Maxine's POV
Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ng sakit at hilo nakapa kong may bukol sa noo ko.
Ano bang nangyare? Teka, nasan naman ako? Napatingin ako sa paligid, kwarto ko to ah?
Inalala ko kung ano ang nangyari kanina nakasakay ako sa bus at dahil sa dami ng pasahero ay wala nang bakanteng upuan kaya nakatayo nalang ako at sa sobrang antok ay nakatulog ako tapos! Hindi ko na alam kung anong nangyari.
Pano ako nakauwi!?
Bumangon ako sa pagkakahiga at bumaba na napahawak ako sa ulo ko ng kumirot iyon.
Naabutan ko sila mama sa sala at nanonood ng Tv dumerecho ako sa kusina at kumuha ng tubig sa ref.
"San to nangyari?"
Rinig kong sabi ni mama kaya lumapit ako at umupo sa tabi nila napatingin ako sa Tv at nakitang balita pala ang pinapanood nila.
"Teka ako yan ah!" Gulat na turo ko sa screen ng Tv.
"Ikaw nga! Anong ginagawa mo dyan Angel?."
Kuha ito ng isa sa mga pasahero bumilis ang takbo ng bus kaya bumagsak ako sa lap ng isang lalaki.
"Fuck!." Inis na sabi ng lalaki.
Tulog ako?! Bakit hindi man lang ako nagising!? Tinulak ako nung lalaki kaya tumama ang ulo ko sa bintana ng bus shit! So siya pala ang may kagagawan kung bakit may bukol ako!
Nakasimangot na sina mama at papa na nakatingin sa Tv.
Dumikit ang bus na sinasakyan ko sa isa pang bus sumampa sa bintana yung lalaking tumulak sakin at lumusot papasok sa isa pang bus at dun na nagkagulo naputol na ang video dahil sa natataranta na ang mga pasahero.
Nasabi sa balita na nahuli ang tatlong lalaki na most wanted sa salang rape and murder na ang pinakapinuno daw ay si Victor Klen Magsalang.
Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito, iniabot ni Dad ang yelo sakin kaya nagpasalamat ako.
"Pag-nakita ko yung lalaking gumawa sayo nito hindi lang isang bukol ang matatanggap niya sakin." Ungas ni papa.
Napailing ako, ng makita si Manang Cena agad ko itong nilapitan.
"Hija, mabuti naman at gising kana."
"Manang alam mo po ba kung paano ako nakauwi?."
Si Manang Cena kase ang laging taga bukas sa gate so, baka lang alam niya kung paano ako nakauwi kase imposible namang umuwi ako ng tulog diba?!
"May naghatid sayo dito, ito oh ipinabibigay niya ito sayo."
Inilahad ni Manang Cena sakin ang isang sobre kaya kinuha ko iyon binuksan ko ito at binasa ang sulat sa loob.
-Hoy babae sa susunod wag kang tulog mantika kapag sasakay ka ng pampublikong sasakyan! Hindi mo alam nakidnap kana or what! Masyado kang iresponsable!
-STDL
Aba! Angas din nito ah! Ang kapal ng mukha niya siya pa itong may ganang magalit eh ako nga itong nagkabukol dahil sa kagagawan niya! Saka hindi ko kailangan ang pera niya!
"Oh Hija, bakit nakabusangot kana dyan?." Tanong sakin ni Manang Cena.
"Ahh wala naman po Manang ito po oh ibili niyo po ng bagong laruan para kay Jaylee."
Ibinigay ko ang perang laman ng sobre kay Manang Cena.
Ayaw ni Manang na tumanggap ng Pera o sahod samin dahil pasasalamat niya daw dahil sa pag-papagamot namin kay Jaylee.
YOU ARE READING
Cold Hearted Angel
General Fiction'Ipaglalaban ang kanilang organisasyon o ipaglalaban ang kanilang relasyon'