"I'll take one large, Café Americano."
Hindi pa natutulog si Audrey, nang maalala nya ang ang pasukan sa eskwuela. Para makasigurong hindi siya makakatulog rito, dumman siya sa BLCK & BRWN cafè, ang pinakamalapit na lokal na kapihan sa kanilang siyudad. Walang masyadong tao ang nakatira rito, kaya kakaunti lang rin ang mga taong tumatangkilik sa kapihan. Ngunit para kay Audrey, perpekto ang lugar na ito para sa kanya. Kung sa labas rin lang, ito ang kaniyang paboritong tambayan.
Tumonog ang kaniyang selpon. May natext:
"Audrey, ngayon daw pasahan ng thesis."
ani ng kaniyang ka-grupo sa pangkatang gawain. "ANONG IPAPASA KO?" natarantang nagmamadali ito habang hinihintay ang kanyang order. Sa dalawang lingong hindi siya nagpakita dahil sa kanyang suspensyon sa kanilang klase, tiyak ay marami na siyang kulang at kailangan pang habulin na gawaing-pang paaralan.
"papasok pa ba ako?" tanong niya sa kanyang sarili, habang inisip kung ano ang itutugon niya sa mensahe ng kanyang ka-grupo.
..
.
"Hala! Pasensya na! Di ko sinasadya." paumanhin ni Audrey pagkatapos itong nadisgrasya at nakatapon ng kape sa taong nasa kanyang likuran."Naku-Okay ka lang?" ani ng lalaking nasa kanyang likuran. Ang kanyang saloobin ay umabot sa kanyang sitwasyon. Hindi niya mamukhaan ito, sapagkat, takip na takip ang mukha ng lalaki sa nakasagabal na sumbrero at face mask.
"It's a sign," umaasang binulong ni Audrey sa kanyang sarili habang natutulala ito.
"Hello, miss? Uhh"
hindi lang talaga malaman ng lalaki ang kanyang gagawin, kung 'itatakbo niya ba ito sa ospital? Bubuhusan niya ba ulit ito ng tubig?' Natutulala si Audrey na parang wala siyang naririnig.
"It's a sign na hindi ako papasok ngayon! Yes, may excuse ako."
Ayun naman pala Audrey, akala ko kung anong sign eh.
"Ah, oo, okay lang ako. Pasensya ka na ah." napapahiyang sinabi nito sa kanya, at lumuwas patungo sa silid-aralan. Balak nya sanang pumunta sa silid-aralan, duon malapit sa negosyo ng kaniyang mga magulang. Ngunit, marahil ay nakaligtaan niya ito, o kaya naman ay nawala na siya sa kanyang sariling katinuan, ay hindi nya namalayan...
..
.
"Bakit niya ako sinusundan?" Tila ba'y isa-isang naguunahan ang mga hindi makatotohanang imahinasyon. 'nanakawan nya ba ko? Hala, bakit kasabay ko sya sa dyip? Sisingilin niya ba ako? Eh di ko nga sinasadyang mabuhusan sya sa damit. Ano, paglalabahin niya ako?' bulong ni Audrey sa kanyang sarili."Para po."
sabay nilang sinabi sa nagmamaneho sa dyip. Di na kinaya ni Audrey ang kanyang nakikita. Alam niyang may mali, na may balak ito."Aha! Talaga naman, pati sa pagbababa, susundan moko? Iba ka ah, pakulong kaya kita!" sigaw niya sa binatang nakasalubong niya.
"Ms. Merril, hindi ko alam yang mga sinasabi mo." ani ng binata habang nagpatuloy itong maglakad.
"Tamo! Stalker! Pati ba naman pangalan ko, alam mo? TULONG! TULONG!"
galit na galit si Audrey, halos mamula na ito sa galit. Anong klaseng lalaki ba ito? Sa bagay, hindi na ito bago, maraming lalaki na ang hindi gumagalang sa mga kababaihan. Nagwala ito sa harapan ng kalsada, pero kalmadong nilayasan sya ng binata.
'Ah, kulang pa pala iyon, nako! Dapat hindi pinalalagpas ang mga ganitong tao.' bulong ni Audrey sa kanyang sarili.
Nang tumalikod ito, upang siyasatin ang masamang pag-aasal ng lalaki, ay nakita niyang pumasok ito...
![](https://img.wattpad.com/cover/279915085-288-k61855.jpg)
YOU ARE READING
Dear Words
Teen Fiction(The Letter Series Book #1) Her eyes used to paint her smiles, the one that travels from the East to the West. The contagious joy she brings contaminates everyone as she passes by. But not until the storms eyed on her. The one that used to be unsha...