(Interior look ng bahay nina Lucifer Link: https://pin.it/6JKeQbR)
[Note: lahat ng mga bagay bagay na naririto ay kathang isip lamang po at ibinase lamang sa katotohanan kaya kung makatotohanan po ito sa inyo/iyo ay wag mo nalang paniwalaan lalong lalo na sa Religious Elements, ako naman po ay nag search para may idea ako. Yun lamang Po enjoy Reading!]
Louigie's POV:
Kasalukuyan akong lumilipad sa himpapawid patungo sa tarangkahan ng ikalawang sektor ng Kaharian sa kabuuan ay may apat na sektor at apat ring Tarangkahan. Ipinag utos ng Arsobispo na tumungo ngayun sa mga tarangkahan ang apat(4) na Heneral isa para sa apat. Ngayung araw na ito raw ang pagdating ng Mahal na Bathaluman kaya ipina alam sa aming mga Heneral na magtungo sa mga Tarangkahan upang salubungin ang kaniyang pagdating, walang isiniwalat na impormasyon ang Arsobispo sa kung anuman ang anyo ng Mahal na Bathaluman sapagkat sila rin ay walang alam sa bagay na iyon. Ang tanging nalalaman lamang ng Arsobispo ay maaaring sa kahit na anong anyo ang Mahal na Bathaluman magpapakita.
*wings flapping / Land
Nang maka apak ako sa lupa ay agad akong nagtungo sa tanggapan ng Tarangkahan upang maipa alam rin sa kanila ang mga dapat gawin.
'Magandang araw sa iyo Heneral!' Bati ng mga kawal habang ang naka sarang kanang kamao ay nasa kaniyang dibdib
'Sa inyo rin Ovìètèrè.' Bati ko pabalik na ganun din ang ginawa
Isiniwalat ko ang balita sa kanila at ang mga nararapat gawin sa takdang oras. Nagsi balik naman ang iba pang mga Kawal sa kanilang pwesto upang gawin ang kanilang mga tungkulin.
Ako naman ay nagtungo sa bantayan(watchtower) upang makita ko ang pangyayari mula sa itaas.
.
..
....
.Mga ilang sandali pa ay naramdaman ko nalamang ang pasensiya ng aking Vì-èt na papalapit mula rito sa bantayan kaya naman napa baba ako sa tarangkahan. At mula sa baba kita ko ang aking Vì-èt na may kasamang isa pang Ovìètè habang naglalakad patungo rito.
Isang lalaking Ovìètè ang kasama ng aking Vì-èt, ngunit kakaiba ang kanyang kasuotan na sya namang napansin rin ng aking mga kasamahan.
'Heneral maari kayang ang Ovìètè na iyan ay ang Mahal na Bathaluman!?' Ani ng isa sa mga Kawal patukoy sa lalaking kasama ng aking Vì-èt.
Hindi maikakaila ng sinuman sapagkat wala man akong maramdamang kakaiba ngunit akin namang nakikita.
**blagsh
'Ah!'
'Uho!'
'Uw!'Mga ani nga namin...nadapa ang lalaki't hindi pa rin tumatayo kaya agaran na namin itoy pinuntahan upang matignan at matulungan.
▪¤▪¤《☆》¤▪¤▪
LunaFierre's POV:
*kshhhhh|cooking
Kumakalat sa buong kusina ang aroma ng aking nilulutong ulam para sa aming pananghalian.
*brrrgggg|cooking
Inilagay ko na ang sabaw nang mai-gisa ang karne upang mapalambot na ito. Saka ko rin inilagay ang pangpa-anghang na likido na nanggaling sa katas ng isang espesyal na dahon.
'Luna!'
'Inay!'Pag tawag sa akin ng aking mag-ama habang nakangiti nang silay aking sulyapan ng tingin, para bang may kung anong masayang balitang hatid.
BINABASA MO ANG
Welcome To Magics(bxb)
FantasySa Lugar ng Pantasyang puno ng mahika isang taga ibang ReAl ang mapupunta. Ating samahan ang bida ng kuwentong ito na magbibigay saya, aral, kilig at iba pang damdamin ay tiyak na iyong madadama. Halinat magbasa at sanay hindi masayang ang iyong lak...