Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa ingay ng fucking cellphone koAt sino namang istorbo to! Ang aga-aga kung mambulabog!
Huminto ito sa pagtunog kaya pumikit ulit ako at sinubukan ulit matulog.
Ringgggggg!
Padabog kong inabot ang cellphone ko at basta nalang sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag
"What do you want!"
[ Wag mo kong masigaw-sigawan dyan baka ibalibag kita!]
"Ate? Anong kailangan mo?"
[ Bukas ang flight ko pabalik dyan sa Pilipinas]
"Oh,okay"
[ Humanda ka sakin pag-uwi ko dyan akala mo hindi ko alam ang mga pinag-gagagawa mo!]
"Tss"
Binaba ko na ang linya dahil paniguradong sesermunan nanaman ako nun.
To: Vandrix
At the cafe ASAP!
-------SENT
inoff ko na ang phone ko at tumungo na sa banyo ahh! Shit! Ang sakit ng ulo ko bwiset!
Ng matapos na ay bumaba na ako."Sir ano pong gusto niyong ipaluto?" Tanong sakin ng isa sa mga maid dito.
"Nothing, just call Manang Loleng I have something to tell her."
Tumango naman ito at lumayo na.
Denial ko ang number ni Vandrix naka ilang ring palang ay sinagot naman nito kaagad.
[ Hey, asan kana andito na kami.]
"I'll be there in 30 minutes andiyan ba si Kristoffer?"
[ Yah, wait]
[ Ey, what is it?]
" Go to Sherlane alam ko namang papayagan yun kapag ikaw ang nag-sundo dun."
[ Ayoko nga, alam mo namang galit na galit sakin yun ang dami ko pang kalmot baka madagdagan ulit!]
" Sunduin mo na libre kita 1month"
[ Weee? Totoo ba yan?]
"Kelan ba 'ko hindi tumupad sa usapan?"
[ Okay, sige ba!]
Tss. Libre lang pala katapat ne'to kala mo naman walang pera.
Ibinulsa ko na ang phone ko ng makitang papalapit na si Manang Loleng.
" Manang, aalis po ako kung may tatawag po lalo na si Dad pakisabi nalang pong wala ako at wala akong panahong makipag-usap sa kanya."
Tugon ko kay Manang Loleng.
Siya ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko dito at minahal ko nadin siya na parang isang tunay na Ina, dahil itinuturing niya din akong isang tunay na anak Siya na ang nagpalaki sakin, nag-alaga't nagmahal sakin. Naalala ko nung una naming pagkikita tumatawid siya sa Highway na patuloy sa pagtakbo ang mga sasakyan hininto ko ang kotse ko sa gitna ng highway at dali-daling pinuntahan ang matandang tumatawid tinulungan ko siyang makatawid sa kabilang kalsada at ng humarap ako sa kanya ay nahimatay ito. Nataranta ako kaya kaagad ko siyang dinala sa isang malapit na Ospital. Iiwan ko na sana siya pero naaawa naman ako kaya naupo nalang ako at hinintay ang doktor. Nawalan pala siya ng malay ng dahil sa gutom. Nabanggit niyang wala na siyang pamilya at hindi niya din alam kung may kamag-anak pa siya at palaboy-laboy lang siya sa kalsada. Kaya naisipan kong doon na siya patirahin sa bahay at naki-usap siyang nais niyang pagsilbihan ako nung una tumanggi ako pero ipinilit niya pasasalamat niya daw dahil sa kagandahang loob ko kaya wala nalang din akong nagawa.
YOU ARE READING
Cold Hearted Angel
General Fiction'Ipaglalaban ang kanilang organisasyon o ipaglalaban ang kanilang relasyon'