Chapter 14 Bafflement

185 3 3
                                    

Paolo's POV


Pumikit ako habang ninanamnam ang lamig ng tubig ng pool. Dahil hindi pa namin na coconfirm ang meeting namin sa client namin, naisipan muna naming maligo sa pool ng bahay namin.


It is very obvious that Bea is trying to seduce me, mula ng dumating kami, panay ang sunod nya sa akin.


"Pare, ang ganda ni Bea no." narinig kong sabi ni Jerome. Hindi ko sya pinansin at nanatili akong nakapikit at nakatingala.


Ayokong muling tingnan si Bea, dahil totoo ang sinabi ni Jerome, hindi ko naiwasan kaninang hindi tumitig sa kanya ng makita ko syang lumabas ng bahay para maligo din. Naka- two piece lang ito. Kahit sinong lalaki lilingunin ito,and damn, even me, hindi nakaligtas sa kagandahan nito.


"Hindi ka pa nanawa sa magaganda bro, ganyan din yung mga nakikita natin pag nag a-out of town tayo ah. 'Yung iba, pinapatos ka pa." ngumiti ako, pero nanatili pa din akong nakapikit.


"Kunwari ka pa bro, alam kong ayaw mo lang tingnan si Bea kasi mag kakasala ka kay Kate. Pero kilala ko ang pag katao mo bro, kung binata ka, siguradong wala ka dito ngayon, nandun ka na sa kwarto kasama si Bea, at nasa magandang posisyon na kayo ngayon." tumawa ito.


F*ck! Bakit kailanganpang sabihin nitong walang kwenta kong kaibigan yun, hindi ko tuloy mapigilan na maisip at ma-imagine ang sinabi nito. Hindi ko napigilang mag mulat ng mata, at tingnan si Bea.


Sh*t!


Kung aahon ako ngayon sa pool, siguradong makikita ng lahat ang bunga ng imahinasyon na yun.


"Good thing din na kasal ka na eh, lagi na lang akong olats sayo pag dating sa babae." habol pa ni Jerome. "Kahit naman ako eh, kung asawa ko si Kate, hindi ko din maiisip ang mag loko."


Napahinga ako ng malalim ng maalala ko si Kate. Ilang araw pa lang akong hindi kasama si Kate nag kakaganito na ako.


"Pero kung may asawa na ako, at bibigyan ako n motibo nyang si Bea, naku bro, yayapusin ko ng buong buo ang pagkakasala." tumawa ito.


Inabot ko ang shades ko at juice. Sinuot ko ang shades ko, para hindi nila mahalat kung saan ako nakatingin, lalo't hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Bea. Damn.


"Minsan napapaisip ako kung bakit naging kaibigan kita." walang buhay kong sabi kay Jerome, pero may bahagi ng utak ko na gusong sumang ayon sa sinasabi nya.


Tumawa ulit ito.


Maya maya ay umahon si Bea sa pool. Napatingin kaming pareho ni Jerome.


"Look at that butt bro, sh*t, papatay ako, mahipo lang yun." napangiti ako sa sinabi ni Jerome.


Kung alam nya lang, na ilang beses ko ng nahipo, hindi lang ang part na yun, kundi buong katawan ni Bea, siguradong dudugo ang ilong nito sa inggit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Husband's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon