Minahal mo siya -- teka ? minahal kaba ?
bakit mo minamahal ang taong di ka kayang bigyan ng halaga
ilang balde ng luha naba ang iyong naaksaya
kailan mo ba matatanggap na kayo ay tapos na ?hindi masama ang alalahanin ang nakaraan
pwede mo itong isipin pero wag mo nang balikan
kase bakit mo babalikan kung masasaktan ka lang din naman
kaya pwede ba pakiusap itigil mo na ang iyong katangahan !tama na ang pagluluksa mo na halos isang taon na
ang pagmamahal mo sa kaniya bakit di mo nalang ituon sa iba
kay God ? sa pamilya ? kapatid at kaibigan ?
sila yung paniguradong kahit kailan di ka iiwananSasamahan , dadamayan ka sa oras nang iyong pangangailangan
handang makinig sayo at higit sa lahat hindi ka sasaktan
kaya burahin mo na sa isipan mo ang isang katagang
ika'y mamamatay kapag sa piling mo siya ay lumisane bakit hanggang ngayon buhay kapa ?
"WAG KA NGANG TANGA" !!
masyado ka lang siguro nasanay na siya ay iyong kasama
baka nakakalimot ka isinilang ka na hindi siya katabe
isinilang ka na mag-isa kaya tama na ang paghikbi sa tabehindi naman sa bitter ako sa pagmamahal dahil sa paulit - ulit na akong nasasaktan
ayoko lang naman na maranasan mo pa ang aking mga naranasan
panahon na para maging buo ka mula sa pagkabiyakpunasan mo na ang mga luha mo at tumahan kana sa pag iyak
sila ay nawala kasi di sila yung nakatadhana para sayo
sila ay nawala dahil di nila deserve ang pagmamahal mo
tapos na ang pagiging malungkot panahon na para magsayawag kang manghinayang sa taong ikaw mismo ang sinayang
tandaan mo loyal ka at manloloko lang sila
kahit na ano man ang mangyare
nasa kanila parin ang karma
at higit sa lahat sila yung nawalan at hindi ikaw
kaya move on na bes magsisisi din yan balang araw.