Chapter 2

845 17 4
                                    

My love... My heart... Oh bruised and broken all alone... When we're apart I die inside... I know I should be stronger but I lose all control... Fighting with myself tryin'a hide what, You don't know... But I get weak... I'm giving it all away... I know it's not wise to leave myself so open but... All the rules get broken in your eyes... I give it all up to you... And everything that's been keeping me together... Brings me to my knees... I get weak

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Please Kim huwag mo akong iwan.” Habang nakaluhod at nagmamakaawa ito sa babae.

“Ge,you have to accept. I need this shot for my career. Please understand.” Paliwanag nito.

“Did I do anything wrong? Anong ginawa kong mali ha? Sabihin mo, babaguhin ko. Itatama ko.”

“Ge wala. Wala kang ginawang mali.”

“Then why are you doing this. Why are you breaking up with me. Kim you know how much I love you.”

“Mahal din kita Ge, pero kasi sana intindihin mo rin yung desisyon ko.” Mangiyak-iyak nitong paliwanag sa lalaki.

“Paano ko iintindihin yung mga bagay na hindi mo maipaliwanag ng maayos ha. Sabihin mo nga.” Hamon nito. “Ni hindi ko nga maintindihan kung may nagawa ba akong mali para iwan mo ako ee.” Na halatang galit na. “Nagdesisyon ka nang hindi mo man lang hinihingi ang opinion ko. Akala ko ba, walang lihiman. Na walang magsisinungaling. Kim ginawa ko naman lahat diba. Bakit ganito.” Tanong nito.

“Ge pangarap ko ‘to. Mahirap bang intindihin yun.” Sigaw na nitong sagot at halatang galit na dahil sa hindi maintindihan ni Gerald ang gusto nitong ipaintindi.

“Pangarap mo? Pano naman yung pangarap nating dalawa?, yung forever natin.” Umiiyak na nitong sagot.

“Lahat ng tao nagbabago Ge. Yung mga pangarap natin, noon pa yun. Ge walang forever. Wala na tayo.”

“Please Kim.” He pleaded.

“Sorry Ge. I’m sorry.”

“Please Kim. Please. Babaguhin ko kahit ano. Sabihin mo lang.”

“Ge pwede ba tama na.”

“Please Kim. Give me another chance. Or kung gusto mo, sasamahan kita sa lahat ng pupuntahan mo. Kung kailangan mo ng bibitbit ng mga gamit mo, gagawin ko. Huwag mo lang akong hiwalayan.” Pakiusap nito sa kanya.

“Ge may sarili kang buhay. May kanya-kanya tayong mga gustong gawin na alam nating magagawa lang natin ng mag-isa.”

“Pero Kim, ikaw ang buhay ko.”

“Ge mahirap bang intindihin na ayoko na. Sakal na sakal na ako Ge.”

“Ngayon ako nang may kasalanan? Sinasakal? Sinasakal ba kita?” Galit nitong tanong sa dalaga.

“Oo.” Halos pasigaw nitong sagot. “Akala mo hindi? Lagi mo na lang sinasabi na, Kim huwag mong gawin yan. Huwag mong isuot yan, ang iksi.” Hindi na nito napigilang maglabas ng sama ng loob. “Kim kailangan ganito, dapat ganito. Huwag ganyan. Dapat huwag kang malate. Dapat ganitong oras nasa bahay ka na. Lahat na lang may oras Ge? Para akong batang sumusunod sa magulang. Lahat dapat organize, lahat nakaplano. Lahat dapat maayos, dapat lahat perfect. Alam mo ba kung gano yan nakakasakal ha. Na kailangan dapat lahat malaman mo. Dapat lahat sang-ayunan mo. Alam mo bang everytime na nasasabihan mo ako ng ganyan feeling ko parang wala akong kwenta. Na hindi ko kayang tumatayo sa sarili kong mga paa. Ge sakal na sakal na ako. Hindi na ako makahinga. “

It's Not about your Scars, It's All about your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon