"Lucy, m-may sasabihin ako sa iyo." Sambit ni Audrey sa kanyang nag-iisa't pinakamatalik na kaibigan.
Si Lucy Bueneventura, isang babaeng laging na-aapi sa eskwuela, dahil sa siya ay hindi "tulad ng iba". Kung pagtutuunan ng pansin, siya ang pinakamaliit sa pisikal na anyo sa lahat ng babae sa section A. Oo, matalino, pero hindi siya gaya ng ibang kababaihang mahilig maglagay ng makakapal na make-up sa mukha, hindi siya gaya ng kanyang kaibigan na sikat, mayaman, at laging naka-istilo. Sa madaling salita, siya ay bago sa paningin ng mga tao sa lipunan. Panibagong aspeto para sa mga matang maraming masasabi. Pero siya, handa siya. Galing siya sa isang bayang walang ginawa kundi husgahan siya. Kaya hindi na siya natatakot sa mga opinyon ng iba. Tanggap niya lahat ng kapintasan, lamat, o pagkukulang sa kanyang sarili. Dahil alam niyang ang mga ito ay ang mga panandang marka sa kanyang personalidad, dahilan na kung bakit siya nagiging espesyal sa lahat. Minsan, pinangarap ni Audrey na maging kagaya ng kanyang kaibigan. Di man sapat ang pangangailangang pinansyal, pero punong-puno ng pagmamahal na walang tinatago, punong- puno ng tapang, nag-uumapaw sa mabubuting pag-uugali.
.
.
Naglalakad patungo sa canteen ang magkaibigan nang sinubukang sabihin ni Audrey ang kanyang damdamin, bigat, at sama ng loob niya tungkol sa kanyang sarili. Iniisip niya, si Lucy ang tamang tao. Alam nyang hindi sya huhusghan nito, alam niyang hindi siya sisiraan nito. Inintay nya lang ang 'tamang pqnahon'. At eto na nga.
Ngunit,
"Aha! Nagsama ang dalawang buktot." Mula sa likuran, narinig ng dalawa ang sigaw ng isang babaeng nagwawala, gawa ng pagka-irita nito.
Sa kabilang palad, heto naman sila, lakad lang, na parang walang naririnig. Kahit ba'y narinig na ni Audrey ang mga yapak na humahabol sa kanila, at sabay namang naramdaman ni Lucy ang mga matatalim na kukong tila ba'y tumatagos sa kanyang bungo.
"As they say, same feathers flocks together. Dapat sainyo patalsikin na dito sa eskwuela, diba?"
Paglingon, eto ang mga salitang narinig ng magkaibigang lumalabas sa bibig ng isang dalagang napaka-tangkad, balot na balot ng mga mamahaling alahas at perlas. Isang babaeng sikat, kilala sa pangalang Bianca Astor, ang estudyanteng pumalit sa noo'y pagkatao ni Audrey. (matapos nila siyang pagdudahan at inakusahang mandaraya dahil sa insidenteng naganap) at oo, kahit bully, ay ginagalang ng maraming tao sapagkat ang babaeng ito ay ang anak ng may-ari ng eskwuelahan. Kaya naman buong tapang niyang sinigawan ang mag-kaibigan. "Dibale, di na bago sa atin yan." bulong ni Lucy "At alam mo naman ang totoo, wala tayong tinatagong mali, diba?" sinundan ito ng mga mapayapang salita dahil sinubukan niyang umiwas sa gulo.
.
.
"AHHHH!! BITAWAN MOKO" 10 sigundo bago ito nangyari, pinag-isipan ni Audrey kung tama ang kanyang gagawin, habang naka titig ng pahilis sa babae nang makitang hatakin nito ang buhok ng kanyang kaibigan, at pinagtawanan ito. Sa lamesang nasa kanyang tabi, may tasa, puno ng mainit at bagong kulong sabaw, wala na siyang iba pang maisip kundi ibuhos ito kay Bianca. Bumitiw ito sa kaniya, ngunit, nang makita ni Audrey na nalapnusan sa mukha ang dalaga,
"Takbo!"
Pero, di nya alam, huli na ang lahat. "Anong ginagawa mo, Lucy? Takbo!" Pero nanigas si Lucy sa kanyang posisyon. "Lucy! ANO BA-" habang nagsasalita ito, napansin niya ang nakakaibang katahimikang nagaganap sa kasalukuyan.
"Uhhh"
"Ms. Merril, to my office. NOW!" Ang tinig ng Guidance Counselor sa kanyang pasigaw na utos ay nakapagpakaba sa marami, lalo na kay Audrey, at mas lalo na nang nakatingin ang dean sa kanya.
.
.
"I would like to talk to your parents. Siguro naman, kung malalaman lang nila kung ano ang iyong ginagawa sa tuition fee na sinasayang mo this year noh? We greatly did not appreciate your personality against Bianca kanina. What you did was unacceptable. You were bullying her! And with bullying, comes the law. Di mo ba alam ang parusa ng ginagawa mo? Her parents talked to me about you as well." Nakayuko lamang ang dalaga habang sinesermonan ito. Di nya matanggap na 'bakit, anong masama, sa pagtanggol sa kanyang kaibigan? Bakit lagi ang mabuti ang kanilang inaapi?'
Umiyak lamang ito habang pinag-iisipan ang nangyayari. Tinanong ang kanyang opinyon, ngunit hindi naman ito pinakinggan. Ganun ba iyon? Sabi nila, there shall be unity in diversity, pero, dahil ba'y ibig sabihin na may mas mataas sa isa ay hindi na ito pakikinggan?
"Ms. Lucy Bueneventura, explain to me what happened. Ikaw daw ang pilit na pinagtatanggol ni Ms. Merril." paliwanag ng Guidance Councelor.
Saktuhan naman at kadarating lang ng mga magulang ni Audrey, katapat ang mag-asawang nagmamay-ari sa eskwuela. Naku, maraming pag-uusapan ang mga ito.
"UuhHmM..." nanginginig na sinubukang magsalita ni Lucy habang nakatingin ito sa kanyang kaibigan. Naisip niya na, kung patatalsikin siya sa eskwuelahan, ay wala nang ibang aasahan pa ang kanyang mga magulang para maiahon sila sa kahirapan. Naisip niya din naman ang kapakanang makukuha niya kung kakaibiganin niya si Bianca. Kaya, ang mga salitang dapat nakasangayon sa testigo ng kanyang kaibigan, ay naging...
"Matagal na pong sinisiraan si Bianca ni Audrey po sa akin. Bilang kaibigan po, hindi ko po matanggap na ginamit pa po ako, para lang po ibuhos nya ung galit niya kay Bianca." at marami pa itong sinabi, pero hindi na kayang ipasok pa ni Audrey ito sa kanyang mga tainga. Hindi sya makapaniwala sa pagtatraydor sa kanya ng kanyang kaibigan, na pinagkatiwalaan niya mula elementarya, hanggang kolehiyo. Pero, kung sa mga bilang lang ng tagapagsuporta ang basihan ng hustisya, sa kanya, talunan na siya, sapagkat tanging ang kaibigan niya lamang ang nakasaksi ng insidente. Naisip nya naman, dahil ganito na nga, ay pagbigyan nya nalang ang kanyang kaibigan. Naisip niya ang kaniyang kalagayan at ang inaasam nitong maging maunlad ang buhay. Kaya sige, gagawin nya ang kanilang pangako. Kahit wala na sya, magkaibigan, hanggang wakas.
..
.
"Nasaang katinuan ka para gawin mo iyon? Anak ng may-ari ng school- sa harap ng maraming tao- di talaga ako makapniwala sa iyo. Sinisira mo ang pangalan ng pamilya natin! You're grounded." Sambit ni Mrs. Janett kay Audrey habang humahagulgol ito sa kanyang tabi.
"Pero po ma-"
"I don't need to explain myself to you. I've already heard enough. Mas mainam pang sayangin mo oras mo dito sa bahay, kaysa sa nakakasakit ka ng ibang tao!" minsan pang sinundan ito ni Mrs. Janett.
Kahit ang taong lagi nyang kasama, ay hindi na siya binigyan ng pagkakataong pang magsalita.
.
.
Alam mo ba ung pakiramdam na para bang ang sama sama niya. Ung tipong, ang kasiyahan nya ay kanya lamang makakamptan sa panahong hihinto ang mundo. Ang nakakalungkot lang ay, madalas sa mga tao (hindi lahat) ng nagsasabi sa iyo ng, 'chase your dreams!', 'susuportahan ka namin hanggang wakas!', 'walang iwanan!', 'pag may gusto kang sabihin, nandito lang kami para sa iyo.' ay yung mga taong tatalikuran ka sa panahon ng kailangan mo sila.
"Perhaps, I've got the wrong advice to lean on." Sambit ni Audrey sa kanyang nagdadamdam na puso.
YOU ARE READING
Dear Words
Roman pour Adolescents(The Letter Series Book #1) Her eyes used to paint her smiles, the one that travels from the East to the West. The contagious joy she brings contaminates everyone as she passes by. But not until the storms eyed on her. The one that used to be unsha...