Tamara's POV
Days, weeks and months had passed. I can say na naka move on na ako ng konti pero hindi pa buong buo. I'm entertaining my suitors now, they're not that bad after all. In fact, I met this person named Lance. He's really a good man, kind of? Masaya siyang kasama. He's unique.
Palagi niya akong iniintay sa labas ng classroom at sabay kami mag recess at lunch. At palaging may flowers at chocolates every morning, ang sweet noh. How i wish Derick was like that to me.
Derick nanaman. Hay, it's Saturday morning at wala akong magawa. I tried calling Alyanna para mag mall pero may date pala siya with her boyfriend.
/Knock Knock/
"Ma'am may bisita po kayo sa baba. Kaibigan niyo daw po." Sabi ni Ate Lucy isa siya sa mga kasambahay dito.
"Okay ate sandali lang bababa na ako." Sabi ko.
Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin kung mukha naman akong decenteng tingnan. I am wearing a floral dress at doll shoes, yung buhok ko naman ay nakalugay kaya sinuklay ko nalang ito.
Bumaba na ako sa sala at tiningnan kung sino yung sinong dumating. Bakit kaya siya nandito?
"L-lance?"
"Good afternoon. Flowers for you at chocolates." sabay bigay niya saakin.
"Thank you, lika upo ka. Kumain ka na ba?" Tanong ko sakanya.
"Yep, I'm good."
"Bakit ka napadalaw?" at umupo sa tabi niya."Ano nanaman trip mo." sunod kong tanong.
"Wala lang. Bawal ba?"
"Hindi naman. Boring dito eh baka ma-bored ka lang."
"Hindi yan. Nagdala ako ng mga DVD. Let's watch a movie?." Suggest niya at sumang ayon naman ako.
At yung nga nanuod kami ng movies. Puro horror yung dala niya akala niya siguro matatakot ako at makaka chansing siya saakin. Hahaha kanina pa siya tanong ng tanong kung hindi daw ba ako natatakot?, Huwag daw ako magtapang tapangan okay lang naman daw kung i-hug ko siya. Asa siya hahaha. Favorite ko kaya ang mga horror movies.
Pag katapos nun ay nag-laro kami ng mga video games. Hindi ko alam kung nag-papatalo ba siya o hindi lang talaga siya marunong xD. Palagi akong nanalo sakanya eh.
Maya maya ay tumawag sa akin si Mama at darating daw siya at may sasabihin daw siya saakin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Ipapa arrange marriage din kaya ako katulad ng iba? Huwag naman sana.
Tiningnan ko si Lance ayun tulog sa sofa ng kwarto ko. Tawa ako ng tawa dahil bukas pa yung bibig niya. Pinicturan ko siya, magagamit ko ito balang araw hahaha.
6pm
Nakauwi na si Lance at pinakita ko sakanya yung itsura niya ayun nainis dahil tawa parin ako ng tawa kaya yan umalis na. Pikon talaga.
Maya maya lang ay narinig kong bumukas yung gate kaya naman bumaba na ako.
Pag baba ko ay nakita ko si Mama may kasamang lalaki. Kahit medyo may edad na ito gwapo parin at napaka familiar ng mukha niya. Artista ba toh?
"Hi Ma." and kiss her cheeks.
"Hello po Tito." at nag mano ako sakanya.
Nagkatinginan silang dalawa ni Mama at parang nag-uusap sa tingin.
"You must be Tamara?" tanong ni Tito. Alangan naman si Mama diba?
"Opo." At sabay na tango ko.
"Well Tamara may sasabihin kami sayo at wag ka ma fre-freak out ha?" Kinabahan naman ako sa sinabi ni Mama. Eto na ba yun ipapakasal ba ako sa anak ni Tito?
"No, No Ma ayoko pang mag pakasal. Kahit napaka gwapo siguro ng anak ni Tito ayoko parin. Gusto ko ay yung mahal ko at mahal ako." sabi ko.
"Anong sinasabi mo? Ikakasal ka? Ano?" Tanong ni Mama.
"Ipapa arrange marriage niyo ako diba? Sa anak niya?" At sabay turo kay Tito.
"No, you got it all wrong baby. Siyempre hindi kita ipapakasal sa kapatid mo."
"Whaaaat! Kapatid???"
"Me and you're Tito Derek are already Married."
"Huh?" Ano daw?
"Sabi ko kasal na kami. He's you're new father baby."
Nakatingin lang ako sakanila at ina absorb ang mga nangyayari. So may bagong asawa ang nanay ko at si Tito Derek iyon at siya na ngayon ang tatay ko at may anak siya na kapatid ko na.
"Kelan kayo nag pakasal Ma?"
"Last week lang. Kaya wala ako lately. Sorry baby hindi ko nasabi sayo natakot kasi ako na baka hindi ka pumayag." at yinakap ako ni Mama.
"Ma naman eh. Ako anak mo tapos hindi ako invited?" At tumawa ako.
"So okay lang sayo?"
"Oo naman po. Gusto ko rin po mag karoon ng tatay eh." at yinakap naman ako ni Tito Derek or should i call him "Papa".
"Sabi ko naman sayo Ara at maiintindihan niya." at ngumiti si Mama.
"Oh, nandyan na pala si Derick eh." sabi ni Mama.
Derick? Wait. Tiningnan ko ang mukha ni Tito Derek o Papa. Tumpak kaya pala familiar siya saakin dahil kamukha siya ni Derick. Derek at Derick. Oo nga noh? Pero malay mo naman pamangkin lang niya diba at iba ang anak niya? Parehas lang silang Derick.
Unti unti akong humaharap sa dereksyon na nakatingin si Mama.
"D-derick."
"Tamara?"
OH NOOO! Siya ang si Derick as in Derick Bustamante. Paano na yan?
"You know each other?" tanong ni Mama.
"Bestfriend ko siya dati" / "He's my classmate." Sabay naming sabi.
"Really mag bestfriend kayo dati? Mukhang mas mapapadali pala tayong bumuo ng pamiliya Derek at magbestfriend naman pala sila dati."
Mag bestfriend kami DATI. Dati yun hindi ba nila tatanungin kung bakit hindi na kami mag bestfriend? Well ano naman isasagot ko. Sasabihin ko na mahal ko kasi siya kaso hindi niya ako gusto kaya hindi na kami close.
Napag usapan namin na dito na sila titira simula ngayong gabi. Great just great makaka move on ako ng mabilis for sure -.- At mag katapat pa talaga ang kwarto namin.
12:56 am
Mag aalauna na ng madaling araw at hindi parin ako makatulog. Siguro kasi ang daming nangyari ngayong araw na napaka unexpected. Pano na ako makakamove on niya? Paano kung malaman nila Mama at Papa ang tungkol saamin dati? Ang daming tanong na nasa utak ko ngayon at ayaw pang matulog.
Kaya naiisipan ko na uminom nalang muna na Milk sa bababa. Habang pababa ako ng hagdanan ay may narinig akong nag-sasalita.
"Babe huwag ka nang mag selos kay Tamara." si Derick yun ah. Nag-seselos si Ashley saakin?
"Ikaw ang gusto ko hindi siya okay." Ouch! Bakit ko pa kailangan marinig ito?
"I love you so much. Gabi na tulog ka na."
"Bye. I love you."
At tumakbo na ako pabalik sa kwarto ko. Ang sakit parin pala. Akala ko kahit konti nakamove on na ako. Paano na iyan ang sakit sakit na ngayon paano pa kaya kung nakita ko na silang mag kasama at sinasabi nila iyon sa isa't isa. Parang hindi ko kaya. Derick bakit kasi hindi nalang ako?
_________________
A/N: Sabaw, ang iksi, ang panget, wrong spelling, wrong grammar. Kahit ganyan yan sumabog utak ko kaka plot niyan. Bakit ganun ang dami kong ideas na gustong ilagay pero hindi ko ma-express masyado pag tinatype ko na? Well Happy 120+ Reads nalang Hart Hart .Enjoy :>
BINABASA MO ANG
Not His Girl
Teen FictionMeet Tamara Maree Saavedra, Maganda, Popular, Mayaman, at Matalino. Medyo cliché at gasgas na pero eto siya. She always get what she wants, do what she wants . Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya pwera na lang kanya love of her life na si Derick Bu...