Kate's POV
Anong oras na, 4 am na, gising pa din ako. Hinila ko ang katabing unan ko at niyakap ko, naramdaman ko ang basang bahagi nito.. haay.. Ilang gabi ko na rin ginagawang towel ang unan ko.. Pano ba na pro produce ang luha, feeling ko ang healthy ng gland ko na nagawa ng luha ko kasi hanggang ngayon hindi pa tin nauubos.. Nakaka dehydrate kaya to..
Gusto kong aliwin ang sarili ko sa pag iisip ng mga weird na bagay kesa isipin kng anong nangri sa amin ni Paolo.. sa amin ng asawa ko..
Ngayon ko gustong mag sisi na ginusto kong wag muna kaming magkaanak pag kakasal namin, eh di na sana may inaalagaan ako.. at siguro hindi maiisip ni Paolo na lokohin ako... o talagang gusto nyang mag loko,my anak man o wala kmi..
Nakakatawa..
I thought I was ready for this.. I settled my mind that men are polygamous by nature, at kailngan kong tanggapin un.. Even before na hindi ko pa asawa si Paolo, na ready ko na ang sarili ko na pag nag mahal ako, dadating yun point na mag loloko sya... Kaya akala ko, handa ako...
Pero hindi pala...
Masakit pala pag nararansan mo na..
Maybe dahil i didn't expect na si Bea ang magiging kerida nya...
Gusto kong matawa.. Gustong kong isipin na sa teleserye lang to nangyayari.. pero hindi, nangyari sa akin.. Niloko ako ng bestfriend at asawa ko.. kakatawa di ba..
(bumukas ang pinto)
Nandito na ang asawa ko..
"Morning.." sabi nya.. Simula nung nalaman ko ang pan loloko nya, laging ganun ang tono nya sa akin.. Laging parang nangangapa kung tama ba sasabihin nya, laging my guilt sa tono ng boses nya.. Dapat lang na maguilty sya..
"Galing ka ba sa kanya? Nasaid ba nya lahat ng dapat saidin sayo.. Tell me, mag kwentuhan naman tayo, naka ilang round ba kau... I think, dapat mag pa seminar si Bea about s e x, kasi i'm sure madami syang knowledge sa bagay na yun.. tama ba ako, asawa KO.." hindi ko mapigilan umiyak...
"Kate, listen, hindi ako galing kay.. kay... sa kanya, ok.. May kinalangan kaming tapusin sa office kya na late ako ng uwe.." nag try syang lumapit sa akin..
"Damn you Paolo! 3 years akong naniwala sa mga alibi mo every time na gabi ka uuwe, and you expect me to believe that now!"
"Pero yun ang totoo!" he shouted..
"You know what, honestly, hindi ko na alam ang totoo.. Minahal mo ba talaga-"
"Kate!Alam mong minahal at mahal kita...Please, kung may pag dududahan ka,wag ang pag mamahal ko sayo.."
I looked at him "You gave me reasons para pag dudahan ang nararamdaman mo sa akin Paolo.."
"I.. I.. Kate, I think mas makaka buti kung bibigyan muna kita ng space.. Aalis na muna ako.. Please call me up kapag ready ka ng mag patawad.."
-------------------------------------
i decided na ituloy na sya khit wlang nag pupush sa akin haha..self support..haha
BINABASA MO ANG
My Husband's Secret
قصص عامة"Please Kate, iwanan mo na sya. " Gusto kong sumigaw sa sinabing yun ni Bea. Gusto kong maniwala na mali ang naririnig ko.. Gusto kong isipin na nanaginip lang ako.. Pero ramdam na ramdam ko ang sakit.. Halos hindi ako makahinga.. Gusto kong tumayo...