Chapter 1 He's Back

989 48 3
                                    


After 3 years

Kit POV

"Hey Kit, are you sure about this?"

Sa buong araw na kasama ko siya ayan na lang lagi ang bukang bibig niya. Ewan ko ba kung matatawa ako o maiinis eh.

"Oo naman Blaze, kanina mo pa sa akin tinatanong yang tanong na yan, pfft," natatawang sabi ko.

Pero mukhang di niya nagustuhan ang sinabi ko. Hindi kasi siya tumatanggap ng mga jokes eh, ayan tuloy sinamaan niya ako ng tingin.

"I'm not joking around here bear, tell me honestly what you feel, we can go back to our province if you want to," nag aalala na sabi niya sa akin.

Ngumiti nalang ako sa kanya bilang pagtugon sa inaalala niyang kalagayan ko. Gusto kong makita niya na okay na talaga ako, ayokong mag alala pa siya.

Lumipas na ang tatlong taon simula ng maka-apak muli ako sa Manila. Maraming masasayang alaala ang naranasan ko dito, gayundin ang kalungkutan na pag-alis ko at pag-iwan ko dati sa nakaraan. 

Alam ni Blaze ang tungkol sa nangyari sa akin dati.

Paano niya nalaman? Sino si Blaze?

Isang mahabang salaysayin kung iku-kwento ko pa, mas mabuti sigurong sagutin ko muna ang mga simpleng katanungan.

Ano ba ito quiz bee? emz!

Siguro unahin muna natin kung sino ba si Blaze.

Si Blaze ay aking naging kaibigan sa tatlong taong naninirahan ako sa probinsya kung saan siya nakatira. Matalik at malapit ko siyang kaibigan, as in close na close friend ko siya. Isa siyang matipuno, strikto, protective at higit sa lahat masarap.

Masarap siyang magluto! Kung ano-anong iniisip ninyo ha!

Is siyang dakilang chef to be!

Yes, to be. Dahil dito sa Manila itinatayo ang sarili niyang restaurant na siya mismo ang nagmamay-ari. Ang galing niya no? 

Actually, siya lang dapat ang pupunta dito sa Manila kaso gustong sumama rin ng kapatid niya si Blaise, at ipinasama na rin ako ng mga magulang niya, kaya sumama nalang din ako.

Lahat na ata ay nasa kanya na, siya ay isang matagumpay na dreamer, may mga mabait na magulang at isang cute na batang kapatid.

Ang swerte ko nga dahil naging kaibigan ko itong lalaking 'to eh, sa lahat ng nakilala ko siya lang ang umintindi ng lubos sa akin.

Alam niya kung ano ako, he knows that I'm gay. 

At alam niyo ang mas ikinasaya ko? Nung sinabi niyang, "I don't care if you're gay or whatsoever, I want to be your friend and I want to know you, that's what matters." 

Ang swerte ko diba? 

Hindi lang iyon ang ipinapasalamat ko kay God, dahil hindi ko lang siya naging kaibigan, nagkaroon din ako ng magulang dahil sa kanya.

Ang mag-asawang Madden, sina Tito Apollo at Tita Fier, ang mga magulang ni Blaze. Itinuring nila akong parang anak na rin, para akong napabilang sa pamilya nila.

At higit sa lahat, ang rason kung bakit ko nakilala si Blaze, ang nakababata nitong kapatid, si Blaise Aiden Madden.

Ako ang naging tutor at nag alaga sa kanya, makulit itong bata at masayang kasama. Laging nakangiti at masayahin, puro man siya laro, hindi naman mawawala sa kanya ang oras ng pag-aaral, matalino kaya yun, mana sa akin eh!

Well~

"Fine, I won't ask anymore but tell me if you're not okay here, understood?

Ito na naman si Blaze, ang kulit talaga!

Remember UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon