(Link multimedia: https://pin.it/1ekoauq |as Lucifer|)
Someone's POV:
'Inay mayroon pong na-laglag mula sa kalangitan! Tingnan nyo po!' Ani ko habang turo sa kung saang bahagi nahulog ang bagay
Saking nakita itoy animoy isang bituing naglalabas ng ginintuang liwanag at papabulusok sa gawing kabundukan ng Aztek.
'Anak hindi ba't sinabi ko na sa iyong huwag gagawa ng anumang ingay?' Ani Inay sa aking isipan
Bilin kasi sa akin ni Inay na huwag gumawa ng anumang ingay, sapagkat maaaring mabulabog ang idlip ng mga Puno ng Sèlèp. Subalit kung mayroon naman akong gustong sabihin kay Inay habang naririto sa Kapunuan ay maaaring sa isipan ko nalamang ito'y ibibigkas. Kasalukuyan kaming nasa Kapunuan ng Sèlèp, namimitas kami ng mga prutas para sa gaganaping piging ngayung gabi.
'Opo patawad Inay.' Suko ko
Napasimangot nalamang ako't tinuloy ang pamimitas ng prutas.
*cut| tunog ng pagpitas ng prutas
'Anak alam mo naman na ayaw ko ng simangot sa iyong mga labi hindi ba?' Ani Inay sabay pisil sa aking kanang pisngi gamit ang kaliwang kamay
Tinanguan ko nalamang si Inay dahil wala akong masabing salita sa kanya. Sa kabilang banda alam kong mahal na mahal ako ni Inay at Itay dahil ni konting simangot ay ayaw nilang mapinta sa aking mukha.
'Osiya may gusto ka bang gawin pagkatapos natin rito?' Tanong ni Inay
Napangiti naman ako nang maisip kong magpunta sa kabundukan upang makita ang bagay na nahulog mula sa langit.
'Inay gusto ko po sanang makita kung anong bagay ang nahulog mula sa langit!' Pagbibigay alam ko kay Inay habang napisil parin niya ang aking kanang pisngi
Ngumiti na rin si Inay at binitawan na ang aking kanang pisngi.
'Bagay na nahulog sa langit? Anak wala akong nakitang nahulog mula sa langit, isa pa't napaka taas pa ni Haring Araw para sa isang bulalakaw na makitang mahulog mula sa kalangitan.' Mahabang sabi ni Inay
Wala syang nakita? Pero malinaw na nakita ng dalawa kong mata na isang bagay na naglalabas ng ginintuang liwanag ang bumulusok mula sa langit.
'Naiintindihan ko po Inay, subalit gusto ko pong tumuloy sa bundok Aztek kung papayag po kayo Inay.' Ani ko
Nag isip lamang sandali si Inay at muli ay may sinabi gamit ang isip.
'Kung tatandaan mo lamang ang mga itinuro namin sa iyo ng iyong Ama na kung may mangyaring hindi maganda ay marapat lang na ipaalam mo ito sa amin malinaw ba?' Paliwanag ni Ina'y
Bigla ko namang naalala ang mga mahika na ligtas gamitin at mga dapat gawin na itinuro nila Inay at Itay sa akin.
'Naiintindihan at gagawin ko po Inay, salamat po!' Ani ko't yakap sa kanya habang malumanay na pumapagakpak ang aking mga pakpak
▪▪▪▪《☆》▪▪▪▪
Kieth's POV:
'Mmmnn...' Ako nang magising mula sa ewan nakatulog ata ako
But wait I sense something... No! Its someone!..
'Nagising rin po kayo Ginoo!' Ani ng isang nilalang na nalapit sa aking mukha
I see na isa itong Anghel dahil base sa kanyang pakpak at presenysa na kaniyang ini-emit ay masasabi kong Im- im in the Realm of the Angels!? Pero napaka Cute ng little Angel na ito. Black hair, two colored eyes(blue, red) fine ears and nose.
BINABASA MO ANG
Welcome To Magics(bxb)
FantasiSa Lugar ng Pantasyang puno ng mahika isang taga ibang ReAl ang mapupunta. Ating samahan ang bida ng kuwentong ito na magbibigay saya, aral, kilig at iba pang damdamin ay tiyak na iyong madadama. Halinat magbasa at sanay hindi masayang ang iyong lak...