Eve
Hinawi ko ang nakaharang na buhok sa aking kaliwang mata nang makababa ako sa sinasakyang jeep. Pinagmasdan ko ng ilang sandali ang nakasulat na pangalan ng escuelahan sa bakal na gate bago bumuntong hininga at tuluyan na ngang pumasok.
Kakahakbang ko pa lamang papasok sa gate nang may lalaking bumunggo sa balikat ko mula sa likod. Nahulog ang dala kong mga papel kaya imbes na tingnan ang lalaking huminto sa harap ko ay lumuhod na lamang ako at isa-isang pinulot ang mga nahulog.
Nahahawi ang mga taong dumadaan sa makipot na gate dahil nakaluhod ako sa gitna. Iniiwasan din nilang maapakan ang mga papel na nakakalat sa harap ko. Ipinagpasalamat ko yun.
"STEM? You're a STEM student?" Tumango ako ng dalawang beses nang hindi nagtataas ng tingin. Nakita ko ang kamay ng lalaki kanina na pinulot ang admission slip ko. Isa sa mga papel na nahulog.
"Room?" Tanong niya pa. Ugh, I wish he'll just help me pick up the papers that was blown far instead of asking questions.
"308-A" Nang napulot ang huling papel ay hinawi ko ulit ang mga nakawalang strand ng buhok sa mukha ko bago tumayo at kinuha ang mga papel na inilalahad ng lalaki. Kahit na nakayuko na ay yumuko pa ako lalo bilang pasasalamat sakanya bago tumalikod na at umalis. Malalate na ako kung hindi ako magmamadali. Hahanapin ko pa kung saan ang room 308-A.
After a few minutes of walking without direction, nilunok ko na ang pride ko at nilakasan ang loob bago kinalabit ang guard na nakatayo sa may labas ng isang building.
"Ano yun?" Tanong niya. Ang makinang na badge sa dibdib nito ay tumama pa sa araw kaya napapikit ako at panandaliang napawi ang inipong lakas ng loob.
I cleared my throat before asking, "Saan po ito?" Tanong ko bago ipinakita ang notice slip kung saan nakalagay ang classroom number ko.
"Ahh, dito yan neng. A-building ito kaya umakyat ka lang sa third floor at pumunta sa Room 8. Buti na lang dahil maguumpisa na ang klase niyo sa loob ng limang minuto." Yumuko ako sa guard at pumasok na nga sa building.
Makaluma ang disenyo ng building na ito. Kayumanggi ang pader at kahoy ang sahig. May maliit na information desk sa gilid kung saan bored na nakaupo ang naka-unipormeng babae. I could see a faint glow of probably her cellphone screen below the table. Using it is probably against her job description. Lagot siya kapag nahuli.
Umakyat ako sa pangatlong palapag at nakapasok sa loob ng classroom bago ang itinakdang oras. Sakto.
Naghanap ako ng bakanteng upuan nang hindi tumitingin sa kahit kanino. Nakakita ako sa gitna kaya doon ako umupo. Nilabas ko ang libro para sa first subject kahit mukhang introduction lang naman ang mangyayari sa first day. Pero mabuti ng handa.
Pumasok ang teacher dalawang minuto pagkatapos ng nakatakdang oras. Nag-sorry siya bago nagpakilala. The petite, fair, and dark haired teacher introduced herself as Karyle Buenavente, or ma'am K, as she wants us to call her. I could relate to not preferring to be called by the full name.
Tama nga ang hinala ko, inutusan kami na magpakilala isa isa sa harap para raw makilala niya kaming lahat. Nagtawag siya mula sa class record niya kaya isa-isang tumayo ang mga kaklase ko para pumunta sa harapan at magpakilala. Dahil Zalueta ang apelyido ko, inaasahan ko ng ako ang huli.
"Iv..shariya...fe? Ms. Zalueta, it's your turn."
Nang marinig ang apelyido ko ay tumayo na ako at nagpunta sa harapan. I rehearsed what I was going to say countless times in my head while my classmates were speaking. Pero pagdating sa harapan ay medyo nablangko pa rin ang isip ko.
"My name is Evezjar Jairafe Zalueta. Nice to meet you." I pronounced my name carefully so they could remember it. Iv-shayr- ayra-fe. Yumuko ako ng ilang sandali bago nag-angat ng tingin at sumulyap sa teacher ko.

BINABASA MO ANG
Taking Chances
RomansJust some teenagers taking their chances. --- This is a compilation of scenes of how I wish things turn out for book and movie characters. Whenever I watch or read books and movies, my writer brain just can't help but rewrite it in my head. Here's i...