Chapter 1: Plan

207 6 5
                                    

Tamara's POV

"Hello Tamara."

"Ang ganda niya talaga."

"WOAAAAAH. CHIIIIX"

"Pretty like me hahaha"

"Pwede bang manligaw?"

"Hi Ms. Saavedra."

Yan ang mga sumalubong saakin pag pasok ko sa school. May mga nagbigay pa ng letters, flowers, chocolates at iba pa. Nag smile lang ako sa kanila at hinanap si Alyanna. Asan na ba kasi yung babaing yun, Well I'm 100% sure nakipagchismisan nanaman yun.

"TAMARA!!!!!!!!"

"At saan ka ba nagsisisuot babae ka!!?" sigaw ko kay Alyanna.

"Well don't be angry to me kase. I have chismis for you." Sabi niya. Hindi ko rin alam kung paano ko to naging kaibigan eh ang malala pa bestfriend ko pa. Paano ko kaya natiis yung pag co-conyo niya?

"What? Tss. Ano nanaman yang chismis mo?"

"Sis, don't be angry ha?"

"Get to the point, Alyanna." mataray kong sabi sakanya.

"Uhmm. S-si Derick kasi ehhh." pa-putol putol niyang sabi.

"Ano naman meron sakanya-- Oh. Wait don't tell me, don't tell me namatay siya." Nakatitig lang siya saakin ng nag-aalala. Namatay na ba talaga siya?

"Totoo ba? Namatay na siya?" maiiyak iyak kong tanong sakanya.

"No sis. Worst mas worst pa doon." nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Oh Derick I know hinding hindi mo ako iiwan. Pero wait mas worst pa doon?

"Spill it."

"Derick and Ashley are dating....."

"Derick and Ashley are dating....."
"Derick and Ashley are dating....."
"Derick and Ashley are dating....."
"Derick and Ashley are dating....."

And everything went black.

RECESS TIME

CLINIC

Third Person's POV

Nag-aalala si Alyanna para sa kanyang kaibigan na nahimatay. Ine-expect na niya yoon, Pero hangang ngayon ay hindi parin ito gumigising. Nalulungkot siya para sa kanyang kaibigan at sa nalaman niya. Si Derick kasi ang ultimate crush ng kaibigan niya since Grade 8 at ngayong Grade 12 na sila ay ganun parin at hindi nag-babago. Ang problema nga lang ay ayaw na ayaw ni Derick sa kaibigan niya. At ngayon nalaman niyang sila na ni Ashley Bueneventura.

Ashley Carmela Buenaventura ang bruhildang babae na karibal ni Tamara sa lahat. Since pre-school palagi silang napapagkumpara at dahil parehas silang Maganda, Mayaman at Matalino. Pero sadyang mas lamang si Tamara ng konti. Kaya naman ingit na ingit si Ashley sa kanya. At lahat gagawin ni Ashley para inisin at galitin si Tamara. Ngayon nga ay nalaman ni Ashley na gusto pala ni Tamara si Derick. At si Derick naman ay gusto naman siya. At kaya ang sa isang iglap ay sila na.

"D-Dderick." mahinang sabi ni Tamara.

"Like Oh My Gosh sis are you okay?" nag aalalang tanong ni Alyanna.

Tamara's POV

"Like Oh My Gosh sis are you okay?"

"Seriously! Do you think I'm okay?" mataray kong sabi.

Not His GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon