02 • Wherever It Brings Me

16 4 0
                                    

"Manang Gizele, 'wag nyo pong kalimutang ilagay ung mga papeles na nasa brown envelope ha." wika ni Mrs. Janett, "Paki bilisan po't baka mahuli tayo sa eroplano." 

.

.

Alas singko ng umaga, nag-aabalang mag-impake ng mga gamit ang mag-asawang Merril, na kung saan ay, tahimik silang nagbabalak na lumisan papuntang Amerika. May pagpupulong na gaganapin sa kanilang kumpanya, kaya naman, kailangang suriing mabuti ang bawat papeles rito. Binalak rin nilang huwag munang isama si Audrey dahil hindi rin naman siya maaasikaso ng kanyang mga magulang sa Amerika. Maititiyak nila na magiging maayos ang lahat. Bago sila lumisan, nagbilin na sina Mrs. at Mr. Merril sa mga kasambahay ang tamang disiplinang gagawin para kay Audrey. Mula sa mga pabor nito, hanggang sa limitasyon ng kanyang parusa. Lahat ay planado na. Kung aking masasabi, para na ding dinala ni Mrs. Janett ang buong bahay sa kanyang maleta. Sinuguro nilang wala silang makaklimutan, maliban sa isang bagay; ang tanong na, "Hanggang kailan sila muli makakabalik sa Pilipinas?" 

.

.

Lumipas ang 4 na oras, at narito si Audrey. Walang kamalay-malay sa kung saan na napunta ang kanyang mga magulang. Kung ang sarili nya lamang ang kanyang iisipin, hindi nya gugustuhing kausapin ang mga ito dahil sa kanyang emosyon na hindi nya makontrol. Ngunit, pumasok sa kanyang isipan ang maaaring maging damdamin ng kanyang mga magulang sa kanyang pag-uugali pagkatapos siyang palakihin ng mga ito sa loob ng 17 na taon, at ayaw naman nyang maging kalbaryo ito sa kanila. 

.

.

"Ugh, nasan na ba ung jacket ko?" Nagmamadaling nagkalikot si Audrey sa kanyang kabinet. Nagsuot ng face mask, nagsuot ng sumbrero, at binaon ang kanyang mukha sa dilim ng kanyang kapote. Namamaga ang kanyang mukha, lalo na ang kanyang mga mata, ang itsura ng kanyang pagkabigo ay bakas na bakas sa kanyang larawan. Kaya sige, itago natin ito. Si nanay at si tatay lang naman ang kanyang kakausapin. 

tok. tok. 

"M-ma?" bulong ni Audrey. Sa mga panahong iyon ay hindi niya kayang magsalita. Ang pakiramdam nya'y parang mayroong tumutusok na karayom sa kanyang lalamunan sinusubukan niyang tawagin ang pangalan ng kanyang makakausap. Ngunit, pursigido sya. Nilakasan niya ang kanyang tinig, "Ma, pagbuksan nyo po ako." 

Naki-usap ang dalaga, pero sa halip, kahit siguro sumigaw sya hanggang sa mga kabundukan ay hindi sya maririnig nito. 

.

Bumalik ito sa kanyang kwarto. 'Siguro naman, pagbubuksan na ako ni mama sa ilang sandali. Kilala ko 'yon, hindi nya maatim na hindi ako kausapin.' Ito ang akala ni Audrey. Sa hindi nya kamalay-malayan, wala na pala ang kanyang mga magulang. Lumisan na ito sa tabi niya. 

Tick. Tock. Tick. Tock. 

Alas otso ng gabi, buhat- buhat parin ni Audrey ang kanyang konsensya. "Dipa kumakain sila mama at papa ah? 'Ni hindi ko naririnig na gumagawa sila ng maliit na ingay. Gawa ba ito ng galit nila sa akin?" tanong ni Audrey sa kanyang sarili habang naghahanda muli itong makapag-usap sa kanila. 

"Ma! Pa! Nariyan po ba kayo?" Nakaluhod ang dalaga sa harapan ng pintuan ng kanilang kuwarto, pinipilit ang kaniyang sariling huwag umiyak, ngunit hindi niya kinaya. 

"Ay, miss Audrey. Kayo po pala iyan, di ko po kayo namalayan." Sambit ni Manang Gizele, ang kanilang kasambahay. 

"U-uH, n-nasan po s-sila mama?" tumugon ang dalaga, habang ito'y nauutal. "Di mo pa ba alam, iha? Pumunta sa Amerika ang mga magulang mo kaninang madaling araw, balita ko ay dahil daw ito sa pagpupulong sa kumpanya." ani ni Manang Gizele. 

Hindi pa man din makapaniwala si Audrey sa nangyari kahapon, ay nadagdagan muli ang kanyang pagdududa sa kanyang naririnig. "Bakit parang lahat ng ayaw kong mangyari ay nagaganap sa kasalukuan? Nananaginip ba ako?" bulong niya sa kanyang sarili.
"Pinapasunod po ba nila ako sa Amerika?" tanong niya sa kambahay. 

Alam niya naman ang sagot dito ay hindi. Sapagkat, naisip niya na, pagkatapos niyang galitin ang kanyang mga magulang ay aasa pa ba itong papuntahin sya sa ibang bansa? Pero, nagbabakasakali lang naman siya. 'Baka' pagbigyan pa sya ng kanyang mga magulang ng isa pang pagkakataon, o kahit hindi na pabigyan at isa-alang alang ang nangyari kahapon, basta lang ay makasama sya. 

"Hindi. Walang binilin sa akin sila Mrs. Janett na pasunurin ka. Dibale, kain na, baka mayari ako sa mama mo kung hindi kita pakakainin sa tamang oras. " 

"Ah, sige po. Sa kwarto nalang po ako kakain." Sumang-ayon si Audrey. 

Ngunit, lumipas na ang gabi, hindi niya ginalaw ang nakahaing hapunan. Napansin ito ng kanilang kasambahay, subalit, hinayaan niya lang ito. Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong sitwasyon, sapagkat, nasaksihan niya na ito noong mga taong bago pa lamang siyang naglilingkod sa pamilyang Merril. Ngayong 57 na taong gulang na si Manang Gizele, alam nya na ang tamang gagawin, pagkatapos nitong lumipas sa tatlong henerasyon. Labing-limang taong gulang pa lamang si Manang Gizele nang una siyang nakatapak sa tahanan ng pamilyang Merril. Nagsilbing pribilehiyo ito para sa kanya nang siya'y ampunin ng mga ito, pagkatapos siyang maulila sa kanyang ina. Noong mga panahon na iyon, ang lola pa ni Audrey ang kaniyang pinaglilingkuran. Kanyang siniyasat ang pagkakatulad ng mag-ina. Parehas na maganda ang anyo sa panlabas. Mabait, pero sa masamang palad ay pinagbintangan sa mga bagay na hindi naman nila ginawa. Maputi. Maganda at mahaba ang buhok. Matangkad. Matalino. Ngunit kapag mag-isa na'y halos kulang ang kanilang kaalaman upang pagdaanan ang mga pagsubok. Madalas ay idinadaan nila ito sa kanilang mga emosyon, sa halip na talagang solusyonan ang problema. Kaya naman, hindi na nagtataka pa si Manang Gizele nang makita ang mga kilos ni Audrey. Para sa kanya, naniniwala siya na napapasa ang mga kaugalian at gawi ng mga matatanda sa kanilang mga anak. Pero siyempre, kung paano nya patahakin si Mrs. Janett noon, ay ganun din ang kaniyang balak gawin kay Audrey. 

Kinabukasan, nilatag ni Manang Gizele ang dalawa't makakapal na libro sa harapan ng dalaga habang pinaghahainan nito. 

"Ano po iyan?" wika ni Audrey.

Hindi ito sumagot kaya naman siya na ang nagbuklat nito. "Noong mga panahong buhay pa ang iyong lola, dumaan din siya sa pagsubok mo. Ung pakiramdam na kulang siya, wala siyang kasama, at di siya pinapatawad ng mga tao sa paligid niya. Pero iyang hawak mo, ayan ang nagpalakas sa kanya." sambit ni Manang Gizele.

"Ano po ito, hindi ko po maintindihan."

"Ang lahat ng tao ay may iba't ibang pagsubok na hinaharap. Kaya sa bawat tao, mayroong iba't ibang mensaheng gustong iparating ang buhay. Iyang libro ay hindi gaya ng mga normal na libro. Ang nagsulat niyan ay ang tanging nagmahal ng tunay sa lola mo. Mga salitang katas ng tunay na pag-ibig. Mga ano iyan, iha... Mga inipon-ipon na mga liham." Tugon ni Manang Gizele, "at kaya hindi mo maintindihan iyan, ay dahil hindi yan isinulat para sa iyo. Darating ang panahon, makakatanggap ka rin niyan." paliwanag niya habang siya'y naghahanda ng tanghalian. 

Nakita ni Audrey ang isa pang libro. Sa pagkakataong ito, ang pangalan naman ng kanyang ina ang nakasulat sa pabalat nito. "Ahh, eto naman siguro ung sulat ni daddy para kay mama.", naisip niya habang binubuklat ito.  Nabasa nya sa unang pahina ng libro: "To Janett, from mama." Eh sino ba talaga sumulat nito? Pero oo nga, napansin niya ang 'katas ng pag-ibig' sa bawat salitang nakalatag rito, ngunit hindi nya parin ito maintindihan. "Hindi naman kasi ito isinulat para sa akin." 

"Kilala mo ba ang nagsulat niyan?" ani ni Manang Gizele. 
"Uhm, sila lolo at si papa po?" 
"May iba't ibang paraan ng pagpapakilala ang tagapagsulat niyan sa bawat tao. Sa iba, diretsohan nilang pinapakilala ang persona ng isa't isa. Sa iba naman, sa libro mismo nakasulat." sinubukang ipaliwanag nito ni Manang Gizele ngunit hindi nya parin ito maintindihan.
"Dibale, hintayin mo, may darating at may darating rin sa iyo."

Dear WordsWhere stories live. Discover now