ung isang ina na manghang-mangha sa kanya ay sinabihan na ang kanyang anak na "huwag mong tularan si Audrey."  Pero, mali sila. Noong araw ng eksaminasyon, okupado lamang ang utak ni Audrey ng mga takot at lungkot, kaya hindi niya nasagutan ang pagsusulit ng maayos. Pero, napatunayan naman niya na matalino talaga siya, wala lang sa hulog noong araw na iyon. Ay nako, Audrey. Kung alam niya lang kung ano pa ang mga darating sa kanyang kinabukasan. Kung ganito ang kanyang pagiisip, at sa salita lamang ng mga tao ang sandalanng kanyang buhay, mukhang hindi nya kakayanin ang mga darating pa sa susunod. Ngunit, gaya nga ng aking namsbit, umpisa pa lamang ito ng bagyong paparating sa kanyang buhay. Dapat pa ba nyang ipunin ang lahat ng mga luha, sakit at poot sa kanyang puso? Kakayanin niya kaya? 

Dear WordsWhere stories live. Discover now