Chapter 4: Groovy

199 21 3
                                    

Their four-day face-to-face internship just ended. It's now time for their ten-day quarantine. Kahit na limited lang yun, Quatro still feels grateful. They miss the laboratory big time. It felt like they had reached their home after a long time. Ang tagal nilang hindi nakatapak sa laboratory.

Ngayong tapos na sila sa face-to-face internship, Enriched Virtual Mode naman sila ngayon. May mga requirement silang kailangang ipasa araw-araw. For today, ang kailangan nilang ipasa ay isang journal critique.

Nag-aya naman si Nico na sabay gumawa habang nasa Discord sila. Nico prepared his smoothie and snacks before he opens his Discord app. Pagdating ni Nico sa voice channel na "aral tayo," nadatnan niya si Migo na nandun na.

"Hello, Migo," Nico greeted him as he unmuted himself.

Nag-unmute din si Migo. "Hello."

Tumunog ang Discord niya, notifying that someone entered the voice channel. Si Bela pala ito. Bilang maligalig na tao si Bela, agad-agad itong nagbukas ng camera. It revealed her dorm room. It is painted off white, the total opposite of her personality. Makikita din dun sa likod niya ang pintuan ng kwarto niya.

"Hello, guys!" bati ni Bela sa kanilang dalawa. "On naman kayo ng cam!"

Nico followed her and opened his camera. Mabilisan niyang inayos ang kanyang buhok. Bago pa man magbukas ng camera si Migo ay nakapasok na rin si Thea sa voice channel. Unang bumati sa kanya ay si Bela, "Hey, Thea!" Kumaway pa ito sa camera.

It took Thea a while to respond due to her internet connection. Nang maging okay na iyon ay sinagot niya si Bela. "Sorry, medyo mabagal yung internet ko kanina. Hello, guys." Nagbukas na rin siya ng camera niya.

First time sumama ni Thea sa mga ganito. She's really not the call type of person. Kung kaya namang i-chat na lang, dun na lang. Pero kapag para sa Quatro, parang gagawin niya kahit ano kahit hindi niya ito madalas gawin.

Habang dumadaldal si Bela, pinagmasdan ni Thea ang kwarto nilang lahat. It sure tells a lot about a person. Bela's room looks totally the opposite of her. Kung gaano siya kaligalig in person, ganun ka-boring yung kwarto niya. Walang design. Ang tanging may kulay lang dun ay ang kanyang bedsheet at ilang mga gamit tulad ng bag at sapatos.

Si Migo naman, makikita mong maraming libro sa likod niya. May ilang libro na narecognize ni Thea. Napansin niya ang mga ilan sa textbooks nila sa Med Tech katulad ng Bishop, Katzung, at Rodaks. Grabe, war flashbacks!

Lastly, she observed Nico's room which looks pretty spacious. May naka-install din na neon lights sa kwarto niya. He's currently sitting in a black gaming chair with a pop of red in it. He rests his back on it which reveals the shirt he's wearing. It was the block shirt they customized. Surprisingly, it still fits him.

Buti na lang hindi yun ang sinuot ni Thea.

Looking at Nico wearing their block shirt, she immediately felt comfort. It's actually nice to be with someone you've known before. Mas lalo niyang namiss ang mga dati nilang blockmates.

Nagsimulang magpatugtog si Groovy dahil naglagay na ng queue si Migo. He input a playlist that would last for twenty minutes. Thea went ahead and started her requirements. Ganun din ang iba nang magsimulang magpatugtog si Groovy. Thea muted the music text channel so she won't get distracted by the notifications.

Payapang gumagawa ng requirement si Thea nang marinig niya ang isang pamilyar na kanta. Napatingin si Thea sa music text channel. Nakita niyang si Nico talaga ang naglagay sa queue ng kantang yun. Pumunta naman siya sa voice channel at nadatnan niyang nakangisi si Nico. She glared at her screen as if tatagos yun kay Nico. He chuckled at the sight of Thea's furrowed brows.

576 Hours With You (MedTech on Duty, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon