RULE NUMBER 1: WAG KANG MAGMAHAL NG TAONG MARUPOK
Kahit kailan talaga ang babaeng yun napaka bagal. Kanina pa ako patingin tingin sa cellphone tinitignan kung nagreply na ba ito sa messages ko. Nilingon lingon ko na rin ang paligid baka sakaling nandito na siya.
Tinawagan ko ulit siya pero nag riring lang. Saan na ba kasi ang Zion na yun?!
"HOY KUPAL!" Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. Nilingon ko ang walang modong iyon. Ngunit nawala ang aking galit nang makita ang mala diyosang ganda ni Zion.
Mahina ko itong binatukan " 'Bat ngayon ka lang ha? Nakailang message ako sayo" Tanong ko sa kaniya.
"Ngiee kanina pa kasi ako dito mas nauna nga ako dumating kaysa sayo. Saka kaya walang reply o sumasagot sa tawag mo kasi naiwan ko phone ko" Inilagay niya ang kamay nito sa braso ko.
"Arat Foodtrip Kace" Malilimas nanaman ang wallet ko nito. Napakamot ako ng aking batok nang hilain niya ako sa may food court. "Money down Kace" inilahad pa nito ang kaniyang kamay animoy may ipinatagong pera sa'kin. Pambihira
"Sabi mo may sasabihin ka sa'kin, ano pala 'yon?" tanong ko sa kaniya habang inilalahad ang pera. Hindi na nito sinagot ang tanong ko at dumiretsong umupo sa malapit sa upuan hawak hawak ang mga pagkain panigurado siya nanaman ang uubos.
"HOY! Ano nga? . Ano yung sasabihin mo? "
Hinablot ko ang burger niya para magsalita na siya . Inirapan ako nito dahil sa ginawa ko. Huminga ito ng malalim at tumingin sa'kin ng seryoso. "Well kupal, I decided to break up with Jaxon" confident nitong sabi.Napatawa ako sa sinabi nito. Ehh paano ilang beses na niyang sinasabi ang mga katagang iyon pero umabot na sila ng mahigit isang taon. "Why laughing huh?. Hindi ka naniniwala nohh?" naka kunot ang noo nitong nagtanong.
"Pang ilang beses mo na ba yan sinabi?" umismid ako at tinaasan ako ng kilay nito. "Marami na, pero this time its real na. Trust me "
"Duh, hindi ka naman condom" pagtataray ko rito kaya binawi niya ang burger na hawak ko. "BABOY MO" sabi nitong tila diring diri.
"Hoy mas baboy ka, tignan mo nga yang pagkain mo halo halo na parang pagkain ng baboy amp" mas lalo itong nainis kaya hinila nito ang kamay ko at walang pasabing kinagat ito.
"AARAY!"
Parang sumama ata ang balat ko dun ah. "Oh ang siba mo pati ako kakainin mo" pang aasar ko rito habang hinihimas ang parteng kinagat nito.
---------------
"Kace, Swing oh. Dalian mo tulak mo ako ah "
Childish amp
Sumakay ito sa swing at ako naman bigla itong tinulak ng malakas. "TANGENA MO KACE!" sigaw nito halos lahat ng tao sa park ay napalingon. Bumaba na ito natakot siguro sa pagkakatulak ko.
Hinampas niya ako sa aking braso. "Wala ka talaga kwenta" umirap pa ito bago naupo sa malapit na bench.
Inilabas nito ang baby powder , liptint at pocket mirror. Napaka simple, pero ubod ng ganda. Katulad niyang may magandang kalooban. Kaya hindi na ako magtataka kung totoo ngang mahal ko siya.
Natapos na itong mag ayos "Ganda ko noh?" umismid pa ito.
"Yuck, mukha kang tae" pag sisinungaling ko.
Pareho kaming natahimik at pinagmamasdan lamang ang paligid. Mga batang naglalaro, mga magkasintahan. Tumingin ako kay Zion. At tila nawala ang mga tao sa paligid tanging kami lang ni Zion ang meron.
"Zion m-may sasabihin sana ako" nilingon niya ako at napataas ang kilay nito.
"Zion, I l-"
"Love, nandito ka lang pala" hindi ko natapos ang pag amin ko dahil dumating si Jaxon. May hawak na bulaklak at regalo. Mukhang sinusuyo si Zion.
Ngumiti si Zion ng abot tenga tumayo at lumapit kay Jaxon tinanggap ang regalo at bulaklak saka niyakap ang lalaki.
Oo nga pala hindi pala dapat ako nahulog sa taong marupok. Kasi paulit-ulit itong babalik sa taong gusto nito. At paulit-ulit din akong masasaktan habang nakikitang bumabalik siya sa lalaking minamahal niya.