WTM C3: God of The Golden Order 2

12 2 0
                                    

(Linked Multimedia: https://pin.it/1ZuVFYI)

Lucifer's POV:

Tulala lamang ako sa aking kinatatayuan dahil lamang sa aking natunghayan, sa isang pitik ng daliri't wala ni kahit na anong ibinigkas na mahika, ako'y naguguluhan sa kung papaano niya naibalik ang lahat ng mga nasirang kapunuan.

'Sino sya at papaano niya nagawa iyon?' Bulong ko sa aking isipan

Isa pa may kung anong bagay akong naramdaman sa unang mahika na kanyang ginamit at naging dahilan upang muli kong makontrol ang aking mahika.

*snap snap. Pitik niya sa mukha ko na tanging narinig ko lamang

Bumubuka ang kanyang bibig ngunit hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi, mistulang istatuwa ang aking katawan sapagkat hindi ko ito maigalaw.

Ilang saglit lamang ay tumalikod ito at nag umpisa nang lumakad papalayo.

'Hey! Little Angel sasama ka ba oh hindi!?' Sigaw nito't akoy napa balik sa aking sarili

Tumakbo ako upang makasabay sa kanya ng lakad, ni wala akong alam kung saan kami papatungo. Sadyang wala ako sa aking katinuang pagiisip sa mga oras na ito.

...
..
..
.

'Ah, Ginoong Kieth tatanungin ko lamang po kung saan po tayo patungo?' Ani ko rito habang sumasabay sa kanyang paglakad

Masyadong maputik ang dinaraanan namin at madaming mga maliliit na sanga, naguguluhan nga ako kung bakit hindi natutusuk si Ginoong Kieth sapagkat sya'y naka biyas(paa?) lamang.

'Sa Palasyo!, wait huwag mong sabihin na hindi mo alam? Or baka ako ang mali? Hindi eh dahil tama naman ako na ito ang daan.' Kaunting naguluhan nyang sabi

Pero teka? Palasyo? Kaya pala pamilyar ang mga puno rito! Ngayun ko lamang napansin!

'Sa Palasyo po!? Kung ganun halina po kayo at mas madali ang daan rito!' Ani ko't hila sa kanyang kamay at tumakbo sa isang direksyon

....
..
....
..

Kasalukuyan naming nilalakad ang mas maayos na daan, ito rin ang daanan na aking ginamit upang makarating sa pinag bagsakan ng bulalakaw. Ang daan ring ito ay ang kadalasang ginagamit patungo sa tribo ng Revedalia.

Nilakad ko lamang ito dahil ipinagbabawal sa aming mga batang anghel na gamitin ang aming mga papak subalit sa bago palamng ang mga ito at para sa amin naring kaligtasan.

Samantala nakonsensya naman ako dahil sa paghila ko kay Ginoong Kieth at pagtakbo kanina, sapagkat nakalimutan ko na naka biyas(paa?) lamang siya.

*twit twit twit
*step step step
*winds

Tanging aming mga yapak at paligid lamang ang ingay na maririnig.

'So Lucifer maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang intensyon mong lumabas ng Kaharian?' Tanong ni Ginoong Kieth

Wala naman akong dapat ika bahala at itago.

'Mayroon po kasi akong nakitang nagliliwanag na bagay na nahuhulog mula sa langit at nakita ko rin itong bumagsak sa Bundok Aztek, kasama ko po ang aking Ina kanina at sabi niya ay hindi niya raw ito nakita itinanung ko rin ito sa mga kalaro ko ngunit ako lamang talaga ang nakakita kaya po noong pumayag si Ama at Ina ay nagtungo din ako sa pinagbagsakan at iyon na po nang makarating ako roon kayu lamang po ang nakita ko pati mga sirang puno't nabuwal na lupa at apoy.' Mahabang pagkukuwento ko sa kanya

Hindi naman siya umimik kaya akin siyang sinilayan ng tingin at...

'Bakit po Ginoong Kieth?.. may problema po ba?' Tanong ko rito at napabalik naman sya ng tingin sa daan

Welcome To Magics(bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon