Chapter 15

424 14 0
                                    

I'm driving down the highway... Cold and dark, dead ... (It's deceiving)... It's deceiving... And miles and miles pass by ... And I'm alone... My eyes feel like they're bleeding... But I'm just crying... I don't suppose you heard me ... Call your name, boy... If you say louder, ... Then I'll scream louder... The cities in between us block the way... They make it harder... But I'll scream louder... Is this what I ask for?... Is this what I ask for?

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi maalis sa isip nito ang sinabi ng kanyang Kuya Ryan. Iniiwasan din niyang makasalamuha o makausap si Gerald simula ng araw na yun. Mukhang hindi naman nahahalata ng binata na umiiwas ito sa kanya marahil na rin siguro sa pagiging abala nito kay Kim. Kasalukayan itong nasa sasakyan patungo sa ospital kung saan nakaconfine ang kanyang Nanay Luring. 

"Hi Nay." Bati nito sa matandang nakahilata sa hospital bed. "Pasensya po hindi ako nakapunta nung isang araw, Nagdinner po kasi kami nila Kuya." Saad nito sa matanda habang hinahalikan ang noo nito.

"Okay lang yun anak. Ano kamusta ka? Si Gerald akala ko ba kasama mo?" Usisa ng matandang inaalalayan niyang makaupo.

"Okay lang naman po ako. Si Gerald? Baka po kasama niya ngayon si Kim." Na halatang may bahid ng lungkot sa boses nito.

"Nagkabalikan na sila?"

"Hindi ko po sigurado ee." 

"Hindi mo siya tinanung?"

"Hindi po."

"Bakit naman? Siguro masayang-masaya na ang batang iyun."

"Bakit naman po?"

"Eh kasi binalikan na siya ng ex niya. Diba yun naman yung gusto niya." Bigla namang nalungkot ang dalaga sa narinig. Hindi naman iyon nakaligtas kay Nanay Luring. "Magsabi ka nga sakin anak."

"Bakit po."

"May gusto ka ba kay Gerald?" Tanong ng matanda sa kanya.

"Halata po ba?" Balik tanong nito sa kanya. 

"Nahalata ko na noon pa anak pero baka mali ang akala ko kaya hindi ko tinanung sayo." 

"Okay na rin po siguro yun Nay, tutal alam naman nating pareho na si Kim talaga ang mahal niya." Wala sa ayos nitong sagot.

"Mahal mo ba siya?" Usisa nito sa kanyang alaga.

"Kahit naman po sabihin kong oo, hindi naman po magbabago yung pagmamahal niya kay Kim diba."

"Kaya hahayaan mo na lang siya."

"Yun naman po yung dapat diba. Nakita ko po kung pano siya nasaktan nung nagkahiwalay sila ni Kim. At ayoko pong makita ulit siya sa ganung kalagayan."

"Kaya okay lang na ikaw na lang ang masaktan."

"Wala naman po akong magagawa. Kasi simula pa lang alam ko naman na ang lahat."

"Hay naku bata ka." Ani nito habang si Sarah naman ay yumakap sa kanya. "Hwag kang mag-alala, sa tamang panahon, marerealize mo kung bakit hindi kayo umubra ni Gerald. Balang araw, makikilala mo rin yung taong pipiliin ka at magpapasaya sayo." Seryosong sabi nito sa alaga.

"Okay. Now tell me anong problema." Wika nito sa kaibigang nakayakap sa kanya.

"Ha?! Wala. Namiss lang kita." Saad niya rito.

"Aysus, kilala kita." Saad nito sa kaibigan. "Sa sobrang busy mo sa opisina niyo, tuwing may problema ka na lang tsaka ka nakakapunta dito." Dagdag nito.

"Ganun ba ako ka-obvious?" Tanong nito habang nagmake face kay Anne.

"Oo noh. Oh sige na sabihin mo na." Ani nito. Naupo ang dalawa sa dulo ng higaan ni Anne. 

"We we're having dinner the other day with Kuya." Simula nito. "And we saw Ge and Kim together." Pagpapatuloy niya.

"And?" She ask curiously.

"And yun, ang saya nila." Sagot nito pagkatapos huminga ng malalim. Hinawakan naman ng ni Anne ang kamay ng kaibigan. "Kuya drove me home. He asked if the guy who I like was Gerald, and I said yes."

"Then?"

"He told me to stop." Dagdag nito. "Uy, anong say mo." Pakiusap nito kay Anne. Napansin niya kasing walang reaksyon ang kaibigan.

"Ano bang gusto mong isagot ko?" Balik tanong nito.

"Yung totoo." Maikling sagot niya rito.

"Kuya Rye is actually right." Her friend answered.

"Sobrang tanga ko na ba?" Di nito napigil ang magkagat-labi.

"Sobra."

"Pero mahal mo pa rin naman ako diba."

"Oo pero kapag patuloy ka pang nagpakatanga at hindi mo ginamit yan," Sabay turo sa ulo ng kaibigan. "baka iwanan na kita. Kaya ikaw, mag-isip isip ka din pag may time ha." Biro nito. "Pero seryoso, what made you think like this?" Tanong nito sa kanya. "I mean, ilang beses ka na naming pinagsasabihan ni Ate Kace pero hindi ka naman nakikinig." Saad nito.

"I saw how happy he was. At gusto kong maging masaya siya kasama ang taong mahal niya talaga." She continued. 

"Mahal mo nga talaga siya." Ang tanging nasabi na lamang nito.

She was busy reviewing her report regarding the Elizalde account when Gerald walk in to her office and settled his self on the chair just in front of her. Hindi niya ito pinapansin hanggang sa nagsalita ito.

"Are you mad at me?" Bakas ang lungkot sa boses nito.

"No." Mahinahong sagot nito na hindi pa rin tinatapunan ng tingin ang binata.

"Bakit parang umiiwas ka?"

"Ge, busy lang ako."

"Noon naman kahit sobrang busy ka, may oras ka pa rin sakin. Ngayon kahit sagutin man lang yung tawag ko hindi mo na magawa." May bahid pagtatampo sa boses nito.

"Alam mo naman kung gano kaimportante ang account na to diba." Pagdadahilan ng dalaga.

"Yeah." Pagsang-ayon nito. "Basta bukas punta ka." Ani niya rito.

"Ha, ano bang meron bukas?" Tanong nito sa binata komportableng nakaupo sa harap niya.

"Despedida party bukas ni Ali and he want you to come." Saad nito. 

"Ge.,"

"Please, please!" He begged. "Ayaw mo na ba akong kasama."

"Hindi sa ganun, kaso."

"I'll pick you up around 6pm tomorrow. No buts." Wika nito habang di na hinintay ang magiging sagot ng dalaga. Sarah just let out a big sigh.

AN: Ano kayang pwedeng mangyayari sa party? Pupunta kaya si Kim? Comments and votes are pretty much welcome. Kindly follow @itjennn on twitter. Thanku for reading! 

It's Not about your Scars, It's All about your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon