Tamara's POV
Mario T. Saavedra
19** - 200*Nandito ako ngayon sa puntod ni Papa. Ang tagal na rin simula ng huling bisita ko dito.
"I miss you Papa." at tuluyan ng bumuhos ng mga luha ko.
Papa,1 week na rin pala ang nakalipas simula ng nalaman kong nagpakasal si Mama sa tatay ni Derick at naging kapatid ko siya. 1 week ko na rin siyang kasama sa bahay. Ang awkward nga nung una pero eventually nagiging okay na rin naman. Lalo na ngayon alam na ng buong campus na mag kapatid na kami. 1 week na rin kaming pinag uusapan sa school dahil alam nila na gusto ko si Derick. May mga naawa saakin at gusto pa daw akong gawan ng storya sa wattpad. At gagawin daw nilang happy ending yung storya namin.
Sa 1 week na iyon na-realize ko na malabo na talagang maging kami. Hindi pala malabo, Wala na talagang pagaasa na maging kami. Dahil kapatid ko na siya sa papel. Maybe I should support him sa relationship nila ni Ashley? Pero this days nakikita ko na palagi silang nag-aaway. Minsan naririnig ko na nag-seselos siya saakin. Dahil palagi kaming mag kasabay pumasok at umalis sa school. Is she serious? Siyempre mag-kapatid na kami at kailangan niya akong sabayan at protektahan. Shet kinikilig ba ako? Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit may positive side na naging mag-kapatid kami. Nag-papansinan na ulit kami pero siyempre hindi na kagaya nang dati. Pero alam ko naman na sinabihan lang siya ni Tito Derek na alagaan ako at protektahan. Pero basta kinikilig pa rin ako.
Pero minsan naisip ko rin na baka naman umi-istyle lang si Ashley para mag break na sila. Diba ako naman talaga ang rason kung bakit naging sila para pag-selosin ako sakanila? Hindi na siguro ako magugulat kung mag-brebreak na sila. Well sana ngayon na.
---
May party ngayon sa bahay. Parang celebration narin sa kasal ni Mama at Tito Derek. Pati narin ang pasasama ng mga companies namin. Nandito rin ang mga pinsan ko, mga Tito at Tita at iba pang family friends sa side namin at sa side nila Derick. Masaya naman so far. Ngayon nga ay nag-sasayawan sila sa gitna.
"Hi Miss." biglang sulpot ng isang mokong. Tiningnan ko lang si Lance at inirapan habang nag-pipigil ng tawa.
"Who you?" sabi ko sakanya.
"Future Boyfriend mo."
"Sinong nag sabi na Future boyfriend kita ha?"
"Ako. Kakasabi ko nga lang eh." sabi niya at linapit niya ang mukha niya saakin. Feeling ko tuloy ang pula pula ng mukha ko.
"Ano ba Lance!" sabay layo ko sakanya at pinag papalo siya.
"Hahahahaha kinikilig ka lang eh." at tawa parin siya ng tawa.
"Hindi ah. Baka kasi masyado ka nang mainlove sa kagandahan ko."
"Dati pa ako nainlove sa kagandahan mo." he smirked.
"Che. Bahala ka nga diyan!" at umalis na ako.
Ang kulit talaga ng mokong na iyon. Pumunta muna ako sa Garden namin. Hindi ko ine-expect na nandito siya. I mean invited pala siya? Isa siguro siya sa mga anak ng ma investors namin.
"Trevor?" Wala na akong balita sakanya simula ng nangyari sa Park.
"Uy." nakangisi siyang humarap saakin. Grabe ang laki ng pinag bago niya para siyang naka drugs na lasing. Sayang ito gwapo pa naman. Pero nakakatakot yung tingin niya ngayon.
"Bakit ka pala nandito? Nag-sasayawan na sila sa loob." at ngumiti ako sakanya. Hindi ako nag-pahalata na natatakot ako sakanya. Pero bigla nalang niya ako sinungaban ng halik. Sinubukan ko siyang tulakin pero masyado siyang malakas. Kaya kinagat ko yung labi niya at nag karoon ako ng pag-kakataon para sumigaw.
Pero dahil masyadong maingay at busy ang mga tao sa party kaya naman hindi nila ako naririnig. Tumawa lang si Trevor at kinaladkad ako sa papunta sa bench at inihiga niya ako doon. Sinira rin niya ang damit ko, wala na akong nagawa kundi pumikit nalang at umiyak lang ng umiyak.
*boogsh*
Nang minulat ko ang aking mga mata. Nakita ko si Trevor na nakahiga sa sahig at sinusuntok parin ni Derick. May dumating na mga guards at inawat si Derick. Kinuha na nila si Trevor at inilayo na saamin.
Lumapit si Derick sa akin at binigay saakin ang suot niyang coat at niyakap ako.
"Shhh. Tahan na, tahan na."
"T-tthank y-you." mautal utal kong sinabi habang umiiyak.
"Shh. You're my sister now. Gawain ko to, you don't have to thank me." and he kissed my forehead
----
Derick's POV
"Bakit kayo nag-yayakapan!?" sigaw ni Ashley saakin. Hindi ko alam na nandoon pala si Ashley kagabi nanunuod saamin ni Tamara. Speaking of Tamara, hangang ngayon ay hindi parin siya lumalabas ng kwarto niya simula kagabi.
"Kasi.." sabat ko.
"I don't need your excuses!" putol niya saakin. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga babae. Mag-tatanong sila pero pag sinagot mo sasabihin nila na hindi nila kailangan ng sagot mo.
"Niloloko mo ba ako Derick? Are you cheating on me?" tanong niya.
"Of course not. Kapatid ko na siya for God's sake Ashley."
"Kapatid mo na may gusto sayo!"
"Pero ikaw ang gusto ko. Eto nanaman tayo eh nag-seselos ka nanaman."
"Bakit Derick? Suko ka na ba? Ayaw mo na? Kung yan ang gusto mo. Go! Let's f*cking breakup." sabi niya.
"What!? No."
"Yes Derick. Yes we're done." at tumalikod na siya saakin at lumayo.
------
A/N: Short Update :> Birthday ko na bukas!!! Pero hindi ko feel hahahah. Ang bakla ng POV ni Derick hindi ko talaga keri. Enjooy :))
BINABASA MO ANG
Not His Girl
Novela JuvenilMeet Tamara Maree Saavedra, Maganda, Popular, Mayaman, at Matalino. Medyo cliché at gasgas na pero eto siya. She always get what she wants, do what she wants . Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya pwera na lang kanya love of her life na si Derick Bu...