Poem#2

0 0 0
                                    


UNTITLED

Paano mo nagagawang maging maayos
Ang luha mo ba'y umaagos?
Hindi ka ba nagsisisi? O nasasaktan?
Wala ka na bang pakiramdam?

Nakakahiyang kausapin ka, bawat pagtipa mo
Alam kong pagtataboy ang laman nito
Itutulak nanaman palayo hindi kakausapin
Hanggang sa sarili ako'y maawa sa pagiging alipin

Gusto kong ipilit pero salitang galing sa'yo ay sobrang masakit
At nagsisilbing tinik sa rosas na bumabalot sa aking dibdib
Hindi ko magawang sa'yo ay mag tanim ng sama ng loob
Kahit ang pag-iwan mo sa'kin ay gabi-gabing bangungot.


Nagbibilang na lang ako ng nga araw na lumipas
Hinihiling na sana pabilisin ang oras
'Time heals' daw sabi nila
Nagsisimula nga nanaman akong maging tanga

Mali eh, hinihiling ko na sana ibalik ako sa panahon na sa'kin ka pa masaya
Noong tayo ay masaya pa
Noong tayo pa
Na  naglaho bigla

Araw-araw din, mas naiintindihan ko
Bawat mga minutong nakatulala natututo ako
Tama ka nga siguro, hindi ko nagawa ang parte ko
Hind ako naging mabuting pahinga mo, ako yung nakakapagod at hindi kailan man naging iyong pahinga

Writer's Pen Is PainWhere stories live. Discover now