CHAPTER 1

52 18 2
                                    


Chapter 1



Iminulat ko ang mga mata ko habang habol ang paghinga pagkatapos kong iahon ang katawan ko sa pagkakahiga.


"Nagkatotoo na ba 'yon o panaginip lang?" Tanong ko sa sarili ko tuwing napapanaginipan ko ang pangyayari na iyon.


I have this kind of ability na nagkakatotoo 'yung mga panaginip ko. Pati ang mga iba't ibang pangyayaring insidente araw araw sa paligid ay napapanaginipan ko. It was all started two years ago when my friend of mine was appeared in my dreams.


Sa panaginip ko ay masusunog ang condo niya na magiging sanhi ng pagkamatay niya. Wala akong kasiguraduhan kung totoo ngang mangyayari iyon sa kanya, kaya noong araw na 'yon ay hindi ako nag dalawang isip na puntahan siya para iligtas siya.


Pumikit ulit ako at pilit na inalala ang panaginip ko kanina.


"Bakit ba kasi lagi na lang napuputol 'yung panaginip ko!" Inis kong hinampas ang ulo ko gamit ang kamay nang mahina.


"Ma'am?" Nabaling ang atensyon ko sa boses na nagmumula sa labas ng pinto ng kwarto ko. "Gising na po ba kayo?" Dinig kong katok ng isang kasambahay namin.


"Ano sa tingin mo?" malamig na sagot ko.


"Pinapatawag po kayo ng daddy mo dahil may pag uusapan daw po kayong importante, ma'am." Magalang na sabi niya sa labas ng pinto.


"Gaano ba kaimportante 'yan?" I asked in monotone.


"Hindi ko po alam,"


"Dapat alam mo." Bumuntong hininga ako.


"Eh, ma'am, hindi po kasi sinabi-"


"Oo na, sige na," I sneered.


Hindi ba pwedeng alamin niya muna lahat ng detalye bago siya kumatok sa'kin dito sa kwarto? Sabagay magmumukha naman siyang chismosa kapag gano'n.


Ilang segundo pa ay nagsalita ulit siya. "Sumabay ka na lang daw po sa kanila mag breakfast." Aniya pa, saka mabilis na nawala ang mga yabag niya papalayo sa kwarto ko.


Napakamot na lang ako sa ulo ko bago naglakad patungo ng bathroom at naghilamos ng mukha. "You're so mean." Ani ko sa sarili ko sa salamin. Ilang minuto lang ay bumaba na ako papuntang dining area. Pagkarating ko ay nasa dining table na sina mom at dad.


"Good morning," I coldly greeted to them and sat in front of their chairs. "Uh, what's that important thing do you want to tell, Dad?" My brows arched.


"Kumain ka muna." Naka ngiting saad ni Dad.


Ngayon lang siya ngumiti. Sa tuwing umuupo ako rito sa dining table lagi siyang nagmamadali sa pag kain. Okay, I feel something's weird right now. Feeling ko they'll give me a favor.


"You should try this dishes," inabot ni Mommy yung ulam na mukhang siya ang nagluto.


Tumango na lang ako at kumain. Hanggang sa kalagitnaan ng pagkain namin ay pinapakiramdaman ko pa rin sila. Narinig kong ibinaba ni Daddy ang kubyertos niya at saka tumikhim. Nagtaas ako ng tingin sa kanya habang ngumunguya.


"Ayoko na magpatumpik tumpik pa," panimula niya, ipinagsalikop niya ang dalawa n'yang kamay at seryosong tumingin sa akin. Sa sobrang kaba ay napainom ako ng tubig na nasa harapan ko. "Mayroon tayong family dinner mamaya together with your fiancé." Dad said without any hesitations.


Ano pa nga ba? Syempre naibuga ko yung tubig na iniinom ko sa pagkagulat. Ako? May fiancé?


"Are you okay, Nash?" Mom immediately gave me a tissue.


Chaos in Nightmare (World Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon