Chapter 4 kuya kristof comfort's bebe gurl

188 15 29
                                    

Kristoffer's POV*

Nalulungkot ako para sa kapatid ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Iyak siya ng iyak. Gusto ko lang siya icomfort ngayon. Wala ako magawa para mapagaan yung loob niya kundi damayan siya. Nag dadalaga na talaga tong bebe gurl ko. Masyado na ata ako sa basketball yung mga kabarkada ko kasi pinipilit akong mag laro ang galing ko daw kasi haha. Well ako pa? yabang ko ba? Eh kasi naman nagsasabi lang ng totoo. Peace. Okey back to my sister. Hindi ko alam na mahuhulog siya dun sa batang yun well I can’t blame my sister. Xander is a good boy plus he is handsome like me. haha. Talented at Magalang din na bata.  Bago siya umalis nag paalam siya sakin.

(AN: Pag pasensyahan niyo na yung pag kamahangin ni kristoff ah pero walang halong pag mamayabang e totoo talaga ang sinasabi niya kaya pag bigyan niyo na J)

*Flash Back*

*Basketball court*

“Par may nag hahanap sayo na batang lalaki”

“Ah. Sige. Tapos na kong mag bihis”

“Oh ikaw pala Xander. Akala ko naman kung sino. anong ginagawa mo dito at hindi mo ata kasama si bebe gurl?”

“Kuya pwede ba tayong mag usap? May sasabihin lang po ako”

“Hindi pa ba pag uusap tong ginagawa natin? Haha joke. Sige upo muna tayo. Hindi pa naman start yung game e. ano ba sasabihin mo?”

“Kuya aalis na po kami nina mommy next week. Pupunta na po kaming America”

“Bakit naman? Biglaan naman ata. Paano ka mag aaral? Next week na pasukan ah”

“Doon ko na po pag papatuloy yung studies ko”

“Ah ganun ba. Eh alam na ba to ni alexa?”

“Ayun na nga po. Hindi pa. Ayoko sa kanyang sabihin na aalis kami. Ayokong malungkot siya sa pag alis namin. Kuya gusto ko po yung kapatid niyo. Ingatan niyo po siya habang wala ako. Balang araw babalikan ko siya. Sasabihin ko lahat sa kanya. Kaya sana huwag muna kayo masyadong mabarkada. Mawawala na ko, mawawalan na ulit siya ng kasama. Sana pasayahin niyo po siya palagi kayo po ang mag alaga sa kanya para sakin….

Pag kailangan niya ng maiiyakan at karamay sana palagi po kayong andyan para sa kanya. Kahit ayoko siyang iwan kailangan. Wala akong magagawa sa ngayon dahil sa bata pa ko. Gusto nina mom at dad na doon na ko mag aral at doon na kami tumira para mas maasikaso nila yung buisness namin. Kuya sana ilihim mo tong lahat. Ayokong iba ang mag sabi. Gusto ko ako mag sabi sa kanya nitong lahat sa tamang panahon. Kaya sana kuya huwag mo sa kanyang sabihin na sinabi ko sayo na aalis kami. …

Alam ko magtatampo yun kasi sayo sinabi ko sa kanya hindi. Kuya kayo ng bahala sa kanya. Alam ko once na malaman niyang umalis na kami iiyak siya. Kayo na ang dumamay sa kanya sa lungkot, kayo na mag punas ng mga luha niya na dahilan ay ako. Sorry kuya kung masasaktan ko si alexa kung alam lang niya kung gaano ko siya kagusto. Mahal ko na nga po ata yung kapatid niyo. Gusto ko lang siyang makitang masaya hanggang sa huling sandali”habang nakita kong may tumutulong luha sa kanya.

“Sa tingin mo ba hindi mo siya masasaktan sa gagawin mo? Alam mong mahirap na desisyon yan. Parehas lang kayong masasakatan sa bandang huli”

“Alam ko kuya. Pero alam ko masasanay din siya na wala na ko. Kaya nga hanggang sa huling sandali sana pag bigyan niyo ko na mapasaya siya. Ayoko lang siyang malungkot. Alam ko pag nalaman niya agad malulungkot siya kaya hindi ko na sinabi saka mas mahihirapan akong umalis kung makikita kong nasasaktan siya. Hindi bale ng mas masaktan ako basta mapasaya ko lang siya”

“Ikaw talaga bata ka. Napaluha ka na oh. Kalalaking tao e. haha. Hayaan mo hindi ko sasabihin kay alexa. Tibay mo din. Sinarili mo lahat ng lungkot. Maswerte sayo si bebe gurl at nakilala niya ang isang tulad mo. Hayaan mo. Babantayan ko siya para sayo saka kaptid ko yun swempre iingatan ko yun mahal na mahal ko yun e. ikaw talaga. Salamat pala sa pag papasaya sa kanya. Alam kong iba yung saya niya nung nakilala kanya”

Gotta Find You (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon