Chapter 2

0 0 0
                                    

Pagkababa namin nagtaka naman sila sa itsura naming tatlo pero wala nalang ding naglakas loob na magtanong naupo na kami at sinimulang kumain.

"Ate, asan po si Tito Sandro?"

Napatingin ang lahat kay Sherlane ng magsalita ito.

Uminom muna ng tubig si Ate bago sinagot ang tanong ni Sherlane.

"Nasa Singapore siya ngayon at may importanteng nilalakad pinabalik niya ako dito para asikasuhin ang business namin dito at para nadin bantayan ang galaw ng magaling kong kapatid." Pairap na saad ni Ate.

Tss. Paniguradong inutusan nanaman siya ni Dad para malaman niya ang pinag-gagagawa ko.

"Manang Loleng pati nadin sa ibang nag-abala para sa masaya at masaganang pagsalubong, Maraming salamat po." Nakangiting sabi ni Ate.

Nagkamustahan pa sila at nag-usap usap, siniko ko si Kristoffer at napangiwi naman ito.

" Shit ka bro alam mo nang kakasipa palang sakin ng Ate mo sisikuhin mo pa ako!" Inis na bulong niya.

"Ano may balita naba dun sa pinapagawa ko sayo?" Bulong ko sa kanya nagbubulungan lang kami tutal magkatabi naman kami.

"Kakabugbog palang satin ng Ate mo tapos gusto mo pa ding ituloy yang sinasabi mo baka patayin na tayo ni Ate Kaycee."

"Wag ka kasing maingay at babagal-bagal bukas na tayo kikilos."

Napailing-iling nalang siya pero tumango nalang din sa huli.

Nagpaalam na ako sa lahat na mauuna na ako dahil gusto ko nang magpahinga ilang araw nadin akong kinukulang sa tulog.

Nagising ako sa mahinang mga katok na nang-gagaling sa pinto.

Bumangon ako at binuksan ang pinto bumungad sakin si Manang Loleng.

"Magandang umaga hijo, ipinapatawag ka ni Kaycee naroon siya sa private room."

"Sige po susunod na po ako."

Pumasok na kaagad ako sa banyo ng matapos ay bumaba na ako binati ako ng magandang umaga ng ibang maid at tanging tango lang ang ibinibigay ko.

Nang makarating sa tapat ng private room ay kaagad kong idinampi ang hinlalaki ko sa screen at saka bumukas ang pinto na gawa sa matibay na tanso tanging ako, si Ate at si Dad lang ang nakakapasok dito nakita ko naman si Ate na sinusuntok ang punching bag.

"Pinapatawag mo daw ako?"

Dumerecho ako sa work-out space at ginawa na ang ritwal ko sa loob ng private room makikita sa magkabilang gilid ang dalawang malalaking salamin na may mga lagay ng iba't ibang klase ng baril at espada ang lugar na ito ang paboritong tambayan ni Dad tuwing uuwi ito dito.

"Gusto ni Dad na mag-aral ka sa Ford University."

Napalingon ako kay Ate ng sabihin niya yun patuloy pa din ito sa pagsuntok ngunit halatang seryoso ito sa sinabi.

"Sa anong dahilan? Pinag-aral niya ako sa Saint University para imbestigahan ang isa sa mga kalaban niya wag mong sabihing yun parin ang dahilan kung bakit kailangan kong mag-aral sa Ford?." Inis na sabi ko.

Huminto si Ate at naupo malapit sa akin.

"Yun na nga ang gagawin mo at syempre kasama mo sila Vandrix at Kristoffer wag niyong idadamay si Sherlane."

May inilapag na brown envelope si Ate.

"Inayos ko na ang papeles mo para sa pag-transfer mo at syempre kinausap ko na din sina Vandrix at Kristoffer ukol dito at nasabi sakin ni Sherlane na ililipat na din daw siya ng Dad niya sa Ford kaya magkakasama parin kayo."

Cold Hearted AngelWhere stories live. Discover now