Trigger Warning: This part contains mature contents and disturbing scene. Read at your own risk or if your not into matured themes, do not proceed.
---Prologue
We can be broken; inside or out. But in my case, I was broken and ruin physically and emotionally. I was alive but secretly dying inside with bruises on my skin and wounded heart.
"Putangina! Magpapakamatay ka bang gago ka?"
Rinig ko ang sunod-sunod na busina ng mga sasakyan na dumadaan. Rinig ko rin ang paulit-ulit na pagbato ng mga mura sa akin ng mga tao sa tuwing muntik nila akong masagasaan.
"Kung magpapakamatay ka, 'wag mo naman kaming idamay! Bwiset!"
Binalewala ko lang ang mga taong dumadaan. Hindi ko alintana ang kung halos patayin na nila ako sa mga titig nila. In the first please, they doesn't even care. Wala silang alam at wala silang pakialam!
Gago? Mas gago para sa akin ang mga tao sa mundong 'to. Mas gago sila kasi sa halip na tulungan ka ay babatuhin ka pa nila ng salita na mas ikakasira at ikakawasak mo. Wala e, ito ang reyalidad. Ito ang mundong hiniling ko na sana hindi ko na lang nakita.
Putangina? Hindi ako kung hindi ang buhay na meron ako.
I just continued walking in the middle of the road with buzzing cars and motorcycles, with my chaotic mind, heavy heart, pain and emotionless face. Sumuray-suray pa akong naglakad dahil sa sobrang kalasingan at habang may hawak pang bote ng beer sa isa kong kamay.
Tanging liwanag sa kalye lang ang meron at liwanag ng mga dumadaan na kotse ang silbing ilaw sa paligid. Pero para sa'kin ay wala naman talagang liwanag dahil simula noong namulat ako ay kadiliman na ang bumungad.
Huminto ako at tumitig sa harapan. May kotseng paparating pero lumiko lang ito at huminto ng saglit sa may gilid ko.
"Tangina boy! Anong problema mo?!" tanong nung driver pero tinitigan ko lang ito. Tumungga ako ng alak sa bote at tumawa pagkatapos.
Anong problema ko? Walang makikinig kapag sinabi ko. Walang interesado kapag kinuwento ko.
"Adik 'ata ang isang 'to!" Umandar ang kotse palayo sa direksyon ko.
See? Iniwan ako. Lahat naman iniiwan ako.
I stop in the middle, waiting someone to hit me. Hinihiling na sana tuluyan na lang nila akong sagasaan para matapos na ang lahat.
Wasak na rin naman ako kaya ano pa ang pagkakaiba kung sasagasaan nila ako? Mabuti nga 'yon, mamatay ako. Makikita ko ulit siya kapag namatay ako.
And I'm wondering... siguro kapag nasagasaan ako rito, kakalat ang patay na larawan ko sa social media. Sisikat ako tapos sasabihin ng mga tao na nakakaawa ako. Funny right? People will only be there and people will acting like they care when you are gone.
Alam kong maiisip ng mga tao na nababaliw na ako kapag sinabi kong gusto ko nang mamatay. But no! I'm not insane. I am broken.
Adik? No. I'm not taking drugs, but I'm taking pain, everyday single day.
Sa lalim ng iniisip ko at sa sakit na nararamdaman ko habang naalala ko ang mga pinagdaanan naming dalawa ay hindi ko namalayan na tumuloy ako sa paglakad hanggang nasa kabilang dulo na ako. Nakatawid ako ng buo pa ang lahat ng parte sa katawan at hindi wasak ang bungo. Siguro gusto pa akong pahirapan ng mundo dahil hindi Niya man lang hinayaan na sagasaan ako ng kung sino. Siguro masyado lang mahal ang mga kotse ng mga tao kaya ayaw nilang malagyan ng madumi kong dugo.
Hinahayaan ko lang kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Lipad pa rin ang isipan ko pero tatlong tanong lang ang naglalaro sa loob ng utak ko; kung bakit niya ako iniwan? Kung bakit siya sumuko? At kung bakit hindi siya lumaban?
I felt how my tears rolled down in my face down to my neck. I felt how the pain strangled my heart. Napahagulgol ako... parang mamatay na ako.
"Bakla raw kapag umiiyak ang mga lalaki," usal ko at mapaklang tumawa. "Ano self? Bakla ka ba? Bakla ka siguro ano! Kasi ang hina-hina mo."
I'm blaming myself. If maybe I come home right away, I would be able to save her.
"Grabe! Ang saya ko..." mapakla ulit akong tumawa at umupo sa may gilid ng tulay. Tuluyan kong inubos ang laman na alak sa bote at itinapon ito sa may gilid.
Napahawak ako sa noo ko nang maramdaman ang pagkahilo. Pumikit-pikit na rin ang mata ko sa sobrang kalasingan. Blurred na rin naman ang paligid dahil sa paningin ko kapag didilat ako.
Siguro kapag nabulag ako hindi ko na makikita kung gaano kasama ang mundong 'to. Pero ayoko... sa tuwing pinipikit ko ang mata ko ay mukha niya ang nakikita ko. Mukha niya noong pinapahirapan pa kami ng mundo. At sa tuwing didilat ako ay kasakiman naman ng mundong 'to ang nakikita ko.
Wala akong takas. I can't escape... but there's only one way to finish all of this.
Pinilit kong itayo ang sarili nang maisip ko ang bagay na iyon. Makailang ulit pa akong nasubsob pero pinilit kong tumayo.
Kapag ginawa ko ang bagay na iyon ay matatapos na rin ang lahat. Wala nang sakit at makikita ko siya ulit.
I made up my mind. Lumakad ako palapit sa tulay. Disidido na ako sa kung anong gagawin ko. Buo ang loob ko na tumuntong sa isang semento kung saan p'wede akong tumalon.
Tiningnan ko ang nagraragasang tubig sa ibaba. Kapag tumalon ako ay mamatay ako. That's sounds great. Wala ring masyadong tao na dumadaan sa bandang 'to ng tulay, gabi na rin naman kasi.
I smiled as I kept my balance.
"Kasalanan ba kapag nagpapakamatay ako?"
Sabi nila, mapupunta ka sa impyerno kapag ginawa mo 'yon. Pero ayos lang, mala impyerno na rin naman ang buhay ko, ngayon pa ba ako magrereklamo?
Ilang segundo akong nakatayo habang blangko ang isipan. Sakit at pagod lang ang nanaig sa akin.
Pagod na ako. Ayoko na. I was tired living a hellish life everyday. I was tired hoping that everything will be okay kasi wala namang nangyari. Walang naging okay. Nakakapagod nang kumapit ng mahigpit kung wala ka ng makakapitan.
Death. That's the only option I have. And I'm willing to embrace it than keep on breathing and living. Pagod na akong lumaban. I'm done!
I'm so tired breathing this fvcking life. Tonight, I'll lose myself like how I lost everything.
Ngumiti ako at pumikit. Hinayaan kong maramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin. At hinayaan kong bumagsak ang aking katawan.
Namanhid ang buo kong katawan nang tumama sa tubig. Tumama sa kung anong bagay ang ulo ko pero wala na akong maramdaman. Unti-unti nang nilalamon ng tubig ang aking katawan ganoon na rin ang aking hininga.
Just then, I welcome death. I let the water to take my last breath.
But then someone hold my wrist. Sinubukan niya akong hilahin pataas at sinubukan ko rin siyang itulak. Alam kong tao ang nakayakap sa akin ngayon pero hindi ko alam kung sino.
Bakit niya pa ako ililigtas?
Pinilit kong imulat ang mga mata ko pero wala na akong lakas. Rinig ko lang ang hampas ng tubig at ang isang boses na nagmamakaawang kumapit ako. Na huminga ako.
Pero ayoko.
Ayoko nang huminga.
Ayoko nang lumaban pa.
Ayoko nang mabuhay...
...dahil iniwan na ako ng babaeng una kong minahal.
xelbearstrio
BINABASA MO ANG
She Made Me Breathe Again
RomanceCS (Continue Series) #1: Breathe I already give up in life. I'm done. I'm tired of everything; tired of fighting, tired of losing, tired of crying and feeling the pain, tired of living, and I'm tired of breathing. But then, she came. She made me bre...